Chapter Two

4.2K 161 27
                                    

Lissy's POV

I was dumbfounded at my seat. Ano ang ginagawa nito? D*mn him! I was still shocked when a light flashed, napatingin ako sa paligid ko at nakita kong halos lahat ng nasa loob ng restaurant ay sa amin na nakatingin at yung iba kinukuhanan pa kami ng picture or was it video?

I felt sicked in my stomach at mas lalo yatang bumilis ang pagkabog ng dibdib ko. What to do? What to do? I can't marry him! I don't even love him. Marrying him will ruin my career! Pero paano ko sasabihin ang bagay na yan? If I said yes, we will be in front page, if not we will still be in front page.

Naramdaman ko na ang pag-iinit ng mata at pangingilid ng mga luha ko.

"Sh*t!" I heard him say, tumayo ito at niyakap ako.

"No! I won't marry you!" sabi ko na nakapagpatahimik sa lahat. Napalakas pala ang pagkasabi ko. Flashes of cameras stopped. I felt him stiffened while hugging me. Ilang sandali pa ang dumaan bago ko naramdaman ang pagkalas niya sa akin at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"I understand, baby. I'll still wait for you to be ready," he said and kissed me lightly in my lips. Narinig ko nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin. Naloloko na ba ang mga tao dito? What are they cheering for? I just said NO, didn't I?

"You are so dead." I whispered to him nang yakapin niya ako ulit after the kiss.

"We still have a daugther to raise, baby, kaya hindi pa ako pwedeng mamatay," bulong niya pabalik sa akin. "Come on," he said at nag-iwan siya ng pera sa table namin. "We'll go ahead," paalam niya sa mga kasama namin. Hindi pa man nakakasagot ang mga ito ay mabilis niya na akong hinila palabas at sumakay agad kami sa taxi.

Wala kaming imikan sa loob ng sasakyan hanggang makarating kami sa apartment ko.

"What the f*ck were you thinking?" pasigaw na sabi ko sa kanya pagkasara niya ng pinto.

"What?"

"Anong what? Don't play innocent on me, Kiel. You f*cking knew what I am talking about!"

"For a respected model like you, you d*mn sure curse a lot." kalmado lang na sabi nito saka naupo sa sofa.

"Hindi ka ba nag-iisip? Baka nasa front page na tayo bukas! You are ruining my life!"

"I ruin your life? I'm trying to fix your life. Alam mo, dapat ka pa ngang matuwa na handa kitang pakasalan dahil nabuntis kita eh. Some girls would be dying to do everything to be in your shoes right now."

Natawa ako sa sinabi nito. "Ibahin mo ako sa mga babaeng patay na patay sa'yo, ni minsan hindi ko pinangarap na magpakasal sa'yo. Sinisira mo ang career ko!"

Natawa ito nang mapakla, "Mabuti pa ang career mo iniisip mo pero ang anak mo hindi. Some mother you are." nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya.

"Get out! Get out!" malakas na sigaw ko sa kanya habang naglalakad papunta sa pinto. Binuksan ko ang pinto, "Get out. You don't know me that well, kaya wala kang karapatan na husgahan ako!"

Kibit-balikat lang itong tumayo at naglakad papunta sa pintuan. "I'll pick you up the day after tomorrow and you better be here and ready to go. If not, you will know what ruin life be like. Bye, baby." kumindat muna ito at isinara ang pinto.

"Bwesit!" nagngingitngit ang pakiramdam ko na naupo sa sofa. Ano ba namang gulo itong pinasok ko?!

Kiel's POV

I was not planning on proposing to her infront of everybody. Bumili ako kanina ng singsing para ibigay sa kanya sana sa dinner namin. Well, sa dinner naman namin ko naibigay ang singsing but not as simple as I have planned it. Naiisip ko kasi kanina na tamang-tama ang pagkakataon na yun para hindi na siya makatanggi sa offer ko na kasal.

OPPOSITE POLES (COMPLETED)Where stories live. Discover now