CHAPTER 14

28.2K 795 26
                                    

Tanya:

"Ipaliwanag niyo ngayon sakin ang ginawa niyong pag eeskandalo kanina?" Galit na sabi ng Dean.

"Oh bakit walang nagsasalita ngayon? Matapang kayo ha? Pwes hindi na kayo ang lalaban para sa mathematics competition maliwanag ba? Asan si Mr. Grey?" Tanong nito sa isang assistant niya.

"Ipatawag mo ngayon din dito Susan ng malaman niya ang mga pinag-gagawa ng mga Estudyante niya." Pagkasabi ay agad namang sinunod ito ng assistant niya at lumabas.

"Ms. Andres magpaliwanag ka ano ang kaguluhang nangyare kanina? Bakit kaya nagkakasakitan ni Ms. Alfonso?"

Tila naurong ang dila ko at hindi ako makapag salita. Napahilot naman ang Dean sa noo na halatang nakukunsime samin.

Maya maya pa ay dumating na si Dale.

"What's happening here? I'm so sorry Mrs. Santiago." Pagbibigay paumanhin nito kay Dean.

"Mr. Grey alam mo ba ang ginawa ng mga Estudyante mo ng maabutan ko sila? Halos magpatayan na ang dalawang yan. What's the matter?" Tanong ng Dean.

Kumunot noo si Dale at humingi ng pasensiya kay Mrs. Santiago.

Natapos din ang mga sermon sa Guidance at Kasalukuyan akong nasa loob ng sasakyan ni Dale pauwi ng mansion.

Walang imik ito at hinahagpas hagpas ang manibela sa twing maabutan kami ng red light.

Pagkauwi ng mansion ay dire-diretso nako paakyat ng hilahin niya ako.

"Maguusap tayo Tanya." Seryosong sabi nito.

"Pwede ba Dale pagod ako." Sabi ko.

"Hindi mo ako matatakasan ngayon maguusap tayo ngayon!" Sigaw niya sakin. At hinila ako sa kuwarto.

"Ano ba? Wala ng dapat pag usapan narinig mo nadin naman ang paliwanag ko kanina."

"Don't fool me Tanya. Hindi ka makikipag away ng dahil lang sa Notes!"

"E ano naman sayo? Paki mo ba?"

"Anong paki ko? Asawa mo ko Tanya. Bakit ba napakatigas ng ulo mo?"

"Eh bakit sakin ka nagagalit? Bakit hindi jan sa Debbie mo!"


"Bakit napasok nanaman si Debbie dito? Tayo ang naguusap Tanya."

"Malamang kasama siya dito dahil siya ang unang nanggulo! Hindi ako! Siya ang nag hanap ng gulo okay?"

Napahilamos si Dale ng mukha.

"Tanya naman kung kinuwento mo nalang sakin ang lahat edi sana tapos na."

"Hindi na kailangan Dale dahil di ka naman maniniwala!"

"Syempre maniniwala ako sayo asawa kita ikaw ang paniniwalaan ko."

"inaway lang naman ako ng Debbie mo at pinagdidiinan saking una kang naging sakanya. E bakit inaano ko ba siya? Inaagaw ba kita? Malaya siyang angkinin ka wala akong pake wag lang niya akong guguluhin!"


"Wala kang paki?" lumungkot ang itsura nito.

"Dale nagseselos ako." Sabi ko at naglakad na palabas ng kuwarto.

"Sandali lang Tanya. Anong sabi mo?" Hinawakan ako nito sa kamay ko para pigilan at nagliwanag ang mukha niya.

"kailangan pa bang ulitin Dale?" Nahihiyang sabi ko.

"Oo gusto ko marinig."


"Nagseselos ako Dale." Paguulit ko.

"Bakit?" tanong nito habang nakahawak sa pisnge ko.

"Mahal kita Dale. Mahal kita Mr. Grey. Mahal na mahal kita Dale Clyde Grey." Sabi ko.


"Tanya, mahal na mahal kita. Salamat at mahal mo din ako. Wag ka mag alala kay Debbie kakausapin ko siya na tigilan kana. Matagal na kaming wala Tanya at maniwala ka man o hindi ikaw lang ang mahal ko. Mahal na mahal kita Asawa ko."
...


"Talaga?" Sabi ko habang nakanguso.

"Oo naman. Totohanin na natin to Tanya pangako ko sayo paggraduate mo pakakasalan kita sa kahit anong simbahan."


"Dale naman eh pinapaiyak mo naman ako."

"Baby bakit ka iiyak? Hindi kaba masaya?" Sabi nito na may halong pag-aalala.


"Masaya ako Mr. Grey, masayang masaya." Sabi ko habang nakangiti na abot tenga.

Hindi ko alam kung bakit kinikilig ako grabe ka Dale pinapakilig mo ko.

"I love you so much Tanya." Sabi nito at sinakop ng mga labi niya ang mga labi ko ng nag aalab na halik.

I love you so much Dale kung alam mo lang kung gaano mo ako pinasaya. Sabi ko sa sarili ko.

Bumitaw ng paghalik ito at aminado akong nabitin ako.

"At bago ko makalimutan gagamutin ko muna yan." Sabay halik sa pumatok kong labi.


Itutuloy....

Hi guys please vote and comment kayo ha thanks!

He's Cold Hearted ✔Where stories live. Discover now