Chapter 10: Invading Privacy

6.2K 155 7
                                    


CHAPTER 10

Natapos na ang klase sa lahat ng Adamsons. Kanya kanya nang tungo ang lahat sa kani kanilang dormitory, pero bago pa makapasok ang lahat ng 8th section ay nakaharang naman ang mga headmistress at headmasters sa pintuan. Bukod tanging ang seksyong walo lamang ang binisita para sa agenda.







''8th section of grade eleven, attentions! All of you ought to surrender any devices you possess. Questions regarding this won't be accommodated, you may have your devices back until further notice.'' Ani naman ng isa sa mga headmistress at nagtungo na sa mga dorms. Nakatayo lamang ang mga students sa labas ng pinto ng kanilang silid.






''But we demand answers. Why would you confiscate our phones?'' Nagtatakang tanong ni Psyche, pero hindi ito pinapansin.





''Smells fishy. Bakit kailangan nilang gawin 'to?'' Bulong naman ni Nicole habang nagtatakang nakatingin sa mga humahalughog ng kanilang silid aralan.




''May nahuli nanaman sigurong nagc-cellphone sa loob ng classroom!'' Ani naman ni Zekiel na mula sa kabilang dorm ng mga lalaki.





Pumila ang lahat para tingnan ang mga bag. May device naman upang ma-detect ang cellphones ka'ya naman ay kahit saan itago ang devices ay paniguradong makukumipiska parin, karamihan ay nagrereklamo sa nangyayari. Ang kasama ni Rose sa dormitory na sina Tophyllie, Jade, Milley, Elle at Ashleigh ay seryoso s'yang tinitingnan malapit sakanya, ramdam ni Rose ang tingin na ipinupukol sakanya pero hindi na lamang s'ya umimik.




Si Blue naman ay pumunta muna sa gilid ng pader at dahan dahang kumuha ng ballpen at papel upang magsulat, matapos ay nagtungo ito sa dormitory kung saan naglalagi si Hanna, pero imbis na si Hanna ang hanapin para ibigay ang sulat ay si Faith na ka-doormate nito ang nilapitan na kasalukuyang nasa panghuli sa linya dahil tinulak ito ni Trina para singitan s'ya.






''Faith, give this to Hanna for me. Thank you.'' Tiningnan saglit ni Hanna ang sulat at sumunod namang nginitian si Blue at mabilis iyong kinuha, umalis na si Blue at pagkaalis nito ay hinarap ni Trina si Faith at tiningnan ang sulat.






''Hand me that letter.'' Nakataas at nakabuka ang isang palad ni Trina sa harap ni Faith, ngunit nagdadalawang isip naman si Faith kung ibibigay ba o hindi dahil tinitingnan lang n'ya si Trina.




Biglang bumalik si Blue at tiningnan si Trina na biglang naging maamo ng mapansin na pabalik ulit si Blue.





''Ano 'yon, Blue?'' Tanong ni Faith.





''Naiwanan n'ya kasi sa table n'ya itong inhealer n'ya. Pakiabot narin.'' Mahinahong sabi nito at iniabot ang gamot ni Hanna kay Faith. Sumunod na si Trina sa checkpoint sa pinto at napansing hindi parin umaalis si Blue.






''Next time, ibibigay mo saakin ibang sulat.'' Pasimpleng sinabi ni Trina pero hindi ito sinagot ni Faith, bagkus ay hinanap kaagad nito si Hanna para maibigay na kaagad bago pa makuha ni Trina, mabuti na lang at nasa pintuan lang si Hanna ka'ya mabilis n'ya itong naibigay.






''Pinapaabot ni Blue, swerte mo naman, kinukuha mga phones ka'ya nagmadali pa s'ya na magsulat para sa'yo kasi hindi ka na n'ya mamemessage thru online.'' Ani ni Faith at malaki ang ngiti, habang si Hanna ay pilit na ngiti naman ang pinapakita.






''Thanks, Faith.'' Naiinis naman si Trina habang nakatingin sa malapit.






Marami pang tanong dahil sa pagtataka ang 8th section pero walang sumasagot ng kanilang mga tanong, ka'ya naman ay wala silang magawa kundi ang sundin ang pinapagawa sakanila.






Dark Secret: Enigma of AdamsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon