PART XXX: The New Yorker

2.2K 66 11
                                    

Ano na kaya ang magiging ending ng story ni JAM? Ano ang mangyayari sa pagbabalik niya sa Pinas? Pwede na ba siyang ligawan without her brothers' interference or they still have to COURT THEM FIRST? Let's go find out! :)



It's been five years... Five years since i left to keep away from him and to eventually forget him.


Tss. If it worked to some, it didn't in my case. Distance doesn't do anything to change things. Hanggang ngayon? Siya tong lumalabas sa bibig ko.


Ang tanga mo lang kasi Jamaica!!!


At ang mas nakakainis pa ay nang tawagan ako ni kuya Jack. Kakagising ko lang eh. Sinisira ng gagong 'yon ang araw ko.


"What? Di na naman matutuloy ang kasal? Demonyo talaga ang taong yan ano? sabihin mo nga sa taong yan na kung wala siyang magawa! Buhay nya ang sirain nya! Wag nyang idamay ang kaligayahan ng iba!!! Ang kapal ng mukha niya!"


"Jam... Kahit pa naman siguro ako. Magagalit ako sa taong minsang sumira ng buhay ng ate niya."


"Ah ganun? Ang galing mo rin kuya 'no? Ikaw na nga tong ginugulo ng hinayupak na'yon ay siya pa ang kinakampihan mo, bilib na ako sayo kuya. Ikaw na." I retorted, rolling my eyes. Kaasar ha!


"Jam naman..."


"Uuwi ako diyan. Humanda sa'kin ang lalaking yan!"


Ang tapang ko ano? Pero alam ko naman sa sarili kong hanggang salita lang talaga ako. Wala nga akong balak na umuwi eh. Sadyang naiinis lang ako ngayon ng sobra sa inaasta ng Araneta'ng 'yon.


Akala ba niya ay basta ko nalang makakalimutan lahat ng ginawa niya sa'kin? Hanggang ngayon ay kumikirot parin 'yong pudo ko kapag naalala ko siya at ang lahat ng mga panahong magkasama kami. Those times seemed so real. I don't even know if I'm ready to face him.


But if he won't stop bothering my brother, I'm really going to risk everything just to make that jerk pay! Huh! Talagang sisirain ko rin ang buhay nya!!!


Tumahimik ka kaya! Di mo nagawang iwasang masaktan ka ng taong yun at kahit kailan di ka nanalo sa taong yun. Ang sirain pa kaya ang buhay niya???


Wag na ngang epal diyan. Lahat kakayanin ko para sa kapatid ko. Hindi naman pwedeng sa lahat nalang ng panahon ay sila ang magsakripisyo para sa'kin. Naisipan kong tawagan si Ian para kumustahin.


"Hello JAM!!! Kumusta ka na diyan ah!!!"


"Hello bestfriend!!! Wahhh!!! I'm still cute!! Hehehe. Ikaw? Kumusta na kayo ni Maureen?"


Mabuti pa sila. Hanggang ngayon ay sila parin.


"Yon na nga! Kami parin! Hehehe. Pero ang totoo n'yan. Madalas kaming nag-aaway."


"At bakit naman? Chickboy ka siguro dyan ano?"


"Di naman. Hehehe. Pinagseselosan ka lang naman nya hanggang ngayon. Oo nga pala. Last year pa raw'ng nasa New York si Angela. Di ba kayo nagkita dyan?"


"Sa awa ng Diyos, di naman ako minalas na makita siya."I replied and gave out a set of chuckles. Napatawa narin siya sa kabilang linya.


" Sira-ulo ka parin talaga Jam. Galit ka parin ba sa kanya?"


"Haler! Di ba nga siya tong galit?"


"Y'ah. I didn't forget about it. Kailan ka ba uuwi rito?"


"Next month siguro."


"Siguro? "


"Yes. Hindi pa kasi ako sigurado. I was really planning to get home for my brother's wedding. It happened, your jerkfriend's interfering about it kaya hindi matuloy-tuloy."


I gave out a heavy sigh. Right! I MADE UP MY MIND. I will face my fears. Uuwi na ako. I'm going home NEXT WEEK.


Natatakot nga lang talaga ako na makita ko siya ulit. Ugh! Bakit ba hindi siya umaalis sa isipan ko? Limang taon akong lumayo tapos, useless pala lahat ng aglayo ko dahil wala paring pagbabago sa nararamdaman ko. Basta, di ako magpapadala sa kagwapuhan at kayabangan niya. Pwede ba'ng siya naman ang magdusa?


Ang isipin mo Jam na sinaktan ka niya! Per kasalanan ko rin naman yun eh! Ba't ko hinayaan ang sarili kong mahulog sa kanya, diba? Ako ang nagpakatanga! Oo na. Ako na ang tanga! Pero wala namin kaming mga tanga kung walang mga gagong manloloko na nabubuhay sa mundo.

"Alam mo ba Jam. Sila parin ni Keith."


Si Angela't Keith? Sila parin? Nanlamig ako bigla sa narinig ko. Not that I can't believe it's happening, I just haven't prepared to hear it. I chuckled bitterly. Sila parin. Ano ba'ng iniisip mo Jam? Narinig mo mismo sa kanya di ba? He just used you para pagdusahin ang kuya mo. Nothing else. You're nothing like the girls he wanted—Damn him! Bakit hanggang ngayon ay nagagawa niya parin akong saktan kahit hindi na kami nagkikita... kahit ang layo ko na sa kanya?


"G—Ganon ba? M—mabuti naman kung gano'n."


Tapos na ang iyakan Jamaica! NAIINTINDIHAN MO? WAG KANG TANGA. TANGGAPIN MO nalang na hindi kayo para sa isa't isa. Ni minsan ay hindi magiging kayo.


"Siya parin ba Jam?"


"Ano bang pinagssabi mo? Walang parin dahil kahit ni minsan di naman talaga naging siya." I denied.


"Bat ka umalis ng walang paalam?"


"Ano kasi... di ba noon pa? Sinabi ko ng dito ako mag-aaral. I thought you'd figure out immediately."


"Alam ko Jam, may mas mabigat pang dahilan kaysa do'n. Bestfriend mo 'ko. I'm not just somebody."


Napapikit ako nang marinig ang sinabi niya. I don't know what to say. I'm so tired pretending I've moved on. I'm so tired pretending he's not affecting me at all. But the truth is, there's not a time that he leaves my mind.


Di pa nakamove on si JAM! Kayo? Nakamove on na ba? Ako? Magmomove on na sa susunod na chap baka kasi uuwi na si Jam eh. Tara! Sabay tayo!

COURT THEM FIRST °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now