Chapter 9: School's book of history

6.4K 156 7
                                    

CHAPTER 9


''Class dismissed. Let me know if Huxley has arrived, for now susubukan ko s'yang ipahanap sa securities or post her to the bulletin as missing student.'' Kinuha na ni Mrs. Alonte ang mga gamit nito sa table at naglakad na palabas ng silid aralan ng 8th section. Mabilis namang nagkaingayan ang ilan sa pag alis ng guro habang ang ilan ay tahimik lamang sa kanya kanyang upuan. Tila may sari sariling mundo ang lahat.





''Hanggang ngayon wala parin si Huxley, anong oras na.'' sabi ni Rose at tiningnan ang relo sa kanyang palapulsuhan. Maya't maya ang pagsilip nito sa bintana sa labas.




''I'm afraid she might get killed.'' Sabi ni Denesis na katabi ni Rose na isang beses sumilip sa labas bago muling tingnan si Rose.




''Don't think such things, Den.'' Mahinahing sagot naman ni Rose.





Mahigit isang oras na muli ang lumipas ng makabalik sila Trina, mahigit ilang oras na din na hindi parin bumabalik si Huxley kahit na vacant time na ay wala paring bakas na parating na ito.




''Hindi ka'ya pinatay na si Huxley?'' Sabi naman ni Tophyllie na binalingan ng tingin ng ilan sa kanyang mga kaklase.






''She's suspicious earlier. Bigla s'yang umalis kanina ng hikain 'yang si Hanna.'' Gatong ni Mikko, napatingin ang lahat sakanya dahil sa sinabi n'ya.





''Wala ka rin kanina, Mikko. Saan ka naman galing?'' Pakikisali naman ni Lussane sa usapan ka'ya binalingan ito ng seryosong tingin ni Mikko.






''I followed her but I fucking lost her. Pumunta s'ya sa meeting ng mga teachers para makinig, pero tinakasan n'ya ako, see? Why's that? May rason ako, ka'ya wag n'yo ako pagbibintangan.'' Ani Mikko sa mataas at galit na boses dahilan na pagtahimik ng ilan.






''I'm gonna kill the killer once I knew who's behind all these killings. Fuck that killer! Ako dapat ang cool sa paaralan na ito at hindi s'ya!'' Dahil sa pagsigaw na iyon ni Mikko ay galit na sinipa at ibinato ni Tophyllie ang ilang upuan, nagulat naman ang ilan sa ginawa nito.






''So? Tingin mo cool ba na pumapatay? Tanga ka ba, ha?! What the fuck.'' Sigaw nito at namula ang buong mukha dahil sa malakas na pagsigaw at sa nararamdamang inis.





''You fucking nosy! Bitch!'' susugurin na sana ni Mikko si Topyhllie pero mabilis na umawat ang ibang lalaki, Pinipilit ni Topyhllie ang patatagin ang sarili at para hindi maipakitang nasindak ito sa galit at pagsigaw ni Mikko. Mabuti na lamang at mabilis itong naawat kundi ay baka kung ano na ang nagawa sa kaklase.





''Napaka short tempred mo, pre! Babae lang 'yan, 'wag mong patulan.'' Sabi naman ni Ace na umaawat kay Mikko pero hindi ito pinansin ni Mikko.





''Stop this nonsense! Ilang minuto pa lang nakakaalis si Ma'am Alonte pero parang asal hayop na kaagad sa classroom na 'to!'' Sigaw ni Rose na nakayukom ang dalawang palad. Pilit naman itong pinapakalma ni Denesis.





''Pagsabihan mo 'yang si Tophyllie!'' Sabi ni Mikko at Itinuturo nito si Tophyllie na masamang nakatingin sakanya.





''Ikaw siguro ang killer! You're supposed to get scared if you're not behind this, pero ikaw itong nagpapataas ng balahibo ko. Cool ang pagpatay? Really?'' Naiinis na sigaw ni Tophyllie na inaawat naman ng ilang kaklaseng babae.





''Parang wala na yata talagang gustong tumulong saatin, swertehan na lang talaga kung sino ang mamamatay o ang mabubuhay.'' Sabi naman ni Ashleigh sa gilid, katabi nito ang malungkot na pinsang si Madeline.






Dark Secret: Enigma of AdamsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon