Chapter Five

3.3K 143 6
                                    

Lissy's POV

Hindi pa rin ako mapakali sa nangyaring halikan. I can see their teasing eyes looking at me at hindi ko kayang salubungin ang mga tingin nila. I better go, total maghahanap pa ako ng hotel na tutuluyan ko. Bukas nalang ako maghahanap ng apartment o condo na lilipatan. Lumapit ako sa bagong kasal para magpaalam.

Papalapit palang ako kay Andy, kita ko na ang nanunukso niyang mga ngiti. Tinaasan ko ito ng kilay na mas lalo lang nagpalapad ng ngiti nito.

"Hi sis, how was the kiss?" nanunukso ang tinig na sabi ni Andy sa akin nang makalapit na ako sa kanya.

"I need to go, maghahanap pa ako ng hotel na tutuluyan." hindi ko pinansin ang sinabi niya. Nalungkot naman ito sa sinabi ko.

"Be strong babe, mapapatawad ka rin ni Tito. For sure, nabigla lang 'yon kaya gan'on ang naging reaksyon niya kanina."

I tried to smile pero alam kong hindi abot sa mata ang ngiti na 'yon. "I will be fine babe, just enjoy the honeymoon later." biro ko sa kanya para mailayo ang usapan sa akin.

"Maghanda talaga siya mamaya, kasi sisingilin ko siya sa pananakot niya sa akin kanina." sabat ni Alec sa usapan namin saka hinawakan si Andy sa baywang at hinapit palapit dito.

"Naku lagot ka babe, good luck sa'yo," nakangisi na, na sabi ko kay Andy. "Anyway Alec, mauna na muna ako at maghahanap pa ako ng hotel na matutuluyan-"

"Anong hotel? You will stay with us, baby." sabat ni Kiel na nagpaputol sa mga sasabihin ko pa sana. Itong lalaki na ito, bigla nalang sumusulpot.

"Huwag na, nakakahiya kina Tito at Tita na makikitira pa ako sa inyo. Ngayon lang naman ako magho-hotel habang hindi pa ako nakakakita ng apartment o 'di kaya condo.

"Don't bother, sa bahay ka titira and that's final." mariing sabi nito saka lumapit kay Andy at hinalikan ito sa pisngi at tinapik si Alec sa braso. "Congrats ulit sa inyo. Hiramin ko muna itong girlfriend ko," sabi niya sabay abot ng kamay ko at hinila ako palabas.

"Dahan-dahan naman! Ano ba Kiel bitiwan mo nga ako."

"No baby, hinding-hindi kita bibitawan kahit ano ang mangyari. I will stay and that's a promise."

"What? Anong kalokohan ba yang sinasabi mo? Sabi ko bitiwan mo ako at sumasakit na paa ko sa bilis ng paglalakad mo."

"Rumarampa ka kasi."

"I am not! Just let go will you."

"Okay." binitiwan niya ang kamay ko pero saglit lang ay naramdaman ko ang pag-angat ng katawan ko.

"Kiel! Ano ba? Ibaba mo ako! Nakakahiya, ang daming tao."

"Shut up and don't move, mamaya niyan mahulog ka pa."

"D'yan naman talaga kayo magaling, ang magpahulog pero hindi nyo naman kaya saluin."

"Don't worry baby, I will catch you when you fall. Now stop wiggling and stop talking, mas nakakatawag ka lang ng pansin ng ibang tao."

"Ibaba mo na kasi ako, I can walk. Nakakahiya 'tong ginagawa mo Kiel!"

"Pretend you're asleep or drunk or whatever, just don't move and stop talking."

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya at inihilig nang maayos ang ulo ko sa dibdib niya. Wala naman akong choice eh, kahit anong protesta ko hindi naman ito makikinig sa akin. Hmmm, ang bango niya talag. Ano kaya ang gamit nitong prefume?

"We're here baby," sabi niya saka ako binaba sa tabi ng sasakyan at pinagbuksan ng pinto saka inalalayan na pumasok. Umikot ito sa kabila at pumasok na rin at naupo sa driver seat.

OPPOSITE POLES (COMPLETED)Where stories live. Discover now