Chapter 3: Dark Thoughts

12.6K 246 6
                                    


CHAPTER 3


Usap usapan ang nangyari sa grade eleven ang pang walo seksyon dahil sa balita nanaman ng pagkamatay sa nabibilang sa seksyon na ito. Malungkot ang lahat at nangangamba sa pwede pang masamang mangyari ngunit ang tanging pag as ana lamang nila ay asahang hindi na mauulit pa o wala nang susunod pang biktima.


May mga bulaklak sa upuan ni Bliss Montecillio, kasama ang nakangiting litrato nito at dalawang puting kandila, patuloy pa rin ang pag lalapag ng mga bulaklak mula sa nagmamahal sa estudyanteng nasawi.


''What's with the message? ano kayang ibig sabihin n'ya,''


''I don't know either, but maybe the black masked wants to kill us one by one without leaving this school,'' napatingin ang lahat kay Huxley, unang beses itong nagsalita ito nang ganito kahaba.


''Well, it makes sense,'' ani naman ni Cleo at napapatango't napapaisip, tila hindi natatakot.


''Parang hindi ka naman natatakot, Cleo. Ikaw siguro ang pumatay kay Bliss, pati sa dalawa pang student sa cubicle.'' Mahaba ang boses ni Kris ng sabihin iyon, tinitingnan ng maigi ng binatang si Kris si Cleo.


''Dude, get your straight fact, don't accuse me, I can't do such things.'' hindi nakapagsalita si Kris sa sinabing iyon ni Cleo.


''Great! mamamatay rin ba ta'yo? Ganoon ba ang gusto mong sabihin, Huxley?'' Naiiniis na banggit ni Anj.


''Anj, kalma ka lang,'' ani Lussane sa kaibigan.


Hindi na ulit pa nagsalita si Huxley, wala na s'yang pakealam kung nag away away ang mga kaklase sa sinabi n'ya.


Si Huxley Thompson ay half American at half filipino, kilala ito bilang student weirdo o loner, dahil na rin sa emo style ng dalaga at tila palaging may sariling mundo, kahit ganoon ay matalino ito.


''Class! Go to your own seats,'' Mabilis namang sinunod nang mga estudyante ang kanilang guro.


Malungkot na dumating si Mrs. Alonte ang kanilang guro, walang gana ang lahat habang nakikinig sa tinuturo nang kanilang guro, napabuntong hininga ang guro walang magawa na nakatingin sa kanyang mga estudyante.


Nabaling ang atensyon n'ya kay Rose, nakikita n'yang desidido pa rin itong makinig sa lessons sa kabila nang nangyari.


Natapos ang isang oras na klase nito at magpapaalam na lamang para tuluyan nang umalis pero may naisip gawin ang guro.


''Ms. Natividad, go to my office, now.'' Walang pag aalinlangang tumayo si Rose at sumunod sa guro, naiwang nagtataka ang mga kaklase dahil sa pagpapaunlak ng kanilang guro sa kanilang Vice President.


Dumating na ang kanilang sumunod na guro, ngunit sa kaknilang lahat ng estudyante may isa pang mas malalim ang pagiging curious sa pag imbita ni Mrs. Alonte sa kaklaseng si Rose, kaya naman ay nag paalam ito sa guro na pupunta sa infirmary sa kadahilanang masakit aniya ang ulo pero dumiretso ito kung saan ang tungo ni Rose at nang guro.

Dark Secret: Enigma of AdamsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon