PART XXXVIII: The Beginning of a Revelation

1.9K 55 3
                                    



Di ko alam kung magiging masaya ako or malungkot ngayong umalis na siya. Oo na. Ako na ang adik! Jam! Umayos ka!!! Naiwan ulit akong mag isa na nakaupo sa sala habang abala sina kuya sa mga gawaing bahay. Ako na 'tong walang ibang magawa kundi ang isipin siya.


Teka! Ano tong nakaumbok na naupuan ko? Wallet? Kaninong wallet naman 'to? Matingnan nga. Baka naman kina kuya 'to.


Unti-unting kumunot ang noo ko sa nakita ko. Teka? Bakit? PICTURE KO 'to? Nong 9 ako? At... Ano'ng ibig sabihin nito? Parang puputok ang ulo ko. Bakit may picture ni Kyle? No'ng nine din siya?


Driven by curiosity, I continued scanning the contents of the wallet. May IDs at cards.


"KEITH LANZIE ARANETA."


It's not making any sense. Anong ibig sabihin nito? Teka ano ba? Gulong-gulo ang isip ko sa kaka-analyze ng posibleng connection ng pictures ko't ni Kyle no'ng bata kami sa kanya. Why would he keep them?


"Stupid."


Napalingon ako sa may pintuan.


"Yong wa--wallet ko. Naiwan ko 'yong wallet ko."


Guided with anger and inquisitiveness, I walked fast towards him.


" Paano mo nakuha ang picture ko? Ba't-- Ba't may picture ka ni Kyle? Keith?"


Biglang naging blanko yong expression ng mukha nya. I waited for his answer but he seemed reluctant to speak.


"Hindi ko maintindihan eh. Why do you keep our pictures? Why do you have that picture of me! Araneta! Wala akong maintindihan!"


"Sumagot ka! ANO BA?"


---


"JAMAICA, okay lang yan."


Kahit ano pa ang sabihin nila, ayaw tumigil ng luha ko!!! Patuloy parin sa paglandas sa pisngi ko. Bakit ganito sa'kin 'yong tadhana? Ang galing-galing niyang magbiro! Palagi pang nasa perfect timing!


"Jam..."


"Kuya..."


Niyakap nila ako. I felt so helpless and weak. I really haven't changed at all. I'm still the Jamaica everybody sees as vulnerable. Well, I really am.


"Jam, makinig ka sa'kin."he started.


"What? No! I can't be right with what I'm thinking. It's impossible. Just go. Leave!"


"Oo Jamaica. Ako at si Kyle ay iisa."


"You're lying! Tell me you're lying! Hindi totoo 'yan! You can't be him!"


"Makinig ka Jam. Magpapaliwanag ako--"


"I don't want to hear anything from you at all!!! Umalis ka na!!! Get lost!!!!"


Sinubukan nya akong hawakan pero iyon narin ang sinamantala ko para itulak siya palabas.


"Umalis ka na! At wag ka ng magpapakita pa sakin! Naiintindihan mo? I hate you! Manloloko ka!!! Sinungaling!"


Napaupo na lamang ako't napayakap sa sarili nang makaalis na siya. All this time, may inilihim siya sa nakaraan namin. Lalo akong namumuhi sa kanya. Magmula ngayon, buburahin ko na sa isipan ko ang ala-ala ko ng panaho'ng 'yon. Paalam, Kyle.


---


"JAM. Nasa baba si I--Ian."


"Bababa na kuya..."


Bumuntong-hininga ako ng malalim saka matamlay na lumabas ng kwarto.

COURT THEM FIRST °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon