Chapter Six

3.5K 142 10
                                    

Lissy's POV

Naalimpungatan ako dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto. Ano ba naman yan? Antok na antok pa ako! Pagmulat ko ng mata bahagya pa akong nagtaka kung nasaan ako, tapos bigla kong naalala nasa bahay pala ako ng mga Wales. Tumingin ako sa relo. What?! Alas-otso palang? Ang aga-aga pa! Gusto ko pa matulog.

Kahit ayaw ko pa bumangon ay tumayo na rin ako dahil hindi yata titigil itong kumakatok. Tinatamad na naglakad ako sa pinto at binuksan.

"Bakit ang tagal mo naman magising? Kanina pa ako kumakatok sa'yo!" iritableng bungad ni Kiel sa akin. Magkasalubong ang kilay nito sa inis pero bakit ang gwapo pa rin nito.

"What do you want? Hindi ba yan pwedeng mamaya nalang?" tinalikuran ko siya saka naglakad pabalik sa kama. "I'm still sleepy, gusto ko pa matulog ulit. Wala pa akong masyadong tulog! Naninibago pa ako sa oras dito."

"Kanina pa gising ang anak mo, ikaw tulog pa rin."

"Bakit wala bang yaya si Snow? Do I have to baby sit her?" sabi ko habang pumupwesto na sa paghiga.

"She has a nanny but don't you want to see your daugther now that you are here? Spent some time with her?"

"I do, but I am so tired. Can't I have a proper rest? Hindi ako nakatulog masyado kagabi."

Hinablot nito ang kumot ko, "Hindi ka ba pinatulog ng mga halik ko? Nabitin ka ba? I can give you more than just a kiss, baby, just say the word." sabi niyang may nakakalokong ngiti sa labi. Napatayo naman ako sa kama nang akma siyang hihiga sa tabi ko.

"Hep hep hep! What do you think you're doing? Lumabas ka na nga ng kwarto!"

"Sasamahan sana kita matulog, I will sing you lullaby so you can sleep, baby."

"Tigilan mo ako Kiel ha, ano ako bata. Just leave me in peace, I can manage." pinanlakihan ko siya ng mata.

"You can't scare me with that eyes, baby. Kidding aside, halika na at kumain na muna tayo ng breakfast. Kanina pa ako nagugutom."

Napasimangot ako sa sinabi niya. "Ayokong kumain, I want to sleep." Parang bata na dabog ko na ikinatawa niya.

"You're cute, ganyan din kaya si Snow kapag nagdabog?" amusement written in his eyes.

"Ewan ko sa iyo! Halika na nga at kumain kung ano-ano ang iniisip mo!" bumaba na ako sa kama and I slipped mabuti nalang maagap siya at nasalo ako.

"Very clumsy and very soft." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Very pervert," singhal ko sa kanya. "Take your hands off me, Mr. Wales kung hindi sisigaw ako!'

Imbis na mabahala, tumawa lang ito. Bakit ba naman kasi napapayag niya akong dito nalang tumira sa bahay nila? Araw-araw yata ito ang magiging kalbaryo ko. Is this my punishment for being bad? He is a very nice punishment, do you think, Liz?- singit ng isang bahagi ng utak ko. Punyemas na utak 'to, traidor!

"Shout all you want, baby, walang makakarinig sa iyo. Didn't I told that all our rooms are sound proof?'

"Whatever!" itinulak ko siya para makawala sa pagkakayakap niya. "Come on, kain na tayo." hinawakan niya ako sa kamay para pigilan sa paglalakad.

"Maghilamos ka nga muna, may muta ka pa sa mata at natuyong laway sa labi oh," nakangising sabi niya.

"Heh!" tinabig ko ang kamay niya at tumakbo papunta sa banyo, isang malutong na tawa mula sa kanya ang narinig ko bago masara ang pinto ng banyo.

Walanghiyang Kiel na yon, anong muta at laway?! Bwesit talaga! Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. Gulong-gulo ang buhok ko, shiny na ang mukha. Napahawak ang magkabilang kamay ko sa mukha ko. Shit! I saw my face turns red.

OPPOSITE POLES (COMPLETED)Where stories live. Discover now