CHAPTER 16

28.5K 737 16
                                    


Tanya:

Masaya akong nag aayos ng gamit ko dahil ngayon mismo ang alis namin ni Dale. Kailangan kong tawagan si Abby sigurado akong matutuwa siya.

Dali dali kong kinuha ang phone at dinial ang number niya. Ilang ring lang at sinagot na niya ito.

"Abby!" Masayang bungad ko sa kaibigan ko.

"Oh Tanya napatawag ka? Ngayon na ang alis ko eh."

"Alam ko hehe ang totoo niyan may good news ako sayo!" mas excited pa ako kay Abby.

"Hala ang saya niya oh haha ano ba yun?"

"Abby pupunta ako ngayon ng palawan haha at alam mo ba ang good news? Sabi ng lolo ko sa Huma Island Resort naka check in si Mr. Esteban! Pupunta kami ni Dale dun at isasama na kita."

"Huh? Dale? You mean si Mr. Grey?! Bakit siya kasama? Hoy Tanya Ahhh ano yon? May hindi ba ako nalalaman? Tsaka wait! Ang mahal dun hindi ko afford yun 35k per night nako mamumulube ako." mahabang sabi nito. Nako oo nga pala hindi niya alam ang tungkol samin ni Dale patay hay Tanya ang talino mo talaga. Well wala nakong magagawa kailangan ko ng aminin.

***

Gaya ng nasa isip ko isang napakahabang pagpapaliwanag nanaman ito kay Abby. Inabot na kami ng oras mapaliwanag ko lang ng maayos. At sa wakas naintindihan din ng kaibigan ko.

Maya maya pa ay kumatok na si Dale at kami ay aalis na.

Ang usapan naming magkaibigan ay magkikita na kami mismo sa resort. Nako sana naman maging maganda ang araw ni Abby. Sana makilala pa siya ni Luke.

***

"Bakit napapangiti ka?" Tanong ni Dale.

"Wala wala." Sabi ko nalang. Mamaya mo na alamin Dale hehe.

..

Maganda ang tanawin narito kami ngayon sa private plane ng mga Grey at gamit namin ang isa sa pinaka moderno na pinagawa pa ng lolo niya.

Sa pagod ay bigla nalang akong inantok dahil sa hindi din ako kagad nakatulog kagabi ng dahil sa sobrang excited ako para sa araw na to.

Inabot ng 3 hanggang 4 na oras at nakarating na kami sa nasabing Resort. Sumalubong agad ang mga kababaihan na receptionist ng hotel at halatang pinagkaguluhan ang asawa ko.

"Welcome to Huma Island Resort Sir!" Bakas ang kilig sa mga mata nito habang ang asawa ko naman ay kaakbay ako at tila walang nakikita dahil dire-diretso lang itong naglakad. Mabuti nga sainyo. Narinig kong nagsalita ang isa.

"Ang ganda ganda ng kasama ni Sir pogi bagay na bagay sila." Napangiti na lamang ako doon at inilapit ko pa ang sarili ko sa asawa ko.

Maya maya pa ay kinuha ko na ang phone ko habang nag ccheck in na si Dale. Inutusan ko siyang kumuha ng dalawang kuwarto.

Tinatawagan ko na ngayon si Abby.

"Hello Abby asan kana? Nasa lobby kami kumuha na ako ng kuwarto mo."

"Nandito nako sa entrance." tinanaw ko ito at nakita ko ang napakaganda kong kaibigan. Mukhang pinag-handaan. Ibinaba ko na ang phone at lumapit na dito.

"Abby!!!!" niyakap ko ito ng mahigpit.

"Grabe di naman ako makahinga sa pagkakayakap mo Tanya excited? Asan pala si Mr. Grey ang asawa mo? Ayiee di padin ako makapaniwala mabuti kapa haha jackpot ka girl." mabuti naman alam mo pero mas jackpot siya sakin noh.

Lumapit si Dale.

"Wife nandiyan ka lang pala."

"Yes! Ang sweet naman ni Sir Grey Wife talaga Ohh." hay nako si Abby talaga.

"Abby anong ginagawa mo dito?" Gulat na gulat si Dale.

Ipinaliwanag ko ang lahat sa asawa ko at mabuti naman ay napapapayag ko din ito.

Ipinasok na ng mga bell boy ng hotel ang mga bagahe namin sa kanya kanyang room. Share kami ng asawa ko sa iisang kuwarto at kay Abby naman ang katabi nito.

***

Nagpaalam muna si Dale na may kikitain munang kakilala dahil dito din daw nakacheck in ito kaya pumayag ako. Habang kami ni Abby ay walang sawang nagkwentuhan ng love story namin ni Dale.

Mahigit Isang oras din ang Lumipas ng tumawag ang asawa ko sa phone ko.

"Tanya punta naman kayo dito sa **** restaurant kakain tayo. Kasama ko pa ang kaibigan ko eh naisip ko mas maganda makilala niyo din siya at mapakilala kita bilang asawa ko."....

Wala ano ay hinatak ko na si Abby pababa ng resort. Nakadress ako ng white at si Abby naman ay nakadress ng red.

"Kinakabahan ako Tanya bakit kaya?" Sabi ni Abby.

"Nako wag ka ng kabahan gutom lang yan." Sabi ko at ng papalapit na kami ay natanaw ko na ang asawa ko kausap ang isang lalaking nakatalikod.

"Lumapit na kami at hinalikan ko ang asawa ko."

"Sorry natagalan."

"It's okay my Wife. By the way this is my wife Tanya and-" naputol ang sasabihin ni Dale ng lingunin ko ay nagtatago na si Abby sa likod ko.

"Uy Abby ayos ka lang?" namumula ito.

"This is Abby." Pagpapakilala ko habang nakayuko si Abby.

"Abby?" Rinig kong sabi ng lalaki.


"Bakit Mr. Esteban nagkakilala na ba kayo?" tanong ng asawa ko.

"I think we met before?" Sabi nito.

"Mr. Esteban? Luke Esteban?" gulat na tanong ko.

"Yes." Galanteng sabi nito.

God tadhana nga ba ito?


Itutuloy....

Hi guys please vote and comment thanks! Ayan na si LUBBY haha!

He's Cold Hearted ✔Where stories live. Discover now