CHAPTER 13

28.8K 722 13
                                    

Tanya:

Maaga akong pumasok ng school dahil mag aaral ako ulit para sa mathematics competition. Hindi naman kasi ako nakapagreview ng maayos.

Nagtungo agad ako sa library. 8am palang at bukas na to. Ako lang at iilang mga Estudyante ang mga tao dito. Ng makahanap na ako nauupuan ay nagsimula na akong magreview. Ilang mga formulas ang mga inaral ko mga bagong strategies ng pagsosolve.

Maya maya pa ay may naramdaman akong tumabi sakin ngunit isinawalang bahala ko nalang to at pinagpatuloy ang pagrereview.

"Hi Classmate." Boses babae ito. Nilingon ko naman siya at si Debbie pala ang katabi ko. Nginitian ko nalang siya tsaka ako bumalik sa ginagawa ko. Ayokong magpadistorbo lalo na't alam ko sa sarili kong pwedeng mawala ang concentration ko kay Debbie.

"So ano mo pala si Dale?" Gulat na gulat ako sa tanong niyang yun. Napahinto ako sa ginagawa ko at napatingin sakanya.

"I'm sorry?" Sabi ko.

"Oh c'mon alam kong alam mo ang ibig kong sabihin Tanya." Sumeryoso ang mukha nito.

Napangiti naman ako at nagsalita.

"Hindi ko talaga alam ang sinasabi mo Debbie."

"Magpaplastikan paba tayo dito?" Pataray na sabi niya at mas lalong lumapit sakin.

"Ano bang gusto mo?" Inis na sabi ko.

"I want to know the truth Tanya." Mahinahon pero may diin na pagkakasabi niya.

"Wala ka namang dapat malaman dahil sinasabi ko ang totoo na hindi ko alam yung tinutukoy mo. Anong sinasabi mo? Wala namang meron samin ni Sir." Mabilis na sagot ko at bumalik nako sa inaaral ko.

Hanggat sa maaari ay ayokong pagusapan ang samin ni Dale lalo na sa babaeng to. Hindi ko alam pero nagseselos yata ako dahil naiirita ako sa Debbie na to.

"Wag mo akong isnobin Tanya." Sabi niya at kinuha ang notes na nirereview ko.

"Ano pabang gusto mo? Sinabi ko naman na ang totoo sayo." Iritang sabi ko.

"At sa tingin mo naman ganun ganun mo nalang kabilis mabibilog ang ulo ko? Hindi ako tanga Tanya alam kong may relasiyon kayo dahil nakatira kayo sa iisang bubong!" Napalakas ang pagkakasabi niya na galit na galit mabuti nalang at wala pang katao tao ng mga oras na yun kundi mabubuking kami at mawawalan ng trabaho si Dale.

"Wag kang gumawa ng eksena dito Debbie." Madiing sabi ko.

"Bakit anong gagawin mo sakin? Akala mo naman natatakot ako sayo?" Palaban ito at halatang walang inuurungan.

"Magusap tayo sa labas wag dito." Pagkasabi ko ay kinuha ko na sakanya ang notes ko at lumabas. Mabuti naman at sumunod nalang ito sakin ng wala ng sinasabi pa.

***

Narito kami ngayon sa garden ng university. Walang katao tao dito dahil bawal naman talagang tambayan to sa oras ng klase.

"Ano magsasabi ka ba o baka kailangan ka pang pilitin?" Matapang na pagkakasabi ni Debbie.

"Look ayoko ng gulo." Sabi ko sa kalmadong boses.

"Wag mo na akong pinapaikot pang babae ka! Umamin ka nga sakin kayo ba ni Dale?!" Lumakas na ang boses niya. Hindi ko na kaya pang pigilan ang pag titimpi ko dahil sumosobra na siya.

"Eh ano naman sayo kung sabihin kong oo?!" pasigaw na sabi ko. Bigla na lamang itong ngumisi at nagsalita.

"Ang landi mo din e noh alam mong Professor mo nilandi mo pa!"

"Teka? Teka lang ate ha." Pagtataray na sabi ko at inayos ang buhok ko bago muling nagsalita. Paraan ko kasi to ng pang iinis. Kung palaban ka Debbie hindi kita uurungan.

"Ano bang ikinagagalit ng butche mo jan at kay aga aga puro ka kabitteran?! E ano kung kame? Ano ngayon sayo ha?!" Paghahamon ko sakanya. Bakit ba e maldita siya e pwes mas maldita ako.

"Una siyang naging sakin Tanya! Unang naging saakin si Dale! Alam mo nakakaawa ka dahil para ka lang nanlilimos ng damit na pinaglumaan ko na!" Sabay duro duro niya sakin.

"Hahahhahaha ikaw naman nakakatawa. Bakit naman ako manlilimos pinakasalan na nga ako. Ikaw yung nakakaawa kasi hanggang ngayon hindi mo matanggap na isa ka nalang parte sa buhay ni Dale na kailangan ng burahin!" Pagtataboy ko sa panduduro niya sakin.

Namutla siya sa sinabi ko at hindi makapaniwala.

"Oh ano Debbie naestatwa ka diyan? Haha!" Pang aasar ko.

"Ka-kasal na kayo?" Pautal utal na sabi nito.

"Kung sabihin kong Oo may magagawa kaba? Tanya Victoria Andres Grey na ang pangalan ko sarap sa pandinig diba Mrs. Grey." Sabi ko habang nakangiti ng malaki.

"Ang kapal ng mukha mo!" Bigla na lamang akong sinampal nito.

Wow ako pa talaga ang makapal? E siya nga tong unang naghanap ng away. Sinagot ko lang naman ang tanong niya.

Sinampal ko din siya ng malakas hindi ko ugaling magpatalo.

Sinabunutan naman niya ako at ginantihan ko siya. Nagsabunutan kami hanggang sa mapunit ang sleeve ng damit ko sa lakas niya.

"Aray ko!" Daing ko sa pananabunot niya ngunit di padin ito tumitigil at napahiga na kami ngayon sa damuhan habang nagsasabong.

"Aray ko! Kapal mo talaga!" Sabi niya sabay sampal ulit sakin. Ramdam ko ang pagputok ng labi ko kaya ginantihan ko siya. Sinuntok ko ito sa mukha dahilan para mapabitaw siya at napahiga. Ako na ngayon ang nasa ibabaw habang sinasabunutan siya.

Sa ingay naming dalawa hindi namin namalayang madami na pala ang nanonood at nakarating na agad ito sa guidance.

"Anong ibig sabihin nito?!" Sigaw ng Dean namin hanggang sa pareho kaming tumigil.

"Magpaliwanag kayo sa office ko ngayon din!" Galit na galit na Sabi ng Dean namin.

Itutuloy....

He's Cold Hearted ✔Where stories live. Discover now