CHAPTER 1

100K 1.6K 64
                                    

Tanya:

"Oh my God ang guwapo talaga ni Sir Grey!"



"Hi sir Grey!"




"Grabe ang suplado pero ang guwapo talaga!"



Sunod-sunod na sigawan ang maririnig mo sa hallway dahil dumaan si Sir Grey ang pinaka mamahal kong prof (ang landi lang:D)



Ako nga pala si Tanya isang second year college student sa Colegio San Agustin dito sa makati. 17 years old. Half Spanish ako dahil Spanish ang dad ko. Nasa dugo ko ang pagkatisay. Brown na brown ang mga mata ko, maliit lamang ang hugis ng mukha ko at makinis. Maliit ang aking ilong na pinaresan ng maliit na mga labi. Likas nadin sakin ang pagkamamula mula ng balat ko dahil siguro sa lahi ko. Mahaba at itim na itim naman ang buhok ko na namana ko sa mama ko.

Ang lolo ko ang nag papaaral sakin at 107k ang tuition fee dito kaya naman kailangan ko talagang mag aral ng mabuti dahil di biro ang halaga dito.

Well transfer student ako from London dahil nag hiwalay ang parents ko at may kanya kanya na silang pamilya ako naman ay nasa puder ngayon ng lolo ko na isang business man at kaibigan ng may-ari nitong school.

Magiisang buwan pa lamang ako sa school na to at aaminin kong masaya ang college life ko ng makilala ko si Dale siya ang mathematics teacher namin na si Sir. Grey. Ang guwapo guwapo niya kasi at talagang mabibighani ka dahil sa kakisigan. Halos lahat na ata ng kababaihan dito maging mga babaeng prof e magiging karibal ko pa ata.


"Hoy Tanya!" Tapik sakin ng kaibigan kong si Abby. Siya si Abby Salazar ang una kong naging kaibigan sa paaralang to. Maganda siya, katamtaman ang kulay ng balat at mabait syempre.


"Yes?" Sagot ko.


"Anong yes? Kanina pa kita kinakausap Jan natulala ka nanaman nung nakita mo si Sir Grey!" Napalakas ang boses nito. Nandito padin kami sa hallway at tinakpan ko ang bibig nito dahil baka marinig siya ng mga studyante mahirap na.


Si Abby lamang ang nakakaalam na may pag tingin ako kay Dale Clyde Grey o si Sir Grey.


"Ano ba wag ka ngang maingay Jan baka marinig tayo." Pagpapatahimik ko sakanya.



"Pano ba naman kasi wala ka sa sarili mo. Hindi mo ata namalayan na dumaan si papa Grey mo sa harapan mo kanina at nagkatitigan pa kayo. Kaloka ka girl na weirduhan ata sayo kaya di kana pinansin. Snob naman kasi yung tipo mo." Dagdag pa nito.



What? Ibig sabihin sa sobrang lalim ng iniisip ko nakita pala ako ni Sir? Nakakahiyaaaaaaaa!



"Ano wala kang sasabihin? Nag dedaydreaming ka nanaman jan hay nako tara na baka malate pa tayo kay Sir yari tayo alam mo namang beastmode lagi yon." Si Sir. Grey ang tinutukoy niya.



Dali dali na kaming tumakbo dahil 5mins na lamang ay malelate na kami. Ayoko talagang nagpapalate sakanya dahil bukod sa crush ko siya ay sobrang strikto nito sa klase kaya naman takot ang lahat dito.




"Aray naman Abby wag mo akong hilahin." Sabi ko dahil sa patuloy na paghila sakin ng kaibigan ko na siyang dahilan ng pagkaputol ng takong kong 1inch.




"Waaaaaah! Nabali na yung nakong ko ikaw kasi ang bilis mo."



"Ang kupad kupad mo kasi Tanya eh ayan tuloy. Tara na mamaya mo na ayusin yan may pandikit ako dito dali bilisan na natin nako alam mo naman pag nag beastmode si Sir." Sabi nito. Ako naman ay nagtuloy ng takbo kahit na paika ika ako at hawak hawak ko ang takong ko.




He's Cold Hearted ✔Where stories live. Discover now