CHAPTER 8

31.3K 818 22
                                    


Tanya:

"Tanya! Tanya!" Nagsisigaw ang kaibigan kong si Abby habang tumatakbo sakin papalapit. Nandito kami ngayon sa hallway.



"Ohh bakit kaba sumisigaw jan?"





"He he wala namiss kita e joke! Ano kasi ahm next week na ang sem break excited ako kasi uuwi kami ng Palawan!" Masaya ang pagkakasabi sakin ng kaibigan ko. Matagal na kasi niyang gustong umuwi dahil nabalitaan niyang umuwi ng pinas si Luke. Si Luke Esteban ang lalaking palaging ikinukwento sakin ni Abby na siyang may ari ng Verde East Corporation kung san kasosiyo ng kompanya namin. Ang lolo ko ang namamalakad ng Blue Empire Corporation.






"Mabuti naman at makakauwi kana makikita mo na muli si Luke." Bungad ko sakanya. Sa totoo lang ay naririnig ko lamang si Mr. Esteban sa lolo ko at sa kwento nga ni Abby. Si Abby at Justin ay kumpirmadong hiwalay na dahil tama ang kutob ng kaibigan kong may babae nga ito.






Nakita kong pinamulahan ng mukha itong kaibigan ko. Ano bang nasabi kong mali?





"Ahhm Abby joke lang yun ha syempre mamimiss kita." Katwiran ko.




"Gaga hindi dahil don. Kilala mo naman si Mr. Esteban diba? Yung palagi kong kinukwento sayo na sumagip ng buhay ko noong 9 years old palang ako. 8 years na ang nakakalipas Tanya maalala kaya niya ako?" Sabi niya sakin. Halata sa kaibigan ko ang kakaibang pagtingin para sa Mr. Esteban nato. Teka? Kung siya ang tinutukoy ni Abby na sumagip sakanya ilang taon na ngayon to? Gurang naba to?! Ohhhhh nooooo?






"I know kung anong iniisip mo haha. Hindi siya ganon ka tanda Tanya. He's like Mr. Grey mga ganon lang katanda pero syempre mas pogi si Luke." Pagtatapos nito. Mukhang tama nga ang hinala ko. Mukhang may pag tingin nga ang kaibigan ko kay Mr. Esteban.






Abby:

Hay kinakabahan ako. Pano kung hindi ako makilala ni Luke?
He's 19 years old at that time sana maalala niya ang batang sinagip niya sa pagkakasagasa.





(Throwback)

Naglalakad ako non pauwi galing school. I'm in the middle of the road at that time ng...





Beeeeep beeeeeeeeeeep!!!!!!

Ha? Sasakyan? Masasagasaan ako!!!! Tulong po!




"Bata!" Rinig ko ang pagsigaw ng isang lalaki habang nakapikit lamang ang mga mata ko. Ramdam ko ang pagbuhat niya sakin at sinakop niya ako ng yakap upang hindi masaktan sa pagkakatilapon namin. Nagpagulong gulong kami...





"Bata ayos ka kang ba?!" Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko ng makita ko ang isang napakagwapong lalaki. Bata pa ako ng maramdaman ko ang di dapat nararamdaman ng mga katulad ko.




"Oo-opo Mr. Okay lang po ako salamat po."





"Mabuti naman." Itinayo na niya ako at tumayo nadin siya.





"Mr! Nagdudugo po ang ulo niyo!" Pag hi histerical ko.





"I'm okay. Hindi ganon ka lalim ang sugat ko. I'm Luke you can call me kuya Luke okay?" Doon na nagsimula ang lahat. Siya ang taong masasabi kong unang pag ibig ko.




...





Kagagaling lang namin ng hospital at dumating na ang mama ko.





"Abby!" Agad akong niyakap ni mama.





"Salamat. Salamat iniligtas niyo ang anak ko." Pagpapasalamat ng mama ko. Mahirap lang kami at lubos nagpapasalamat si mama dahil kaming dalawa na lamang ang magkasama.






"Abby." Pagtawag sakin ni Luke.






"Yun pala ang pangalan mo bata. Babalikan kita Abby." Yon na lamang ang huling sinabi niya at yun nadin ang huling pagkikita namin.




(End of throwback)


Sa sobrang deads ko kay Luke ay sinearch ko ang lahat sakanya kaya nalaman ko na ang lolo ni Tanya at si Luke ay magkasosyo sa business kaya malaki ang posibilidad na makita ko siyang muli.




"Abby?" Tawag sakin ni Tanya.




"Bakit?"






"Kanina kapa tulala okay ka lang ba?" Hay ang caring talaga ni Tanya.





"Oo naman!" Masigla kong sagot. Napatulala mo nanaman ako Luke iba ka talaga.


...


Hi guys.. Comment kayo agad kasi may love story din sina Abby at Luke Hahaha! Mas nauna ko siyang ginawa dito kaso hindi pa tapos kaya comment na! Jan na muna try ko mag update bukas okay? Ciao!

He's Cold Hearted ✔Where stories live. Discover now