PART XXXIX: The Revelation Continues...

2K 59 10
                                    


---

JAMMIE'S POINT OF VIEW:


" Alam mo ba Jam? Miss na miss na namin si Kyle."


Kambal sina Kyle at Keith...


"Paano po ba namatay si Kyle?" naiiyak n'yang tanong.


"Bata palang 'yon ay may sakit na siya. Araw-araw na lumalala ang sakit niya hanggang sa maghighschool siya. Dun na siya nawala. Leukemia ang sakit ni Kyle. Nakakamiss. Sariwang-sariwa parin sa isipan ko 'yong mga cute na away at bangayan nilang magkambal dahil sayo."


---


"Ako na naman ang makikipagkita kay Mika ngayon. Ang daya mo! Halos araw-araw mo siyang kalaro!" si Kyle.


"Eh di ba nga bawal naman talaga sayong laging lumalabas at naglalaro?"


"Kapag laging ikaw ang makikipagkita kay Mika... Ibibisto talaga kita. Tingnan lang natin kung di yun magalit sayo..." pananakot ni Kyle kay Keith.


"O SIGE NA NGA. Payag na ako.. Pero once a week ka lang pwedeng makipaglaro sa kanya ah!"


"Minsan nga, sa tuwing naglalaro kayo ni Keith, nakikita ko nalang si Kyle na nagtatago at nanonood sa inyo sa malayo."naiiyak kong kwento. I suddenly missed my brother.


JAMAICA'S POINT OF VIEW:


Naalala ko pa sa tuwing nagkikita kami ni noon ni Kyle na si Keith pala. Madalas akong magtaka. Once a week bumabait si Kyle. Kasi pala si Kyle nga 'yon. At ang masungit na Kyle ay si Keith... Pero siya rin yung very protective sa kanilang dalawa.


" Teka... Nasa'n na 'yong tattoo mo?"


May peklat kasi 'yong si Kyle. Ang sabi sa'kin ni Kyle na si Keith, na tattoo daw 'yon. At dahil sa kamusmusan, naniwala naman ako. Kahit naman ngayong malaki na ako, lagi parin akong nagpapaniwala sa kanya. Kaya nga nasasaktan ako ngayon di ba?


"Di ba nga sabi ko, once a week ko lang 'yon nilalagay."


At naaalala ko na naman ang FIRST MEETING namin. I'm sure enough now that it's Keith.


"Miss may dumi ka sa mukha..."


Yan yung di ko malilimutan sa kanya eh.. at yung promise niyang...


"Jam, 'wag ka ng umiyak."


Nakakahiya.. Heto ako ngayon, umiiyak sa harapan ng kapatid niya. Ang sama mo Keith... Ang sama mo... TRUTH really HURTS.


---


"BESTFRIEND, akala ko okay na kayo ni Keith... At 'yong sinabi ko minsan sa'yo sa phone, totoo nga. Totoong bumalik na si Angela. Ayaw ko naman sana 'tong sabihin sayo but it seems you're so affected."


"Ano bang pinagsasabi mo? Ian, wala na akong pakialam sa kanya--sa kanila."


Nag-iwas ako ng tingin dahil gusto na naman ng luha ko na mag unahan sa paglabas. Sa t'wing magkasama kasi kaming dalawa, palagi niyang ipinaparamdam sa'kin na para ba'ng hindi nag-eexist sa buhay niya si Angela. He kissed me last time, didn't he? He even told me he missed me. Bakit ba kasi ako pa ang naging dakilang tanga? Alam ko all those times na merong Angela sa buhay niya, pero hinayaan ko parin siyang saktan ako.


" Even if you won't tell me Jam. I can feel how you feel right now. Why won't you just admit to yourself that you still love him?"


Napatingin agad ako kay Ian. Tumulo na ng tuluyan ang luha ko.


"Hindi ko siya mahal... Naiintindihan mo?" halos nangingig kong sabi.


"Denying it Jam is groundless."


"Pero Ian? Ano naman kong aaminin kong mahal ko siya? HA? Magiging kami ba? Di na ba ako masasaktan? Mamahalin nya rin ba ako? Di ba hindi ang sagot sa lahat ng yun? Kasi may Angela na siya... At tanggap ko ng di niya naman talaga ako minahal. Na ginamit lang niya ako para---"


"Shhh. Stop recalling it." he consoled me in his embrace.


Ayaw na yatang tumigil ng mga luha ko sa pag-uunahan.


"Naiinis ako sa sarili ko... Ang tanga ko eh. Ba't ko pa siya minahal... kahit alam kong pinapaasa lang niya ako? Tanga lang talaga ako no?"


"You're not. Hindi ka tanga, Jam. He's just a jerk. It's just maybe too... He's not the right man for you. You deserve better."


"Could there be better than him Ian if my heart found him the best?"



O sige magpakatanga ka na lang forever Jam. Iyakan mo siya hanggang mamatay ka. Kaasar ka rin! HEHE. ANG SAMA KO. Sorry Jam.... xD

Ano nga kaya ang PROMISE ni KylenasiKEITH kay Mika?

Hayaan mo kung di man kayo magkakaroon ni Keith ng HAPPY ENDING, bubuhayin ko si Kyle para i-save ang nasa danger mong puso. ECHUS! Hahaha xD

Thanks loves! Godbless. ♥

COURT THEM FIRST °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now