PART XXIX- HAPPY ENDING... NA BA?

4.8K 132 136
                                    



GERALD'S POINT OF VIEW:


Ang pangit ng mga kalaban namin. Hindi ko talaga mapigilang matawa habang paalis na kami ng entablado. 


"Sure ng tayo ang mananalo."saad ni France na nakangisi rin.


"Mukha nga---"sang-ayon ni Ian.


"Halata naman. Sobrang boring ng mga kalaban nating bands. Akala ko nga pang-intermission lang ang mga 'yon." nakangising komento ni Keith.


"And now! Let's witness the Girls' Power!"


Ano? Girls? Kakalaban sa'min? Have they lost their minds? Lalong lumakas ang tawanan naming lahat maliban kay Ian na parang may hinahanap.


"Sinong hinahanap mo? Si Maureen o si Jam?"tanong ni France.


"Di ba? Dito lang nakaupo si Jam kanina?"


"Oo. Kanina. Kanina lang 'yon. Ewan kung saang lupalop na naman 'yon nagpunta."natatawang saad ko.


Lumapit kami sa kung saan naroon ang pamilya ni Keith. 


"Ang galing anak. Congratulations sa inyo. I'm sure, kayo na naman ang mananalo."Keith's mom declared.


Keith just smiled at her. He instead faced his elder sister.


"Ate? Nagustuhan mo ba?"


Hindi siya umimik. Nakakatitig lang siya sa isang lalaki sa may kalayuan na parang nakatitig rin sa kanya. Binati namin siya ngunit dineadma niya rin kami. Naniningkit ang mga mata ni Keith nang sundan ng tingin ang tinitingnan ni ate Jamie.


"Ate Jammie."tawag ni Keith sa kanya nang bigla siyang tumayo.


"Nandito si Hero. Kakausapin ko lang siya." parang wala sa sariling sabi niya.


"Jammie, anak. Di ba? Gusto mong manood ng mga musicians? Ayun sa stage oh!"awat ni tito Karlo sa kanya.


Mabuti na lang at sumunod naman si ate Jammie. Bumalik siya sa upuan at tumitig sa entablado.


"Ano ang gagawin natin 125,000 na prize?"maya-maya ay tanong ni France sa'min.


"Haha. As if tayo na talaga yong panalo."tumatawang sambit ni Ian.


Natahimik ang buong Araneta nang makatuon na ang  spotlight sa apat na babae. Cool! May dalawang guitarists, isang pianist at isang drummer. Nasaan ang vocalist nila?

Ang galing nga nong intro nila. They have their own semi-rock rendition of Mandy Moore's Only Hope.


COURT THEM FIRST °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now