Chapter Twenty-two

3.1K 166 18
                                    

Kiel's POV

"Baby, hindi ka pa nakabihis?" bungad ko kay Lissy na nasa sala ng dumating ako ng bahay at mukhang nagulat pa siya sa akin.

Half-day lang ako sa opisina dahil may mga aasikasuhin kami ni Lissy para sa preparasyon ng kasal namin. After my proposal, I can't wait to do all the pre-wedding stuff with Lissy. I think I am more excited than her dahil napansin ko na nitong mga nakaraang araw ay parang lagi itong wala sa sarili. Or maybe like me, she just over thinking kaya nawawala ito sa sarili.

"Your home early, may pupuntahan ba tayo?" may halong gulat at kaba sa mga mata niya nang lapitan ako.

"May appointment tayo sa caterer, food tasting and sa cake natin. Nakalimutan mo ba? I reminded you kanina bago ako umalis."

Tila naman naalala nito ang lahat at napatampal sa noo.

"Shit! I forgot, magbibihis lang ako. As in super bilis lang." sabi niya at parang natatarantang tinalikuran ako. Inabot ko ang kamay niya at hinila ko siya palapit sa akin. Hinapit ko siya sa baywang at gamit ng isang kamay hinawakan ko ang baba niya at tinaas ang mukha para magtama ang mga mata namin.

"Are you okay? Is there anything bothering you? Parang lagi kang wala sa sarili nitong mga nakaraang araw. May problema ba? Tell me, baka magawan ko ng paraan. I don't want you to stress yourself."

Naglumikot naman ang mata nito at ayaw salubongin ang mga titig ko.

"Ahm, ah, nothing, wala naman. Maybe I am just thinking too much of the upcoming wedding kaya marami akong nakakalimutan. I'm sorry." sabi niya na nagbaba ng tingin.

Itinaas ko ulit ang mukha nito at kinintalan ito ng halik sa labi. My intention was to gave her a light kiss but I ended up kissing her fully and hungrily. Damn I missed her. Ilang oras ko pa lang itong hindi nakikita pero miss na miss ko na agad ito. Nitong mga nakaraang araw ay hindi ko rin maintindihan ang kagustuhan ko na lagi nalang nasa tabi nito. If only I can bring her to anywhere I go.

"Daddy, daddy," naputol ang halikan namin ng dahil ang munting tinig na iyon.

Nakangiti hinanap ko ang munting angel namin na nagtatatakbo palapit sa akin. I scooped her and held her in my arms.

"How's my princess? Did you miss, Daddy?" nakangiting pinugpog ko ang mukha ni Snow ng halik.

"Miss daddy, miss daddy!" matinis na sabi nito. She's almost three at mas lalo na itong nagiging hawig sa akin.

"I miss you too, princess."

"I'm Snow."

"I know baby, but you are daddy's princess."

Naiiling na ngumiti si Lissy. "Magbibihis na muna ako." sabi niya bago kami iniwan sa sala.

"Mommy, mommy." tawag ni Snow kay Lissy.

"Mommy's changing her clothes, mommy and daddy will go out."

"I go with daddy?"

"You can't, princess. Next time okay?"

"No I go daddy!"

"You can't, princess."

Umiba na ang mukha nito at lumabi hangganga sa namumuo na ang mga luha sa mga mata nito at nagpalahaw na nga ito ng iyak.

"Shhh, princess don't cry." sinubukan ko itong patahanin pero ayaw pa rin. "Okay, okay, you will come with daddy and mommy, but you have to behave, understand?" sabi ko kay Snow saka ito hinalik-halikan.

Kahit kailan talaga hindi ko kaya kapag umiyak na ang isang 'to. Malalagot na naman ako kay Lissy mamaya. I looked for her nanny, pero mukhang iniwan muna nito si Snow sa akin. Kinarga ko nalang si Snow at pumunta sa kwarto nito para bihisan at kumuha na rin ng mga gamit nitong dadalhin namin.

OPPOSITE POLES (COMPLETED)Where stories live. Discover now