PART XXVIII- The Battle

4.1K 92 10
                                    

Kanina pa ako rito sa loob ng cr. Nagmumukha na talaga akong tanga! Nakakainis kasi na nakaka-degrade. Ginawa pa niya 'yon sa harap ng maraming tao. Ano ako ngayon? Nagmimistulang epal sa lovestory ng bestfriend ko?


Maliban do'n, ninakaw na niya sa'kin ang isa sa pinakamahalagang bagay para sa'kin! Ninakaw na nga niya ang first kiss ko, pati pa ang pangalawa! Nakakainis.


Ang sakit isipin na pinaglalaruan lang niya talaga ako. 


"Jam---" salubong niya sa'kin nang makalabas ng CR.


"Ian... Ang sama-sama niya..."


Niyakap nya ako as I continue sobbing.


"Please be okay. Kahit para sa'kin lang. I  can't afford to see you like this Jam."


Pinunasan ko 'yong luha ko. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinagkan sa noo.


"Si Maureen, baka makita niya tayo."


 "It doesn't matter. Ang mahalaga wala akong ginagawang mali. What's wrong in comforting my cutest bestfriend?" biro pa niya.


"Okay na naman ako."


Kahit pa nga tumutulo yong tears ko. Eh paano naman kasi? Kahit pa naman dugo yong iiyak ko rito ay walang magbabago. Di ko na maibalik ang pangyayaring yun.


"Hayaan mo,di na hahayaan ni bestfriend na malapitan ka ng gagong yon."



Mabuti na lang may mabait akong bestfriend. Lalakad na sana kami palayo ng CR nang biglang magsalita si Angela.


"Plastic. Tsk. She's damn fake! For how many years that we've become friends, she was able to betray me. Traitor--"


"Angela! It's not true!" saway pa ni Ian.


Nakakainis lang ah! Ako na nga 'tong naagrabyado, ako pa ang masama? Wow! Tsk. 


"Hayaan mo na Ian kung ayaw nyang maniwala. Iisipin ko nalang din that she's in Korea... na wala sya dito." I said and turned away.


"Whatever! I hate you traitor!" pahabol pa niya. Di ko na siya pinatulan. But I still hear them from afar.


"So?Papayag kang basta-basta lang matapos ang pagkakaibigan nyo? Dahil lang sa Keith na 'yon? What if I'll tell you that he really doesn't love you?"


"Alam ko namang si Jamaica yong  kakampihan mo eh. Siyempre kayo 'tong laging magkasama diba?"


"Tsk. I think I don't know you anymore Angela. Naging unbecoming ka na dahil sa Keith na yon . But An, if ever na handa mo ng buuin ulit yong pagkakaibigan natin, we're ready para tanggapin ka ulit."

COURT THEM FIRST °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now