CHAPTER 28

27.8K 642 10
                                    

————————————————

Tanya:

Nakauwi na ako ng mansion at si Dale ang sumalubong sakin.

"Wala kang pasok?" tanong ko sakanya.

"Tanya anong ibig sabihin nito? Tumawag sakin si Erica at takot na takot. Pinagbantaan mo raw siya."

Nagulat ako sa nalaman ko. Oo tama nga na banta yon pero bakit kailangan pa niyang tawagan ang asawa ko? Para ako naman ang mag mukhang masama?

"Talagang hindi titigil ang babae na yan ah."

Akmang aalis ulit ako para puntahan si Erica at hinawakan ni Dale ang braso ko.

"Tanya tama na. Hindi mo alam ang ginagawa mo. Bakit ka ganyan kay Erica? Siya na nga mismo ang tumutulong satin."

"Wala kang alam Dale! Nilalandi kana ng babaeng yon ang manhid manhid mo padin!"

"What? Here we go again. Pinagtalunan na natin yan kagabi pa Tanya at ilang beses ko bang sasabihin na magkaibigan lang kami ni Erica."

"Ilang beses ko din bang sasabihin sayo na kahit pa kaibigan lang and turing mo sakanya iba naman ang dating sakanya non dahil hindi kaibigan ang tingin niya sayo!"

"Babae ako Dale. At alam ko kung ano ang bahong pasabog ng kapwa ko babae. At sabihin mo na saking paranoid wife ako o ano pa man pero pinaglalaban ko lang ang dapat sakin."

"Hey calm down please wag kanang sumigaw makakasama sa baby natin to."

"Pero Dale ang sinasabi ko lang sayo magingat ka lalo na sa babaeng yon."

"Umuwi ako dito Dale para sayo. Naaalala ko na ang lahat."

Kumunot ang noo nito.

"Naalala ang alin Tanya please sabihin mo."

"Naaalala ko na yung araw na nadisgrasiya tayo. Minorde edad palang ako non Dale naalala ko na ako si Angel."

"Tanya!"

Sa sobrang saya ay niyakap niya ako ng mahigpit.

"Pero" dagdag ko.

"Pero ano?"

"Yong araw na naaksidente tayo nakita ko si Erica. Nawalan ako ng malay. Ng magkamalay ako ay nasa ibang lugar nako at wala ng maalala."

"Anong sabi mo Tanya? Hindi maaari yon dahil simula ng manumbalik ang ala ala ko ay hinanap kita kay Erica."

"Kung ganon dapat lang talaga akong magalit dahil nagsinungaling siya. Ilang taon din tayong nawalay sa isat isa ng dahil sakanya." Sabi ko.

"Hindi ko alam na magagawa ni Erica to. Pero bakit? Kailangan niyang magpaliwanag dahil hindi ko masisiguro Kung makakapagtimpi pa ko sakanya." Galit na sabi ni Dale.

"Tsaka" Sabi ko.

"Tsaka ano my wife?"

"Bakit hawak ni Erica ang phone mo nong tumawag ako? Hinanap pa kita sakanya at ang sabi niya ay naliligo ka daw. Tinanong ko pa kung bakit siya nandito sa mansion at bakit kayo magkasama at sinabi niyang nalulungkot ka daw kaya nagpasama ka sakanya."

"What the? Anong kalokohan yang sinasabi niya sayo? Kaya pala galit ka sakin dahil dun? Hindi na niya kailangan magpaliwanag dahil hinding hindi ko na hahayaan pang mapatong siya dito sa mansion." Galit na sabi ni Dale.

"Tsaka Dale hindi talaga ako naniniwala sa sinasabi niyang magkakasakit ako dito sa pinas alam kong gumagawa siya ng paraan para pag hiwalayin tayo."

"Shhh naniniwala ako sayo Tanya. Wag kang mag alala binubura ko na sa buhay ko si Erica Ramirez walang kahit sino man ang pwedeng manakit sa mag ina ko. Kung ano man ang dahilan niya wala na akong pakialam don basta wag na wag siyang gagawa hindi ko magugustuhan."


Niyakap ako ni Dale at niyakap ko din siya. Naging malinaw na samin ang lahat. Naging malinaw na si Erica ay isang sinungaling.


Itutuloy.....

He's Cold Hearted ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon