Epilogue

4K 200 25
                                    

Lissy's POV

Naalimpungatan ako sa pakiramdam na parang may nakatingin sa akin, but I am still so sleepy dahil anong oras na ako pinatulog ni Kiel kagabi kaya naman hindi ko na pinansin at matutulog na sana ulit ng may mga labing humalik sa ilong ko.  Napangiti ako, kahit hindi pa ako dumilat alam kong si Kiel ay may gawa niyon.  Ito madalas na panggising nito sa akin, ang halik-halikan ako sa tungki ng aking ilong.

"Good morning," namamaos na sabi ko habang nakapikit pa rin ang mga mata.  Hindi ito sumagot kaya naman napilitan akong dumilat at nakita ko itong nakatunghay lang sa akin habang may ngiti sa labi.

Nakatagilid ito paharap sa akin habang nakatukod ang kamay sa ulo nito.   "Good morning, baby."  masayang bati niya habang parang nanunuot naman sa kalamnan ko ang mga titig niya.

Tinakpan ko ang mata niya ng isang kamay ko.  "You're staring at me again." nangingiting sabi ko.

I still felt my heart flutter every time he stares at me intently.  Being married to this man for five years was  incredible, especially with our three bundle of joy.  Married life was not as easy as 1, 2 and 3 but everything was all worth it.

"Asus ang Misis ko nagba-blush na naman.  Kaya mas lalo akong napapatitig sa iyo eh kasi kahit gaano kita katagal titigan mas lalo ka lang gumaganda sa paningin ko." nakangiting sabi niya.

Nangingiting pinisil ko ang ilong nito. Kaloka ang agang magpakilig ng mokong na 'to.

"Naku huwag mo na akong bolahin at super duper kilig to the bones na ako."sabi ko sa kanya habang pinipisil ang ilong niya na pilit naman niyang tinatanggal.  Akmang magsasalita sana siya ng dugtungan ko ang mga sinabi ko.  "At huwag ka munang humirit ng morning round diyan at pagod pa ako sa ginawa mo sa akin kagabi." 

"Ano ba ang ginawa ko sa 'yo kagabi? Wala akong matandaan, ipaalala mo nga." nangingiting sabi niya na kumubabaw na sa akin.

"Kiel Wales!  Tigilan mo ako ang aga-aga!" natatawang banta ko sa kanya habang tinutulak siya palayo sa akin.

"I love you Mrs. Wales." malambing na sabi niya saka hinalikan ako ng isang mabining halik sa labi.  I can't help myself to moan at that feather light kiss. "And I'll love you for the rest of our lives together."  sabi niya na ngayon ay mataman nang nakatingin sa mga mata ko.  Nawala na ang kapilyohan sa mga mata niya at napalitan na iyon ng puno na pagmamahal na mga titig.

"I love you too, Mr. Wales and will always will." sagot ko sa kanya at ako na mismo ang humalik ulit sa kanya.

"Mommy! Daddy!" sigaw ng mga anak namin ang pumutol sa halikan na iyon.

Naiiling na umalis si Kiel sa ibabaw ko at naupo sa tabi ko na nakasandig sa head board.  Bumangon naman ako at naupo rin katabi ni Kiel.

"Good morning babies," masayang bati ko sa apat na taong gulang na kambal namin ni Kiel.

Nag-uunahan ang dalawa sa pag-akyat ng kama namin.

"We are not babies, Mommy, I am a big boy now." protesta agad ni Sun sa sinabi ko.

"I am a pretty princess, Mommy" dugtong naman ni Wind sa sinabi ni Sun.

"Yes, Mommy they are not babies anymore they are big boy and girl na." sang-ayon naman ni Kiel saka dinamba ang mga bata para matumba ang mga ito sa kama ay pinagkikiliti.

Tawa at tili naman ang nagawa ng bata sa ginagawa ng ama nila sa kanila.  Natatawa na naiiling nalang akong tumingin sa kanila.  Ilang saglit lang ay nakasakay na si Snow sa likod ni Kiel na tatawa-tawa rin.  Marahil kasama ito ng kambal at naghihintay lang sa labas ng marinig ang tilian.

OPPOSITE POLES (COMPLETED)Where stories live. Discover now