Chapter Four

3.7K 151 29
                                    

Kiel's POV

"Sorry, but we would like our family matters to stay private.  I hope you guys understand.  Come on, baby, let's go."  hinawakan ko si Lissy sa kamay at hinila na papunta sa sasakyan na naka-park na sa may bandang harapan namin.

"Baby? Ibig sabihin ba niyan Mr. Wales ay kayo na nga ni Ms. Flores or rather Mrs. Kiel Wales na nga ba siya?" narinig kong tanong ng isang media na malapit sa akin.

Tiningnan ko ang nagtanong, pero isang matamis na ngiti lang ang sinagot ko.

"Oh my!" narining kong sabi ng iba bago ako tumabi kay Lissy sa loob ng sasakyan at sinara ang pinto.

"What the hell have you done?!" sigaw sa akin ni Lissy pagkasara ng pinto.

"What?" maang na tanong ko rito.  "Ano na naman ba isinisigaw mo?  You really have to learn not to shout at other people, baby, especially me."

"And don't call me baby, especially in public places na maraming nakakarinig!  Baka kung ano ang isipin nila!"

"So? I don't really care what they think.  Besides, malapit na rin naman tayong ikasal."

"What? I told you, hindi ako magpapakasal sa'yo.  Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko at hindi mangyayari yun kapag may asawa na ako."

Napahugot ako nang malalim na hininga sa sinabi nito.  I heard it several times already but I still hated it.  I hated that she sounded so selfish.

"Pasensyahan nalang tayo dahil ipinangako ko rin sa sarili ko na kahit kailan hindi ako magkakaanak ng bastardo.  I want all my children to have the same mother.  I want to have a complete family." nagulat ako sa pagtawa niya sa sinabi ko.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Kiel? Ikaw ba talaga yan?  You sounds absurd.  Pwede ba wag mo akong bigyan ng ganyan na rason dahil hindi sapat ang mga sinabi mo para magpakasal tayo."

"Ano ba ang gusto mong dahilan para magpakasal ka sa akin?"  seryosong tanong ko sa kanya.

"Wag ka ng umasa, dahil hindi ako magpapakasal sa'yo. Never."  irap niya sa akin.  "I will only marry in the name of love, that and that alone.  Magpapakasal lang ako sa lalaking mamahalin ko ng buong-buo at mamahalin din ako ng buong-buo." she said dreamingly.

"Now you sounds absurd.  Masyado ka nang matanda para maniwala pa sa mga ganyan.  Isa pa, pwede rin naman nating matutunan na mahalin ang isa't-isa ah.  May nagkokonek na sa atin.  Ang anak natin."

"Pwede ba Kiel, itigil na natin ang pag-uusap na 'to? Paulit-ulit nalang tayo.  Paano tayo magsasama?  Halos hindi tayo magkasundo sa kahit anong bagay. Parang magpapatayan pa nga tayo kapag magkasama sa iisang lugar."

"Buhay pa naman tayo ngayon, ilang araw na tayong magkasama." sabat ko sa mga sinasabi niya.

"Will you please listen and try to understand what I am saying?  We're not  friends, we don't even like each other.  Nagkakasira nga ang nagmamahalan na, tayo pa kaya?   Gustuhin ko man bigyan ng pamilya si Snow, pero ayoko rin siyang lumaki sa pamilya na walang pagmamahalan."

"Let's try to be friends then, maybe we can start from there."

"You never give up, do you?"

"Nope."

"Ang unfair mo.  Bakit si Andy hindi mo pinilit dati na pakasalan si Third ng malaman mong ito ang ama ni Snow?"

"Dahil alam kong hindi magiging masaya ang kapatid ko sa piling ni Third."

"Parang gan'on lang din sa akin.  Hindi ako magiging masaya sa piling mo," sabi niya habang direktang nakatingin sa mata ko.

Natigilan ako sa sinabi nito.  Hindi ko alam pero parang may bumara sa lalamunan ko.    I felt pained in my chest.  Pakiramdam ko nainsulto ako sa sinabi nito.

OPPOSITE POLES (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu