Chapter 2: The Beginning

16.6K 353 6
                                    

CHAPTER 2


KINABUKASAN nang matapos ang flag ceremony ay paunti unting nagsisitungo ang lahat nang estudyante sa kani kanilang homeroom, patuloy pa rin na pinag-uusapan ang nangyari sa dalawang estudyante marahil ay kahapon lamang nangyari ang lahat, nakakalungkot ang paunang taon nang paaralan.


Samantala sa loob ng Grade eleven ang pang walong seksyon, maingay ang silid, samut' saring chismisan at kung ano ano pa, dahil ay kanilang guro para sa unang class subject ay wala pa.


''Classmates, please kindly keep your voices down, may nagtuturo na sa kabilang klase.'' Mahinahong pakikiusap ni Rose, ang vice president ng kanilang homeroom, imbis na ay sundin s'ya ng mga kaklase ay tila wala lang ang kanyang pakikiusap kaya naman ay napabuntong hininga na lamang s'ya at nagtitimpi sa inis.


''Please, keep your voices down.'' ani Tophyllie, panggagaya nito sa boses ng kanilang Vice president, dahilan naman iyon para madagdagan ang inis ni Rose, pinagtawanan s'ya ng ilan kaya naman ay minabuti na lamang n'ya ang umalis patungo sa banyo.


Patungo ito sa banyo kung saan may namatay na dalawang babaeng estudyante, grade twelve ang dalawang namatay at ang senior n'ya. Pinalilibutan nang bulaklak at kandila ang litrato ng dalawa na nasa gilid ng pinto.


Saglit iyong tiningnan ni Rose at napabuntong hininga kasabay ang pag iling, dumiretso s'ya sa loob hindi alintana ang nangyari.


''Ito na lang ang malapit na comfort room sa room ko, walang magagawa ang takot ko.'' banggit n'ya pagpasok sa loob, s'ya lamang ang nag iisa at tila walang gustong gamitin ang palikuran, tiningnan n'ya ang sarili sa salamin naghugas nang kamay at pumasok na sa cubicle.




''Saan naman ka'ya pupunta iyon? Baka maghahanap na ng teacher.'' pasaring ni Tophyllie kahit wala naman ang gustong paringgan.


''Have some respect Tophyllie, she's supposed to be your senior kung hindi lang napaaga ang pag aaral mo.'' matigas na banggit ni Denesis ang president naman ng kanilang seksyon.


''I hate her being so 'bida-bida' have some fun guys, don't just plant seriousness on your bodies.'' pa-logic na sagot naman ni Tophyllie na sinang ayunan ng ilan, pero hindi nagpatinag ang presidente nila.


''Nakakalungkot lang na nag aaral ka sa respetadong paaralan, even your parents are highly respected, magkaroon ka ng kahihiyan, palagi kang ganyan.'' magkaklase na ang dalawa simula pa ng kanilang highschool kaya kahit papaano ay kilala ni Denesis si Tophyllie.


''Hindi por que kaklase na kita noon pa ay kung umasta ka parang kilala mo ako, smart-ass dickhead.''


Hindi na nakapagsalita si Denesis dahil pinili na lamang nitong magpigil ng sasabihin ulit sa kaklase at dahil na rin sa pagdating ng kanilang guro upang magturo kaagad naman nitong hinanap si Rose marahil ay wala pa ang kanyang estudyante sa silid, nagtaka rin ang mga estudyante dahil matapos nitong bumati ay tila may hinahanap.


''Where is Ms. Natividad?''


Dark Secret: Enigma of AdamsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon