Chapter Sixteen

2.8K 168 22
                                    

Kanina pa ako hindi mapakali, hinihintay si Kiel sa kwarto namin pero hindi pa rin ito umaakyat kaya naman binaba ko na ito sa study room nito.

Pinihit ko ang door knob, bumukas naman ito kaya marahan ko itong tinulak.  Pagpasok ko, nakita kong saglit itong tumingin saka ibinalik ulit ang atensyon sa mga papeles na nasa harap nito.

"Hey, baby, mauna ka na matulog, marami pa akong kailangang tapusin na trabaho."  sabi niya habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa mga papeles.

Hindi ako umimik, nakatingin lang ako sa kanya.  We need to talk now, pero kinakabahan din naman ako, hindi ko alam pero natatakot ako sa mga maaari kong malaman.

I love modeling, parte na ito ng buhay ko.  Mula pagkabata ito na ang hinangad ko.  Lahat ng sakripisyo ginawa ko para maabot kung ano man ang mga naabot ko ngayon.  It just so happen that my last contract don't allow me to have a boyfriend tapos nagpabuntis ako.  Mabuti na rin at binayaran ni Kiel, hindi sila nagdemanda ng malaman na nila kung hindi, malamang mas lalong nasira ang pangalan ko.

"Baby?"  tinig niya ang nagpabalik ng atensyon ko sa kanya, nakatingin na ito ngayon sa akin.  "Nami-miss mo na ba ako?  I'll wake you up later."  nakangiting kumindat siya sa akin.

"Can we talk? Now?"  seryosong sabi ko naman.

"Can't it wait?"

Iling lang ang naging sagot ko sa kanya.  Napabuntong hininga ito at ibinaba ang hawak na ballpen at salamin nito sa mata.

"Come here, baby."  sumandal siya sa upuan at tinapik ang mga hita niya na parang sinasabi na doon ako maupo.

Napahugot naman ako nang malalim na hininga saka dahan-dahang lumapit sa kanya at tumigil sa may gilid nito.  Humarap ito sa akin at hinila ako paupo sa kanya saka ako niyakap.

"Hmmmm, what's bothering you? Bakit mukhang natatakot ka?  May problema ba?"

"Did you talked to Nicky?" ramdam ko ang paninigas ng katawan niya na parang nagulat sa tanong ko.  Ilang saglit pa siya natahimik bago nakasagot.

"Nicky? Your manager? Nope."

"Please be honest with me, Kiel."

Napabuntong hininga siya at binitiwan ako saka napahawak ito sa sintido.

"Yeah."

"You told him I am quiting modeling?"

"Yeah."

"Bakit mo ginawa yun?"  napatayo, hindi ko na mapigilan ang inis na nararamdaman ko ngayon sa pakikialam niya sa buhay ko.

"Why? Are you planning on going back to catwalk?  Matapos kong bayaran ang kontrata mo, babalik ka pa?"  mahinahong sabi niya pero halata sa mukha na ayaw niya ang pinag-uusapan namin.

"I just need to do this, for myself.  Ayaw kong umasa nalang sa'yo."

"Kaya ko kayong buhayin kahit wala kang trabaho, Liz.  Alam na alam mo yan.  I honestly don't want you to work again, kaya when he called sinabi ko na na hindi ka na babalik.  And actually I am not sorry I did it."

"I know Kiel, alam kung kaya mo pero yun na ang buhay ko bago mo pa man ako nakilala.  It's my life Kiel, I should be the one deciding what to do with it.   Nagpapasalamat ako sa ginawa mo, pero hindi ibig sabihin nun pwede mo nang pakialam ang buhay ko.  I have sacrificed half of my life for my dream, malapit ko na maabot yun, wag mo naman sirain!"

"Your life huh? So modeling is your life? How about me? Snow?  Where do we stand in your life?  Nandito na kami sa buhay mo ngayon, don't you think it's about time to think about us than your f^cking dreams?"   inis na tumayo siya at walang salitang lumabas ng study room.

OPPOSITE POLES (COMPLETED)Where stories live. Discover now