Chapter Eighteen

2.7K 213 11
                                    

Lissy's POV

Parang sumikip ang dibdib ko sa text ni Kiel.

"No! Hindi pwede!"  kumatok ako ulit.  "Kiel, please wag naman ganito.  May pinirmahan ako.  Malalagay sa alanganin si Nicky kapag hindi ako sumipot.  Please parang awa mo na Kiel, wag naman ganito!"

Ilang minuto rin akong nagmakaawa pero walang Kiel na nagbukas ng pinto.  Walang Kiel na nakarinig sa akin.  I tried calling him but he rejected my calls, so I texted him.

Text Conversation with Kiel

Baby

Kiel, please let me out.
Please wag namang ganito.
May pinirmahan akong
kontrata, malalagay
ako sa alanganin
kapag hindi ako
sumipot.  Please Kiel.

Please parang awa mo na.
Let me out.

I'm sorry if I lied. Nagawa
ko lang naman yun dahil
alam kong hindi mo ako
papayagan.

Don't bother, they
knew you are not
coming.

Naki-alam ka na pala,
bakit kailangan mo
pa akong ikulong dito?

Para makapag-isip ka,
you have to make a
choice, Liz. It's either
you choose me and
Snow or your dream.
If you choose us, then
forget about going back
to the modeling world.
If you choose modeling,
then forget about us.

I love you, Liz, this is
hard for me too, but I
don't want to share with
your dream. I don't want
us to be just your second
priority. I'm giving you
a couple of hours to think.

End of text conversation

Lissy's POV

Umiiyak na napadapa ako sa kama matapos mabasa ang mga text ni Kiel sa akin. Why are you being unfair to me, Kiel?

"Bakit?!!!!!!" I shouted as frustration was eating me up.

Why can life be so unfair? Why can't you have everything you ever want? Bakit ba kailangan pang pumili? Bakit hindi pwedeng lahat nalang?

Ang buong akala ko okay na ang lahat. I have my daughter, I have the man that I love and he love me back pero bakit kailangang humantong pa sa ganito? Bakit hindi nalang siya maging supportive sa akin? Hindi ba dapat gano'n kapag mahal mo? Susuportahan mo kung saan siya magiging masaya? Pero bakit hindi magawa ni Kiel sa akin 'yon? Does he really love me?

Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal na iyak nang iyak at tanong nang tanong sa sarili ko sa mga walang kasagutang bakit. Hanggang sa naupo nalang akong nakasandal sa headboard at blanko na nakatingin sa harap. Hindi na umiiyak, hindi na rin nag-iisip, hindi nakakaramdam. I felt nothing, I felt empty.

.

.

.

.

.

.

.

Then I saw in my mind, my daughter smiling at me and Kiel's happy face. Tears started falling from my eyes again. Then it hit me, ano pa ba ang kailangang piliin? Hindi ko kayang mabuhay kapag nawala silang dalawa sa akin. I can change my dream but not my family. Dali-dali akong kumilos at hinanap ang cell phone ko na kung saan ko lang nalagay kanina. Nang mahanap ay agad kong tinawagan si Kiel pero tulad kanina ay hindi pa rin nito sinasagot. So, I texted him again.

OPPOSITE POLES (COMPLETED)Where stories live. Discover now