SPECIAL CHAPTER

30.4K 772 33
                                    

Tanya:

"Ahhhhhhhhhhhhhh!" Sigaw ako ng Sigaw habang nanganganak. Ang asawa ko naman ay hindi ko na namalayang nasasabunutan ko na pala. Bakit ba e masakit Kaya!


"Kasalanan mo to Dale ang sakit! Ahhhhhhhhhhhhhh!" Isinisilang ko ang ikaapat na anak namin ni Dale. Si Wilson ang napagkasunduan naming ipangalan sa panganay namin at wala pang dalawang taon ay nasundan agad ito ni Casandra ang prinsesa namin ni Dale. Isang taon palang si Casandra at nagbuntis naman ako kay Abiel ang pangatlong anak naming lalaki ni Dale. At ngayon magsisilang ako muli...


"Push" Sabi ng doctora.


"Ahhhhhhhhhhhhhh!" sa sobrang sakit ay napahawak ako lalo sa buhok ni Dale. Hindi naman yon ininda ng asawa ko.


"You can do it my wife. I want to see my son." Sabi nito. Sa inis ko ay lalo ko pang sinabunutan ito at napahiyaw ako sa labis na sakit.



"Arrrayyyyy! Ahhhhhhh ang sakit manganak!" Yun ang sinisigaw ko at napatawa ang ilang mga nurses habang nasa kalagitnaan ako sa pagnganganak.


"Ang sipag naman kasi ni Sir Pogi." Rinig kong sabi ng isang babae ngunit di ko na pinansin dahil ang sakit sakit na.



"Okay last push" Sabi ng doctor.


Last na talaga to Dale dahil ang hirap manganak!




"Ahhhhhhhhhhhhhh!"



Ilang sandali pa ay lumabas na ang anak namin. Iyak ito ng iyak at kagad na nilinis ng nurse.

Hinalikan naman ako ng asawa ko sa noo ko.

"I love you my wife thank you for another blessing."


Sa sobrang kapaguran ay nakatulog ako.

****

Nagising ako sa isang private hospital dito sa Canada. Pagmulat ng mga mata ko ay kitang kita ko na buhat buhat ni Dale ang anak namin.


"Hello may little prince Damian." Sabi nito. Natawa nalang ako dahil may naisip agad siyang ipapangalan dito.


"Hey are you okay? Gising kana pala." Sabi ni Dale.


Inihiga niya sakin si Damian at pinagmasdan ko ang baby namin.

.

"Ang ganda mo talaga." Tumingin ako sakanya habang siya ay titig na titig sakin.


"Hoy Mr. Grey last na to si baby Damian ang hirap manganak noh." natawa to sa sinabi ko.



"Hindi ka makakahindi sakin Mrs. Grey."


"Ikaw Ahhh kapapanganak ko palang umiiral nanaman yang ka anuhan mo."

Bigla na lang kaming nagtawanan. Dumating ang mga bata pati ang ate ni Dale na si Margaret ngayon ay masasabi kong masaya na ako at kompleto na ang pamilyang binuo namin ni Dale.





Namuhay kami ng mapayapa dito sa Canada at masasabi kong ako na ang pinaka maswerteng babae sa buong mundo.




Wakas-

He's Cold Hearted ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon