CHAPTER 10

31.5K 896 26
                                    


Tanya:

Hindi ako makapagconcentrate ughhh!!! Nilalaro laro ko nalang ang ballpen ko habang nagiisip nanaman ng malalim. Naalala ko nanaman kainis talaga hay. Naalala ko nanaman yung nangyaring yun, yung kila Debbie at Dale na to bwiset talaga.



Nakakainis na lalaking to nakadekwatro pa habang pabasa basa nalang ewan ko ba dito. Ohh magaling talaga habang ako hirap na hirap sa equation na binigay niya eto naman ang loko pangisi ngisi habang tutok na tutok sa laptop niya. Ugggggh kapal talaga!!!!



"Ehem, Tanya bakit hindi ka nagsasagot?" Magaling na tanong sakin ng Dale na to. Wow tapos na siguro siya sa kung ano mang ikinangingisi niya at ngayon napansin nako ng kumag na to kakaasar na talaga grrrrr.



"Hello? Are you deaf or what?" Aba kapal neto ako bingi? Wow talaga just wow. Kung alam lang niya kung gaano ako kaasar sakanya bwiset! Bakit pa kasi pumayag akong magpatutor dito.



"Hindi ko masagutan!" Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapasigaw na siya namang ikinagulat niya.




"Are you okay?" Pag aalalang tanong niya.




"Okay lang ako." Nakatingin ako sa iba hindi sakanya.





"Gusto mo bang pagusapan natin?"
Sabi niya.




"Ang alin?" pagtatakang tanong ko.





"Ang tayo. ANG TAYO TANYA." pagkakadiin niya sa salitang yun.





"Ayoko." Mabilis na sagot ko.





"Bakit? Natatakot ka?" Tanong muli niya.





"Haha bakit naman ako matatakot? E at the first place deal lang naman natin to para makuha ang mamanahin natin sa mga lolo natin."





"Aaminin ko noong una oo deal lang talaga ang intensiyon ko wala ng iba. Pero nagiba, nagiba yung nararamdaman ko ngayon alam mo ba yun?" Dumilim ang mukha nito na tila seryoso sa sinasabi.





"Hindi ko alam." Hindi ko alam kung tama ba yung nasagot ko sakanya.





"Yung samin ni Debbie pinagsisisihan ko yun. At that time nagulat ako ng magbalik siya at akala ko mahal ko pa siya." Mahal? So may something nga sakanila ng babaeng yun.




"So?" Pagtataray ko. Bakit ba naman kasi niya sakin sinasabi yun.






"I just wanna clarify something. She's my long term girlfriend. We're in love, so in love. She's my former student alam ko iisipin mong mahilig ako sa Estudyante well no Tanya, mali ang iniisip mo. She was high school at that time a freshmen student. Naging Mathematics teacher nila ako." Nacurious na ako sa mga ikinuwento niya gusto ko pang malaman ang lahat.




"And then?" Di na ako nakapagpigil pa at ako na ang nagtanong.





"Noong una akala ko sobrang bait lang talaga niya para magpakita sakin ng mga hindi dapat tulad na lang ng pagbibigay niya sakin araw araw ng lunch box. Syempre maliit na bagay man ay malaki na yun para sakin until one day she confessed her feelings. Sa madaling salita naging kami. A forbidden love. I don't take her for granted ayokong isipin mo yan Tanya, I fell in love with her." Hindi ko man alam kung bakit niya ikinuwento sakin to ay gusto ko padin makinig. Hindi ko din namalayan na lumayo ang loob ko sakanya. Selos? Pwedeng isa na yun sa dahilan ko. Natatakot din akong ma atouch sakanya dahil baka, hay ayoko ng isipin.


Nagkwento siya about sa past niya. Nakinig lamang ako ng mga sandaling yun. Ng matapos ay tumingin siya sakin ng diretso.





"Matagal na yun kung ano man ang ugnayan namin ni Debbie. I was fault hindi ko kasi naramdaman sakanya ang totoong pagmamahal, dahil sayo Tanya sayo ko naramdaman yun. I love you Tanya. I'm so fucking in love with you." Hindi ako makapagreact hanggang sa nilapitan niya ako at lumuhod. Ako naman ay nakaupo parin at nakatulala sakanya.





"Alam kong iniiwasan mo ako dahil sakanya, patawarin mo ako napaka Gago ko. Hindi dapat kita sinaktan Tanya. Ikaw ang mahal ko. Ikaw lang Tanya." Pagsusumamo niya at hinawakan niya ang mukha ko.




Hindi ko maintindihan pero hindi tuwa ang nararamdaman ko kundi takot at kirot dito sa puso ko.




Paano kung matulad ako kay Debbie? Paano kung akala lang pala ni Dale na mahal niya ako? Paano kung magsawa o makahanap siya ng totoong mamahalin niya? Hindi dapat ako magpadala sa damdamin ko. Kailangan ko ding protektahan ang puso ko. Hindi na muli akong masasaktan.






"Sandali." Pagtataboy ko sa kamay niya na siyang ikinagulat nito.




"Bakit?" Tanong niya.




"Tanya, Totohanin na natin ang lahat. Mahal kita, mahal na mahal kita." Sabi nito.





"Hindi Dale. Tama na yung sakit na naramdaman ko non. Itigil na natin to hindi ka lang sigurado sa nararamdaman mo ngayon." masakit man ay pinilit kong tumayo at tumalikod sakanya.





"Bakit? Pinagdududahan mo ba ang nararamdaman ko para sayo? Ganon ba Tanya? Hindi ka naniniwala?" lumingon ako sakanya at lungkot ng mata ang sumalubong sakin.





"I'm done with this." yun na lamang ang sinabi ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Hindi pwede, hindi ako tutulad kay Debbie. Kung talagang mahal mo ako Dale patunayan mo.





Ipaglaban mo ako....






Itutuloy......

He's Cold Hearted ✔Where stories live. Discover now