Chapter Fifteen

2.7K 158 10
                                    

May gulay! Lissy umayos ka wag kang himatayin!

Nasa hagdan pa rin ako at nakatulala kay Kiel. Tumigil na yata ang paghinga ko sa sobra excitement na nararamdaman ko.

"Baby okay ka lang ba? Bakit ka namumutla?" puno ng pag-aalala ang mukha na lumapit ito sa akin saka inabot ang kamay at pinulupot ang braso sa baywang ko para alalayan akong makaakyat. "Did I surprise you that much, na natulala ka na riyan?"

Wala akong maisagot kaya tumango nalang ako. Unti-unti nang bumabalik ang maayos na paghinga ko pero ang pagtibok ng puso ko ay parang nakikipagkakerahan pa rin.

Nasa gitna na kami ng cottage nang tumigil si Kiel at pumuwesto sa harapan ko.

"Close your eyes, baby." may malapad na ngiti na sabi niya sa akin.

"Kiel? What's this?"

"Pikit ka muna ng mga mata, please baby."

Parang nahihipnotismo naman na napapikit ako ng mga mata. Ilang segundo na rin akong nakapikit at wala ni katiting na galaw akong naririnig.

"Kiel?"

"Im here, baby, just close your eyes, malapit na."

"Malapit na ang?" takang tanong ko habang nakapikit pa rin.

Naramdaman ko ang mabining paglapat ng labi nito sa labi ko. It was a quick kiss pero parang bolta-boltaheng kuryente yata ang naramdaman niya. OA pero pakiramdam niya naging sobrang sensitive ang pandama niya ngayon.

"Just a few seconds, baby."

Ano daw?? Few seconds? Jusme naman Kiel baka hindi na ako humihinga niyan bago ka magpropose sa akin!

Gusto niyang isatinig pero syempre ayaw niya naman sirain ang moment. Kaloka naman kasi ito, bakit hating-gabi magpropropose? Tapos.... Omg! Nakarobe lang ako!! Ang gulo pa yata ng buhok ko!!!!

"Open your eyes, baby." malumanay na sabi niya. Dahan-dahan kung minulat ang mga mata ko at napatitig sa mga mata nito na diritsong nakatingin din sa kanya.

"Baby, alam kong nagsimula tayo sa mali. Nabuntis kita ng hindi ko alam, nagsinungaling ka at itinago si Snow, pinilit kita, nainis ka sa akin. Maraming mga hindi magagandang bagay ang nangyari bago ko maramdaman ang halaga mo. Bago ko maamin sa sarili ko na kahit hindi man ikaw ang babaeng pinangarap ko pero ikaw naman ang tinitibok ng puso ko ngayon. I love you and I am so thankful for all those bad circumstances we've been through, kung hindi dahil sa mga pangyayari yun wala sana tayo rito ngayon."

Mas lalo pa yatang bumilis ang tibok ng puso ko. Lumapit ang mga kamay ni Kiel sa leeg ko at naramdaman ko parang may malamig na lumapat sa leeg ko. Itinaas ko ang kamay ko para salatin ang leeg ko at isang kwentas pala ang malamig na bagay na yun.

"Happy 6th monthsary, baby."

"Monthsary?" naguguluhang tanong ko na nagpangiti kay Kiel.

"Its past midnight, so yeah, today is our 6th monthsary. I love you, baby."

Parang bigla akong nanghina sa sinabi nito. Monthsary? Seryoso ba talaga ito?

"Baby, hindi ka ba natuwa sa surprise ko? I know I am not good at this, but I am trying my best to impress you and make you happy, Baby."

OPPOSITE POLES (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang