CHAPTER 22

24.6K 683 26
                                    


Tanya:

"Tanya anong oras na?" Tanong ni Abby dahil napasarap ang kwentuhan namin.




"6pm bakit?" tanong ko.





"Mag gagabi na uuwi na ko hoy haha!"




"Eeeeeh mamaya na hindi ba pwedeng dito ka nalang matulog?"




"Hindi pwede ano kaba tsaka uuwi na ang asawa mo."





"Sige na Abbbbbbbyyyyyyyy." Paglalambing ko sa kaibigan ko.





"Lukaret ka talaga buti sana kung makikita ko si Luke dito."




"Sus parang kakasabi mo lang kanina na mag momoveon kana dun."






"Ang hirap pala mag move on Tanya."





"Hala siya kala mo naman naging kayo?"





"Ewan ko sayo. Minsan na nga lang ako mag emote eh."





"Sige na dito kana matulog." Sabi ko.





"Okay fine sige basta masarap ulam ha gutom nanaman ako eh." natawa naman ako at tinawag si yaya Cora ang bago naming katulong para makapagluto na.





"Tara bumaba narin tayo nuod tayo movies?" Sabi ko. Madami kasing mga romantic movie sa baba ng salas at dahil sa hopeless romantic kami pareho ng kaibigan ko ay pumayag naman ito.





Kain lang ako ng kain ng mansanas na pula samantalang popcorn naman ang kinakain ni Abby.





A walk to remember

Yun ang title ng pinapanood namin ngayon. Grabe tulo na ang uhog ko kakaiyak sa palabas na to.





"Ayoko na Tanya. Hindi ko na kaya huhuhu" hagulgul na iyak ni Abby."






"Abby malapit ng matapos dali na manood kana."






"Hindi ko na kaya ang sakit sakit na ng palabas huhuhu." Grabe napaka iyakin talaga ng babaeng to kahit kelan.






Pinause ko muna sandali ang palabas. Nag break muna kami ni Abby kanya kanyang punas muna ng mga luha pati uhog ng sipon.





"Grabe Tanya nakakaiyak yung palabas na yun."





"Oo nga eh ano panoorin na natin?"





Tumango tango naman ito at balik nanaman kami sa kanya kanya naming pwesto.





Tulo nanaman ang sipon at luha naming pareho ng mamatay sa sakit na leukemia ang bidang babae.





"Grabe ang sakit sa puso." Sabi ni Abby habang pinapanood na namin ang credits ng palabas.





"Humuhugot ka lang ata jan Abby eh."






"Hindi noh nadala lang talaga ako sa palabas grabe ang galing." Sabay palakpak neto. Natawa nanaman ako dahil hanggang ngayon ay hindi padin ito nakamoveon sa pinanuod namin.





Maya maya pa ay binuksan na ni Yaya Cora ang pintuan mukhang nandiyan na nga si Dale.





"Yaya nandiyan ba ang asawa ko? Kumain na ba siya?" Tama nga ang hinala ko at si Dale yun.





Tinuro naman ni Yaya Cora Kung nasan ako..





"Wife I'm sorry okay?"





"Dale okay lang Pwede naman nating pag usapan eh." Sabi ko. Naiintindihan ko naman ang asawa ko kung hindi pa sa ngayon. Mabuti nalang din at nakinig ako sa payo ni Abby.





"You mean hindi ka galit?"






"No. Hindi naman ako Galit eh. Sumakit Lang kasi ang ulo ko kanina."





"Huh ayos ka lang ba?"






"Oo naman mabuti nga at pinuntahan agad ako ni Abby eh."






"Salamat Abby ah mabuti naman dimalaw mo ang kaibigan mo."





"Wala yun noh ako pa e malakas sakin yan si Tanya eh."





"Oh wait by the way nakalimutan ko. Si Mr. Esteban nga pala sasabay siya satin mag dinner." Sabi nito at lumapit si Esteban habang nakapamulsa ito.





Laglag panga nanaman tong kaibigan kong si Abby at mabuti na lang at sinarado ko ito.






Nakatitig lang si Esteban kay Abby at hindi basta titig to dahil seryosong seryoso ito.







Itutuloy....

He's Cold Hearted ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon