Chapter Seventeen

2.8K 164 13
                                    

Lissy's POV

Masakit ang ulo at namamaga ang mga mata ko ng magising ako. Pagmulat ko ng mata walang Kiel sa higaan nito. Natulog kaya ito rito?

Walang ganang bumangon na ako at naligo para hanapin si Kiel, baka nasa baba na ito at nag-aalmusal. Pero matapos maligo hindi ko ito mahanap kahit saan. Maaga ba itong umalis? Ni hindi man lang ako ginising na alam niyang naiinis ako sa kanya?

Kahit nagtatampo rito ay hindi ko pa rin kayang tiisin na wag itong itext.

***
Text Convo with Kiel

Baby kumain ka na ba?

Yup

****

Ganun lang kaiksi ang reply niya sa akin kaya sa inis ko hindi na ako nagreply at wala na rin akong balak na itext ito. Bahala ito sa buhay niya kung ayaw nitong makipag-usap sa akin. Pwes, ayaw ko rin na kausapin ito.

***
Text convo with Nicky

Hey, babe, don't forget about me on the fashion show, okay.

Did Kiel allow you to join.

Ofcourse, why not?

It's a swimsuit collection, babe, are you sure Kiel is up for it?

I've done a lot of swimsuit modeling, babe, so what's the difference?

You got a husband now, that's the difference.

I'm still legally single, babe. Besides, it's my life and I don't need Kiel's permission to whatever I want to do.

Okay, babe, I just don't want to have trouble with your husband.

You won't, just text me when are the rehearsals.

Sure babe.

***

Matapos ang usapan namin ni Nicky, ay inabala ko nalang ang oras ko kay Snow para hindi ko maalala si Kiel. Alam kong mali ang ginawa kong pag-contact kay Nicky pero bahala siya sa buhay niya. Ito ang gusto ko kaya ito ang gagawin ko.

Buong araw akong naghintay pero ni isang text wala na akong natanggap at nakatulog nalang ako wala pa rin si Kiel.

"Baby... Baby, baby," mahinang yugyog sa balikat ang gumising sa akin. Pagmulat ko ng mga mata si Kiel ang nakita ko.

Nakaupo ito sa gilid ng kama, nakaharap sa akin at nakabihis ito. Kakauwi lang siguro nito.

"Hey, sorry to wake you up. I have to go to Singapore may aayusin lang akong problema dun. Biglaan lang kaya busy rin ako buong araw kanina. I know we need to talk but we can't right now. Pag-uwi ko, pangako mag-uusap tayo ng maayos. I love you, baby." sabi niya saka dumukwang at hinalikan ako sa labi.

I was taken aback by what he said. Aalis nalang ito bigla kahit may hindi pa kami naaayos na problema? Ganoon na ba talaga ako ka walang halaga rito?

Gaga! Eh biglaan nga raw!

Ni hindi man lang nito hinintay ang sagot ko. Pagkatapos akong halikan, tumayo na ito at dinapot na ang mga bagahe at umalis. Wow just like that? Ni hindi manlang nagsabi kung ilang araw siya roon.

OPPOSITE POLES (COMPLETED)Where stories live. Discover now