Chapter Twenty

2.9K 170 14
                                    

Lissy's POV

"Okay, Hijo, as soon as makasal na kayo aayusin ko agad ang paglipat sa pangalan mo ng mga ari-arian na iniwan ng Lolo mo sa 'yo. Maybe after six months or a year pwede ka na rin maghain ng annulment para mapawalang bisa ang kasal. I can help you with that too."

"Very eager to do that, Attorney?"

"Ofcourse, and you know exactly why I am doing this, Hijo. This is for my princess. If only I can assure you of a child the moment you two get married, I will never allow this to happen. But what the heck, I'm an Attorney, I can easily make your wedding null and void in a flash."

Kitang-kita ko ang ngiti sa mukha ng Attorney kausap ni Kiel at pakiramdam ko isa iyong patalim na sumasaksak sa puso ko. Habang lumalapad ang ngiti nito, lumalalim din ang hiwa sa puso ko. I can't believe that I am hearing this kind of conversation from Kiel. All this time? Was it all planned? Lahat ba ng pinakita nito sa akin ay mga kasinungalingan lang? All those 'I love you', totoo kaya 'yon? Ang pagmamahal na nakikita ko sa mga mata nito, was it real? O baka guni-guni ko nalang ang lahat ng iyon dahil mahal ko ito at gusto kong may sukli rin ang damdamin ko.

Pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Namumuo na ang mga luha ko sa mga mata, napaatras ako. I can't take it anymore, hindi ko na kaya pang marinig ang mga pag-uusap nila. I turned and run outside the house to the shore. I run as fast as I can, walang iniisip na pupuntahan. Basta gusto ko lang makalayo, gusto kong tanggaling ng hangin ang sakit na nararamdaman ko. Gusto kong manhirin ang katawan ko sa pagod at baka sakaling mawala rin ang sakit.

Hindi ko alam kong ilang minuto na akong tumatakbo basta napahinto nalang ako dahil hindi na ako makahinga sa sobrang hingal na nararamdaman. I felt my knees wobbled, napahulod ako sa buhangin at napatukod ang mga kamay. I tried to catch my breath, tried to stop crying pero mas lalo lang lumakas ang hagulhol ko.

"AHHHHHHHHHHHH!!!!!!!" I shouted my lungs out. "AHHHHHHHHHHHH............ Fcuk you Kiel!!!! Fcuk you!!!!!!!!" Paulit-ulit ko itong minura hanggang sa wala na akong lakas na napahiga nalang sa buhangin.

I felt betrayed by someone I trusted my heart with. Someone I thought was so true to me. Someone I love more than myself. Someone I was ready to give everything to make him happy.

I continued crying hanggang sa wala na akong maiiyak. Nandoon lang ako nakahiga, wala ng pakialam sa mga nangyayari sa paligid ko.

Kiel's POV

Naiinis akong lumabas ng study matapos ang pag-uusap namin ni Attorney. Bumalik ako sa sala at nagtako dahil hindi ko naabutan si Lissy roon. Bumalik ako sa silid namin pero wala rin ito. Pumunta ako ng kusina wala rin. Hinanap ko sina Snow, pero wala rin doon si Lissy.

Lumabas ako at pumunta sa cottage sa pag-aakalang nauna na ito roon pero walang tao, kahit sa paligid wala rin akong makita. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan. Bumalik ako sa bahay at tinawag ang mga kasama namin sa bahay para magpatulong na hanapin si Lissy. I got a bad feeling about this.

Fcuk! Lissy, Baby nasaan ka?

"Bilisan niyo ang paghanap, masama ang pakiramdam ni Ma'am Lissy niyo, baka kung ano na nangyari sa kanya." sabi ko sa kanila bago nagmamadaling naglakad sa kabilang bahagi ng baybayin.

Sa bilis nang paglalakad ko, para na akong tumatakbo. Ilang minuto na ako naglalakad ng may mahagip akong bulto na nakahiga sa buhangin. It's Lissy, hindi ako maaring magkamali.

"Baby? Liz?" sigaw ko habang tumatakbo palapit dito pero ni munting galaw ay wala. Agad akong napaluhod sa tabi nito nang makalapit na ako.

"Baby?" Hinawi ko ang buhok niyang nakatakip sa mukha niya. Her eyes were closed. I patted her face but she didn't move. "Baby?" still no response. "Shit!" I cursed.

OPPOSITE POLES (COMPLETED)Where stories live. Discover now