CHAPTER 17

26.6K 683 27
                                    


Tanya:

"Abby umayos ka nga." bulong ko sa kaibigan ko.

Umayos naman ito at humarap na kay Luke na kanina pa nakatitig sakanya.

Pagkaupo ko sa tabi ng asawa ko siya ding pag upo ni Abby sa tabi ko.

"Ah Mr. Esteban siya si Abby yung-" kinurot ako ni Abby sa tagiliran ko kaya di ko na natuloy ang sasabihin ko. Mukhang nahihiya ito kaya di nako nagsalita pa.

Nag order na kami ng pagkain. Si Abby ay hindi ginagalaw ang pagkain niya.

"Abby? Kumain kana." bulong ko sakanya habang ang asawa ko at si Luke ay masayang nag uusap.

Napansin kong kanina pa nakatingin si Abby kay Luke. Napaghahalataan talaga ito.

"Nandito na pala ang hinihintay ko." Sabi ni Luke sabay tayo at salubong sa isang magandang babaeng halatang anak mayaman.

Napatigil kami lahat sa pagkain dahil sa pagdating niya.

"Hi everyone I would like to introduce my Fiance Aubrey soon to be my Mrs. Esteban."

Sinalubong naman namin ito ng isang mainit na welcome samantalang si Abby ay nabulunan na ata sa kinakain niya.

"Tanya aakyat lang ako sumama kasi ang pakiramdam ko e." Hindi pa ako nakaka Oo ay umalis na ito.


"Wife san pupunta si Abby?"

"Masama ang pakiramdam niya." Sabi ko kahit na alam ko naman ang totoong dahilan.


***

Natapos ang dinner namin at nagpasiya kaming mag asawa na pumunta muna sa tabing dagat. Naisip ko naman na baka tulog na si Abby kaya hindi ko na inabala pa to.

"Tanya bakit ang tahimik mo?" Tanong ni Dale.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Dale alam mo bang hindi naman talaga masama ang pakiramdam ni Abby?"

"What do you mean? May problema ba?" nagpasiya na akong ikwento ang lahat lahat kay Dale at nakinig naman ito sakin.

"Diba ang sakit non?" Maiyak iyak na sabi ko.

"Yeah maybe? Pero buhay naman nila yun sila din ang magdedecide para sa sarili nila."

"But Dale? Hindi nga maalala ni Luke si Abby e so baka wala ng pag asa ang kaibigan ko." Malungkot na sabi ko.

"Hey? Tanya makinig ka sakin. Naniniwala akong naaalala pa ni Luke ang kaibigan mo."

Isang malalim na pag hinga nalang ang pinakawalan ko. Niyakap naman ako ng mahigpit ng asawa ko.

***

Kinabukasan ay maaga akong nagising at wala na si Dale sa tabi ko.

Kaagad akong naligo at nag toothbrush para puntahan si Abby.

Kinatok ko ito sa kabilang kuwarto ngunit walang sumasagot. Siya namang daan ng isang house keeper.

"Ah Mam wala na po yung guest diyan maaga pong nag check out. May kailangan po ba kayo?"

"Ay wala sige salamat." Sabi ko at kagad kong kinuha ang phone ko para tawagan si Abby. Ngunit nakapatay naman ang phone neto.

"Hay nako Abby."

Biglang nag ring ang phone ko at ang asawa ko na ang tumatawag.

"Hello?"

"Goodmorning Gorgeous." Bungad nito. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Asan ka Dale?" Sabi ko.

"Nasa baba na ko Tanya nakahanda na yung breakfast natin."


***

Pagbaba ko ay nakita ko si Dale kasama si Luke at ang Fiance neto.

"Hindi mo kasama si Abby?" umiling ako at tinitigan ko si Dale nahulaan naman nito ang ibig kong sabihin.

Napansin kong tahimik lamang si Luke habang kumakain kami. Halata ang lalim ng iniisip nito.

"Asan si Abby?" Nagulat ako sa biglang tanong nito.

"Ah umuwi na siya kaninang umaga pa may aayusin pa kasi eh." pagpapalusot ko.

"Oh I see." Pag sang ayon niya. Tumingin naman ng masama ang Fiance nito sakanya na mukhang nagseselos.

Natapos ang umagahan at humiwalay na kami sa dalawang magkasintahan.

"Dale nag aalala tuloy ako kay Abby."

"Wag ka mag alala magiging okay din ang kaibigan mo. Ipasa muna niya ang subject ko."

Tinignan ko to ng masama.

"Anong sabi mo?!"


"Hey I'm kidding okay? Ang init ata ng ulo mo easy lang Tanya." Pagpapakalma niya sakin.


"Pasensiya kana Dale hindi kasi maganda ang pakiramdam ko."

"Huh bakit may masakit ba sayo?"pag-aalala nito.


"Wala naman." Sabi ko.

"Namumutla ka Tanya sigurado kabang okay ka lang?"


"Okay lang ako. Sa pagod lang ata to."


"Tara na umakyat na muna tayo para makapagpahinga ka." inalalayan ako nito.


"Sige inaantok din ako eh." Ewan ko ba Kagigising ko lang halos inaantok nanaman ako.

At binuhat ako ni Dale paakyat ng kuwarto namin.

Itutuloy.....

Hi guys please vote and comment thanks!

He's Cold Hearted ✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang