PART XXXV: The little Truth about Forgetting

1.9K 62 3
                                    


Pumasok na pala si Ate Jammie. Nag-iwas ako ng tingin. Ba't ba kasi natutulala ako't kinakabahan kapag nandiyan siya? Pwede naman sigurong balewalain ko nalang siya diba?  Tsk! Kaasar!


"Sa'n ang punta mo?"kunot-noong tanong niya habang nakatitig lang sa'kin.


Nanuyo yong lalamunan ko. Gusto kong sumagot pero wala namang salita na lumabas sa bibig ko. Bakit naman kasi... kung makatingin siya-- Ugh! Stop it! Stop it! Ignore him! Alam mo naman siya diba? Pa-fall!


"Oo nga pala. Sasabihin ko 'to kahit na lalo kang kiligin diyan."


Nabubwiset talaga ako kapag ganyan siya magsalita! Ang yabang nya parin!


Ang kayabangan nya kasi dati ang nagpain-love ---


Shit! Tama na nga diba? WTH! I'm still so tanga!


"Gumanda kang lalo."


Naalis 'yong masamang tingin ko sa kanya. What did he just say? Gumanda akong lalo? Ibig bang sabihin nagagandahan siya sa'kin kahit noon? Uminit 'yong pisngi ko. 




At bago pa niya ako mahuli't asarin ay nagsalita na ako.


"Asa ka pang kiligin ako."


"Kailan ka nga ba hindi kinilig sa'kin?"he confidently asked with his bewitching smile. "Ang halata kaya."sabi niya sabay lapit ng mukha niya sakin.


Amoy na amoy ko na nga ang mabango nyang hininga. Lalong lumakas ang kabog ng puso ko. I can't stand here staring at him without melting. Bago pa ako tuluyang mahulog na naman sa kanyang mga patibong, itinulak ko siya't nagmamadaling umalis.


Habang patakbo akong lumayo ay tumulo bigla yong luha ko. Hindi ko kasi magawang i-ignore 'yong nararamdaman ko sa kanya. Nakaka-tanga na masyado. Medyo malayo na ako ng magawa ko siyang lingunin. NAKATINGIN rin siya sakin.


Pumara na ako ng taxi. Habang lulan ng sasakyan papunta sa napagkasunduan namin ni Kyle ay binagabag ako ng imahe ng buwiset na si Araneta.


Pwede ba! Tigilan mo na ako! Ayaw ko na sa'yo. Pagod na akong umasa't masaktan.


Kahit anong pilit ko, nawalan na ako ng gana habang kasama si Kyle. Kahit kasi siya ang kaharap ko ay iba naman ang sumasagi sa isipan ko. Hindi ko naman sinasadyang isipin siya.


"Mika?May sakit ka ba?"


"Ha? W-wala...? Sorry ah.. Napuyat lang... ka--kasi ako kagabi."sagot ko sabay pilit na ngumiti sa kanya.


"Gusto mo ihatid nalang kita?"


"N-no. No Kyle. I'm going to be fine."


"Sigurado ka? Pwede naman tayong lumabas ulit. Kapag maayos na ang pakiramdam mo..."


I met his gaze and locked my eyes to his soul. All I can see in him is sincerity, kindness and goodness. Kahit sino ay hindi mahihirapang mahalin ang katulad niya.


"C'mon Jamaica."he cheered and smiled genuinely at me. He stood uo. "Ihahatid na kita. I know, kahit di mo man sabihin, di maganda ang pakiramdam mo."


Inilahad nya 'yong palad niya. Nagdadalawang isip man, tinanggap ko parin ang kamay niya kaya naman ay magkahawak-kamay kaming umalis ng resort.


Pagdating ng bahay ay dumiretso ako sa kwarto para matulog. Pero kahit anong pilit ko naman ay hindi ako makatulog.


Sa halip, isa-isang bumalik sa ala-ala ko ang mga pangyayari noon na pilit kong binabaon sa limot. Nang mamantsahan ko 'yong damit niya. Sirain 'yong guitar nya. Nang pintahan ko ang laptop niya. Nang ipinagkalat kong bading siya.


Naggantihan... Hanggang sa umabot sa...


"Be my girlfriend for one month."


Doon simulang nagbago ang lahat sa buhay at pagkatao ko. Iyon 'yong simula ng mga panahong hindi ko man naamin noon ay minsan akong naging masaya. But it was not until Angela came into our lives.


I was the one asked to be his girlfriend. Umasa kasi ako. Akala ko magiging tulad ng sa pelikula na magiging masaya kami sa huli. What I have forgotten was I was only asked to be his girl for a month.


Si Angela. Ang mismong bestfriend ko ang niligawan niya. Naging sila. Ako namang si tanga, nagpakatanga at umasa.


Nangyari ang di ko inaasahang first kiss. No. Not only that, it's the second kiss as well. Tsss. Nanalo kami. Natalo namin sila.


Nalaman kong ginamit lang nya ako para makaganti kay kuya kaya heto ako ngayon, tanga parin. Nasasaktan kahit na ilang taon na ang lumipas.


ANG SAKIT PARIN. Ang hirap. Ang hirap-hirap niyang balewalain. Ang hirap niyang kalimutan.


Ayaw ko siyang kalimutan. Kung magpapakatotoo lang talaga ako, gusto ko ulit umasa na pwede pang maging kami.


"Jam?"


Dali-dali kong pinunasan ang pisngi kong basing-basa sa luha.


"Kuya James? Sandali lang."


"Ano ba ang ginagawa mo d'yan. Bumaba ka na. We'll have our dinner!"


"Susunod na po!"


---

COURT THEM FIRST °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now