PART XXVI- Missing You

4.1K 88 17
                                    

"Nabasa ko rito Ian eh! Di naman ako tanga para isiping sumulat ka nito ng joke-joke lang."narinig kong sumbat ni Maureen kay bestfriend.

Umiiyak siya. Bakit kaya?

"Maureen... Listen-- Please listen to me..."

"Ian, you know I love you. I don't think I deserve this. I can't be a rebound girl. Hindi mo nalang sana ako niligawan. Manggagamit ka-- "

"Maureen... please. I'm sorry but--"

"Bitiwan mo ako! I hate you! Ang sama-sama mo!"she cried out and quickly left.

Did I hear things right? Ginawa siyang rebound girl ni bestfriend? Pero-- Hindi ko maintindihan? Ba't naman siya magiging panakip-buta e wala naman akong alam na minahal ni Ian.

Isang notebook ang kinuha ni Ian. He scanned for few minutes. And when he left, kinuha ko 'yong notebook. I scanned its pages. I was totally dumbfounded. Bakit may pictures ko with captions saying She’s the only girl I'm gong to love. I’ll wait until she’ll learn to love me back.

Marami pang pictures ang nando'n-- may mga pictures kami na magkasama. Ako ba ang dahilan kung bakit naging rebound girl si Maureen? Sinundan ko siya para i-confront. He should have told me. Baka naging happy-ever-after pa kami ngayon. It took another pain bago ko siya nakalimutan.Nakakainis isipin.

Nawala lahat ng naipon kong lakas ng loob nang madatnan ko siyang nakatulala at may luhang naglandas sa kanyang mukha. It seemed that he had learned loving her already.

I have to do something. Tutal hindi na naman maibalik 'yong feelings ko para sa kanya. Tama. Kung hindi man naging masaya ang love story kong inasam, at least, magiging tulay ako para magkaroon sila ng happy ending.

"Ahhh--- Darn. Ang sakit. It's bleeding..."

Nahiwa 'yong daliri ko ng cutter. Ang lakas dumugo. Feeling ko tuloy putlang-putla na ako. Takot ako sa dugo. Nagbabadya ng pumatak ang luha sa mga mata ko.

"Jamaica? What happened-- Damn! Ano na naman ba ang ginawa mo’t nahiwa 'tong daliri mo! I'll take you to the clinic--"

"Hi-Hindi na. Pupunta naman talaga ako ro'n."I replied and immediately stood up to leave him.

"Sasamahan kita. I know you hate the sight  of blood. Ang tanga lang din talaga uh! Kung di ka nabubunggo, nadadapa, o di kaya’y nahuhulog, natitisod at ngayon naman, nasusugatan. Stupid. Tsk."pangaral na naman niya.

Nakakainis lang dahil nami-miss ko 'yong ganito, kahit pa ang pagtawag niya sa'kin ng Stupid. 

"Alam mo na naman ang sagot kaya 'wag ka ng magtanong. Wala kang pakialam kahit na ano pa ang mangyari sa'kin. You're not responsible of whatever happens to me-- "

"I care." mahinang sabi niya sabay hila sa isang kamay ko. Bumilis na naman 'yong tibok ng puso ko na agad namang nawala nang nagpatuloy siya sa pagsasalita.

COURT THEM FIRST °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now