PART XXXIII: Unmoved

2.1K 70 9
                                    


" Jam. Wala kaming dalang kotse. Kay Ian kami makikisakay."


Tinaasan ko ng kilay si Ian. Magsasalita pa sana siya pero pumasok na sa loob ang mga gago. Pwede pa naman akong sumakay at tumabi nalang kay France.


"Tara na Ian! Nagtext na si Maureen oh." Tawag ni Gerald.


"It's okay Ian. Magtataxi nalang ako."


Napakamot siya ng ulo na pumasok sa kotse niya. When the engine started, somebody suddenly dragged me by the arm. Shit! Walang hiya talaga 'tong lalaki'ng to!


"Sakay."


"Ano ka? Sinusuwerte?"


"Ayaw mo? Eh di wag!"


Tsk! Nilingon ko si Ian ngunit eksaktong pagbaling ko sa kanya ay nakaalis na sila. Napapikit ako ng saglit. The moment I opened my eyes, I obnoxiously glared at him.


"Ano? Tititigan mo lang ako diyan? Tama na yan. Maiinlove ka lang lalo sa'kin niyan."


I'm really sad for him. Walang ni kahit na kunti ang nagbago sa kanya. Ang kapal parin ng mukha niya. Ang yabang-yabang! Ano'ng pinagmamalaki niya? Ang mukha niya? Fine! Siya na ang gwapo! Gwapo lang siya! Hindi siya kamahal-mahal!


"Sasakay naman pala eh, nag-iinarte pa."he whispered as he started the engine.


Hindi ko nalang siya pinansin. Nakakasakal. Makatabi mo ba naman ang nag-iisang taong pinaglaruan dati ang puso mo? Here he is now, I can see in my periphery as he kept on glancing at me while he's driving.


"What?"hinarap ko siya nang masulyapan ko siyang nakatingin sa'kin. He's not setting his eyes to the road!


"Where are we going?"nakangising tanong niya.


" KAHIT SAAN."wala sa sariling naisagot ko. "Eyes on the road!"


"Sa'n 'yong kahit saan?" He's not listening to me. His stare is still fixed on me. I closed my eyes when I saw a car rushing towards us.


"Wala paring nagbago sa'yo. You're still stupid."


"Shut up! I'm not stupid!"


"You are. Anyway, you looked different and it gives me creeps."he muttered without looking at me.


We stopped somewhere I don't know. Nang makapasok kami ay nando'n na sina Ian. Ang gagaling nga ee. Nakapag-order na. Sila na talaga.


Kumain lang kami at nagkuwentuhan. Ang dami ko nga pala talagang na-miss na mga pangyayari sa mga buhay nila. Hindi naman kasi ako ina-update ni Ian. Kapag tinatawagan ko siya ay inaasar lang niya akong umuwi at nang malaman ko kung gaano na kalayo ang narating nila. I used not to believe him. I thought he only wanted to make stories to make me home.

COURT THEM FIRST °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon