Chapter Seven

3.3K 178 26
                                    

Lissy's POV


Nagulat ako sa inakto ni Kiel, kahit ang daddy nito ay napaubo rin sa biglang sinabi nito.

"Nice meeting you, Lissy." inilahad ni Matt ang kamay kaya nakipagkamay na rin ako sa kanya kahit humihigpit ang pagkakahawak ni Kiel sa braso ko.  Pasimpleng siniko ko ito sa tiyan at sinamaan ng tingin.

"I didn't know you got married, Kiel.  So, totoo iyong sa balita na nagpakasal kayo sa Amerika?"

"Actually, we're not." napatingin sa akin ang dalawang lalaki habang ramdam na ramdam ko naman ang pagbaon ng kamay ni Kiel.

"Dad, Martin, nandito pala kayo.  Tapos na ang pag-golf? At sino naman itong gwapong binata na kasama ninyo?" si Tita Fe na kakapasok lang habang kalong si Snow.

"'My, si Matt nga pala anak ni Kompadre, Matt, this is my wife, si Tita Fe mo at ito naman ang magandang apo namin, anak nina Kiel at Lissy,  si baby Snow." pakilala ni Tito Romano at kinuha ang apo saka nilaro-laro.

"Nice to meet you po, Tita Fe." magalang na sabi ni Matt.

"Excuse us," sabi ni Kiel saka nagmamadaling hinila ako papasok sa isang kwarta saka ni-lock ang pinto.

Tumingin ako sa paligid at doon ko napagtanto na sa study room nila nito ako dinala.

"What was that?" galit na tanong niya.

"What? Ikaw pa talaga ang galit? Hindi ba dapat ako ang magalit sa kasinungalingang pinagsasabi mo sa bisita ng daddy mo? Anong wife pinagsasabi mo?"

"Bakit? Dahil gusto mong makipagladian sa lalaking 'yon na halos hubaran ka na sa pagtingin sa katawan mo?"

"No, but that doesn't give you the excuse na sabihin sa kanilang asawa mo ako. That's lying!"

"Pinoprotektahan lang kita."

"Pinoprotektahan?" I said with sarcasm then something hit me.  My sarcasm became amusement. "Nagseselos ka ano?" namula ang mukha niya kaya ako natawa nang malakas. "You are jealous." sabi ko habang tumatawa.

"I am not!"

"Yes you are! Look at you, namumula ka.  Am I that gorgeous na ganyan ka talaga magselos?"

"Gorgeous? Ikaw?" nasusuyang sabi niya.  "I am just protecting my territory kaya 'wag kang assuming diyan."

"Territory pala ha," sabi ko sabay irap at lumabas ng kwarto.   'Letseng lalaki! Anong protecting my territory?! Halatang-halata na siyang nagseselos ayaw pa umamin! Bakit gustong-gusto mo naman na nagseselos siya, Lissy?'

"Of course not!"

"Hi, talking to yourself?" nagulat ako sa biglang humarang sa akin, pag-angat ng mukha ko, si Matt pala. "So, you and Kiel are not really married?"

"Why are you asking?" may kamay na biglang pumulupot sa baywang ko and I can smell Kiel manly scent kahit hindi ko na siya lingunin.

"Wala naman Kiel, naguluhan lang ako sa mga sinabi ninyo kanina.  You said you were married but she said otherwise." he was talkig to Kiel, but he was directly looking at me.

He's tall, matangkad ito ng konti kay Kiel.  Well built din ang katawan nito kita sa pagkakahapit ng polo shirt nito at napakaganda ng ngiti nito.  Every women would swoon in his smile.  At mga titig niya na parang nang-aakit.

OPPOSITE POLES (COMPLETED)Where stories live. Discover now