PART XXXIV: Stillness; Pain and Love

2K 66 5
                                    


 "Sana kuya pwedeng magpanggap na hindi... na hindi ko siya minahal, hindi ko siya mahal at hindi ko siya kailan man mamahalin."


"Mahirap 'yan. Hindi ko alam kung paano kita tutulungan. What you're feeling right now is the same feeling I had when I lost Jammie. Kahit anong pilit kong makalimutan ko siya ay hindi kailanman nagyari. Madaling magsalita na tapos na ang lahat. Pero mahirap kalimutang nangyari ang mga 'yon."


OO NGA. Absolutely. Lahat ng sinabi ni kuya, it all fits me right now. Tamang-tama lahat eh. Madali lang sabihing tapos na. Madaling sabihing kalimutan siya. Madaling sabihing mag-move on. Pero lahat ng 'yon, napakahirap gawin.


"Okay lang 'yan Jam. Ang mahalaga ay natuto kang magmahal. Sumunod ka. Maghihintay kami sa baba."


Hayss! KEITH LANZIE ARANETA. Hindi kita minahal. Hindi kita mahal. Hindi kita mamahalin. Sana nga. Sana kung gaano kadaling sabihin ang lahat ay gano'n din kadaling gawin.


Sana nga. Ako lang ang nakakaalam ng totoo. Wag ka ng magpanggap. Lalo ka lang masasaktan.


Shut up! Shut up! Wag kang epal! Tigilan mo 'ko! Ugh! Nakakabuwiset ah! Napayakap na lamang ako sa unan ko! Wahhhhh! Ba't ako naiiyak ng ganito? Tama na Jam. Nagmumukha ka ng tanga. Eh! Talaga namang tanga ako noon pa.


"Hello Ian?"


"Hi Jam."


"Ba't parang natatawa ka diyan?"


"Si Maureen kasi. Nang malamang nakauwi ka na! Naging selosa ulit! Hahaha."


"Ang kulit mo! Di naman ah." narinig kong parang boses ni Maureen.


"Hahahaha. Ano bayan. Maureen! Wag kang mag-alala. Ikaw talaga ang mahal ni Ian! Kahit nung nasa New York pa ako laging pangalan mo ang lumalabas sa bibig niyan eh!"


Nakakainggit nga eh. Sana ganyan rin siya sa'kin. Wala eh. Paasa lang ang lahat.


.

"Jam? Nandiyan ka pa?"


"H-ha? Ah.. Ya'h... Bakit?"


"Oo nga pala. Di ba? Di naman kayo nagkaayos ni Angela? Baka this is the time na maibalik nyo na ang nasira nyong friendship."


Anong ibig nyang sabihin? Angela's back? She's also here now?


"Anong ibig mong sabihin?"


"Umuwi na siya. Nandito na siya sa Pinas. Last day lang siya dumating. I heard it from Gerald. Sabi pa nga ng loko na kaya umuwi rito si Angela ay dahil sayo dahil natatakot siya na—"


"Sabihin mo sa kanya. Wag siyang mag-alala. Wala akong balak na agawin ang boyfriend nya."

COURT THEM FIRST °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now