CHAPTER 20 the memory. 2

24K 615 14
                                    


Sumasakit na ang ulo ko na hindi ko maintindihan kung bakit.
Naguguluhan man ay nakinig padin ako sa usapan nila..






"Bakit? Nahanap mo naba siya ha Dale? Nahanap mo naba si Angel?"




Angel? Sino si Angel? Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at pumasok nako sa loob.





"Sino si Angel?" Tanong ko habang gulat na gulat naman si Dale sa pag dating ko.






"Ano ba Dale hindi mo ba ako sasagutin? Sino Angel?" Wag naman sanang tumama ang hinala ko. Sana hindi ako niloloko ni Dale.





"I can explain Tanya pero hindi pa ngayon maguguluhan ka lang. Kailangan pa natin ng panahon."
Sabi nito.





"No Dale. Bakit hindi mo sabihin sa Tanya na yan kung sino si Angel? Diba yun yung pinangakuan mong pakakasalan mo bago ka mawalan ng ala -ala? Wag mong gawing tanga si Tanya aminin mo ang totoo na ginagamit mo lang din si Tanya para pampalit kay Angel."





"Shut up! Wala kang alam Debbie. Hindi mo kilala kung sino talaga si Angel. At wala akong dapat na ipaliwanag sayo dahil kay Tanya lang ako magpapaliwanag."





"So niloloko mo lang ako Dale?" maluha luhang sabi ko.





"Hindi mo naiintindihan Tanya please ikaw lang ang babae sa buhay ko maniwala ka naman." papalapit na ito sakin ng pigilan ko to.





"Tama na. Lumayo ka sakin." Sabi ko. Napahawak nanaman ako sa ulo ko lagi nalang kasi itong sumasakit. Tuluyan ko ng tinalikuran si Dale at nagsimula ng maglakad.





Lakad lang ako ng lakad. Hindi ko na pinansin ang tuloy tuloy na pagtawag niya sakin. Sa totoo lang ay naguguluhan nako sa nangyayare kailangan ko munang magpahinga nalang para sa baby ko.





Naisip ko ng mag taxi pauwi ng mansion. Walang katao tao dito kaya umakyat nako ng kuwarto at nilock ito.





Kilala ba talaga kita Dale? Bakit mo ginawa to sakin? Ang sakit, ang sakit sakit na..






Itutuloy...




Hi guys hanggang Jan na muna siguro napapaisip na kayo noh? Well mamaya nalang ulit ha magiisip lang din muna ako hahaha! Please vote and comment thanks!

He's Cold Hearted ✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt