CHAPTER 27

24.7K 653 42
                                    


********************************

Tanya :

"Anong pinunta mo dito?" Tanong ni Erica.





"Erica alam kong ayaw mo sakin. Bakit?"






"Sayo nanggaling yan Tanya. Busy ako kung wala ka namang importanteng sasabihin mabuti pang umalis kana."






"Alam mo ang pinunta ko dito. Bakit ka nagsinungaling? Bakit mo hawak hawak ang phone ng asawa ko noong tumawag ako?"






Tumayo ito sa kinauupuan niya at naglakad papunta sakin.






"Sinabi ko na sayo ang dahilan bakit paulit ulit ka?"






"Sinungaling."






"At bakit naman ako magsisinungaling sayo? Teka nga bakit ba ako nag eexplain sayo? Sino kaba sa inaakala mo?"






"Ako lang naman ang asawa ng lalaking nilalandi mo. Kaya tatanungin kita, sino kaba sa inaakala mo?"






Tumawa ito sakin.






"Wow Tanya. Bata kapa talaga masiyadong Sarado ang utak mo. Hindi nalang ako magtataka kung isang araw iwanan ka ni Dale. Wag kang paranoid. Sayang maganda ka pa naman."






"Alam mong hindi ako magkakaganto kung hindi ka gumagawa ng paraan para paghiwalayin kaming mag asawa. Oo Erica bata pa nga ako at matanda kana, pero tignan mo sino ngayon satin ang astang bata? Nakakatawa ka akala mo mauubusan ka ng lalaki sa mundo. Wag mo akong hamunin dahil kahit mas matanda ka sakin hindi kita uurungan."






"Nakakatakot ka pala Tanya haha bakit ano bang kaya mong gawin?"






"Hindi mo nanaising malaman pa. Kaya kung ako sayo dumista-distansiya ka. Ikaw na nga ang iniiwasan pinagsisisikan mo padin yang sarili mo nakakaawa ka para kalang pulubeng nanlilimos ng atensiyon ni Dale."







Kumunot ang noo nito at nag angat ng kamay.






"Sige! Ituloy mo. Sampalin mo ako ng malaman mo kung saan ka dapat lumugar!" Mariing sabi ko.






"Ang kapal ng mukha mo Tanya para sabihin sakin yan! Sino kaba sa akala mo ha?!"






"Gusto mo bang ulitin ko sayo? Ako lang naman si Tanya Victoria Andres Grey. Asawa ni Dale ang lalaking nilalandi mo kaya ibabalik ko ulit sayo yang tanong mo bruha ka! Sino kaba sa akala mo? Isang doctora ka lang naman na mababa ang lipad! Oo nga marangal ang natapos mo pero sa ginagawa mo talo mo pa ang putang pakawala!"






"How dare you bitch!"






Sinampal niya ako ng malakas.







"Kung bitch ako mas bitch ka!"






At sinampal ko siya ng mag asawang sampal.






Gaganti pa sana ito pero kinuha ko ang flower base na nasa tabi ko.





"Sige subukan mo akong saktan! Hindi ako magdadalawang isip na basagin yang mukha mo gamit to!"






Natigilan si Erica marahil ay natakot ito. Binitawan ko na ang hawak ko at nagsalita muli.






"Dito pa nga lang talo kana. Kaya hindi lang yan ang aabutin mo kapag sinira mo ang pamilya ko."






Pagkatapos non ay iniwan ko siyang nakatulala. Mas mabuti ng makilala niya kung sino ba talaga ako. Hindi ako santo at hindi ko siya sasantuhin.











Itutuloy.....










Gang dito muna guys. Ang hirap mag type mag eedit na muna ako okay? Please vote and comment thanks!

He's Cold Hearted ✔Where stories live. Discover now