PART II: School-Bukol

8K 193 101
                                    

Waah! Nakipagchat sa'kin ang idol ko! Dahil fan na fan mo ako, ide-dedicate ko sa'yo ang chapter na 'to. Ang galing mo po! Godbless. <3

___________________________________________


Takbo Jamaica! Lagot talaga ako nito! Late na ak— Ugh! 


"Hahahahahhaha! Lampa talaga! Wahahaha. "


" Tanga!"


"Stupida!"


Oo. Nadapa lang naman ako. Grr. Ang yayabang ng mga babaeng 'to! Puro lang din naman kaartehan. Ang sarap suntukin ang aga-aga pa! nangbubuwisit na sila! Sikat din kasi ako sa school.. sa pagiging CLUMSY!


Kung di nadadapa, natitisod, at nabubunggo. Lampa na nga kung tawagin pero cute parin! Haha. Ang confident ko lang ano? Totoo naman kasi. Wahaha.


"Ano naman kung lampa ako? Pangit naman kayo! Bwahahaha!"asar ko din dito at agad na tumakbo. Malamang nainis ang mga 'yon. Nagagalit kasi ang mga 'yon na nasasabihang pangit. Ang arte, ayaw tanggapin ang katotohanan.


Hahahahaha. Putek. Nakakahingal yun ah!  After a quadrillion of seconds, nasa classroom narin ako sa wakas! Yipeee!


"Hoy Bata! Ang aga-aga pa, ang dumi mo na." saway sakin ng isang nilalang na nakakaasar. Ugh! Ang aga pa eh! Nang-aasar na naman!


"Ano naman sa'yo?"


"Magseatmate kaya tayo tapos ang baho-baho mo. Nakakadistract!"pagdadahilan pa ng mokong.


"Ang kapal ng mukha mo! Gwapo ka ba ha? Di nga ako nagrereklamo na sakit na sakit ka sa mata!"


Siya si ATOM, the smallest particle of an element. Haha. Charot lang. Mali pala. Si ATOM GONZAGA ang pinakanakakainis na element sa periodic table ng highschool life ko!  We belong in a section of class where we are arranged alphabetically. Kaya nga din mula pa first year, katabi ko na ang asungot na Gonzaga na 'to. Paano ba naman kasi? Naging GONZALES pa ang surname ko.


Di bale. Gagraduate na din naman ako. Kung hindi magloloko ang mga teachers. Haha. Mabilis namang natatapos ang mga klase ko kasi gaya ng naikwento ko na. Kapag boring sa klase, nagyo-youtube ako ng palihim sa phone ko.


Sa wakas! BREAKTIME na! My favorite period. Hahaha. As usual, spaghetti, dalawang burgers at ice tea ang kinain ko for my snacks. Waaaah! Nakakapagod din palang kumain.  Makaupo na nga muna dun sa may bench. 


Hala? Yung nasa kabilang bench? Guitar ba 'yon? Ba't kaya iniwan? Mapuntahan nga.


"Pew! GUITAR nga! Ang ganda naman nito. Kanino kaya 'to?" Nilingon ko ang paligid baka may makakita sa'kin. Mapagkakamalan pa akong magnanakaw. 


Wala namang nakatingin sa'kin kaya kuskos ako ng kuskos! Hahaha. Ayos 'to ah! Ang ganda ng tunog!


COURT THEM FIRST °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now