Chapter 22: What If?

4.7K 112 3
                                    



**

CHAPTER 22

MATAPOS ang sumunod na klase ang bakante na ang oras ng seksyon serenity, dahilan para umalis si Blue sa kanilang silid aralan habang may kanya kanyang ginagawa ang kanyang mga kaklase.



Nang nasa hallway na ay bigla s'yang iniiwasan ng ibang estudyante mula sa kabilang seksyon ngunit ay hindi na lamang n'ya pinansin ang mga ito dahil na rin sa kanyang pagmamadali sa kanyang pupuntahan.



Pinihit n'ya ang seradura ng faculty room kung saan ang opisina ng kanilang mga guro. Nang napansin ni Blue na walang kahit isang guro ay dahan dahan pa rin s'yang pumasok sa loob at dahan dahang isinara ang pinto.




''Totoo ba ang sinabi mo? Nanggaling ba iyan sa head?'' hindi makapaniwalang tanong ng padaang guro sa kasama nito.




''Yes, delikado talaga ang buhay ng students of serenity. According to the head there might be a student who's accomplice of this wealthy serial killer.''



Mabilis na nagtago si Blue sa malaking shelf ng marinig ang dalawang guro na nag uusap at para na rin hindi s'ya makita.




''Kung hindi naman malaking tao ang nasa likod nito ay malamang una palang natapos na ang pagpatay.''



''Shh, keep your voice down. Baka pati ta'yong nagtatrabaho lamang ay madamay.''





Natigilan si Blue at napaisip sa mga narinig. Napapikit ito at napabuntong hininga na lamang matapos ay nagtungo sa mga cabinet para maghanap. Ilang cabinet na ang kanyang nabubuksan ngunit ay tila hindi pa rin mahanap ang kanyang hinahanap.





''Nasaan na ba ang cellphone ko!'' naiinis na bulong nito. Sa huli ay tumigil na ito sa paghahanap dahil hindi talaga nito mahanap ang mga cellphone na kinumpiska sakanila na hanggang ngayon ay hindi pa rin ibinabalik sa kanila.




Inilibot nito ang paningin sa paligid hanggang sa mapukaw ng isang digital camera ang atensyon n'ya. Dali dali itong nagtungo sa cubicle ng isa sa mga guro at mabilis kinuha ang camera, binuksan n'ya ito at ng makitang full battery ay mabilis n'ya itong kinuha at dahan dahang lumabas.





Napagtagumpayan nitong makalabas sa faculty room at mabilis na bumalik sa kanilang silid aralan, seryoso ang kanyang mga ekspresyon ng pumasok, ngunit ng makita si Trina ay tila pinilit nitong magbigay ng pilit na ngiti.




''I'll reveal what you have done in no time, will make sure you'll die in agony, asking for mercy.'' Bulong nito bago pa makalapit si Trina.




''What time would you like?'' masayang tanong ni Trina nang salubungin si Blue sa pinto, na sinuklian ng huli ng isang malaking ngiti.




''After class, sa old storage room,'' sagot ni Blue at inakbayan naman si Trina na nang aakit ang mga ngiti at mata sa napupusuan.




Habang wala pang klase marahil sa oras ng lunch time ay nag-iingat itong lumisan malayo sa kanilang silid at cafeteria sa loob ng paaralan, ngunit bago pa ito tuluyang makaalis ay may biglaang umakbay sa kanya dahilan ng kaniyang pagtigil sa paglalakad.




''Blue, you have been acting weird lately, at ngayon parang may lakad ka yata mag-isa,'' Masigla ang boses ni Brylle. Tinanggal ni Blue ang braso nito sa kanyang balikat.




''Nothing, just wanted some far place to think.'' Sagot ni Blue kasabay ang pilit na ngiti sa kanyang mga labi.




Nagtaas baba naman ang mga braso ni Brylle, hudyat ng pag-sang ayon. ''Ohh, I thought you're planning to kill more, sorry for interrupting, hope you'll find peace, bro.'' anito matapos tapikin ang balikat ni Blue at mabilis na ang tumalikod sa kaklase, ngunit natigilan saglit sa paglalakad si Brylle upang lumingon muli sa gawi ni Blue tila may sasabihin. ''Anyways, Blue-'' subalit mabilis na itong nawala dahilan para mangunot ang noo ni Brylle tila nagtataka sa mabilis na pag alis nito.




''Anong pinaplano mo?'' ani Brylle sa sarili ng pabulong, malalim na nag-iisip.




***




Kasalukuyan na ngayong nasa kabilang building si Blue, tila tinatahak nito ang guard's house. Madalang din nitong nililingon ang mga CCTV cameras tila upang hindi mahagip, at malaman ng kung sino ang kanyang ginagawa.





Walang gaanong tao patungo sa kanyang tinatahak na daan dahilan para magtuloy tuloy ito sa kanyang paglalakad ngunit sa hindi inaasahan ay napansin n'ya ang isa pang CCTV Camera dahilan para mabilis itong magtago kasabay ang paparating na dalawang guardya.





Napansin n'ya ang karatulang may nakasulat na ''No student's Allowed'' dahilan para magtago s'ya sa mga ito. Nakatungo ang kanyang ulo hanggang sa madaanan s'ya ng mga ito at tuluyang makaalis.





Sa kabilang hallway na lamang nito naisipang dumaan upang maiwasang mahagip ng CCTV na kaniya namang napagtagumpayan.



Tila sinuswerte dahil nakabukas ang pintuan ng security room at sumaktong lunch time din ng mga guards. Dahan dahan itong pumasok sa loob patungo sa isang cubicle ng isang guwardya tila may hinahanap.




Binuksan nito ang cabinet at kinuha ang ilang gamit, una ang uniporme at pangalawa ay pistol silencer na ilang segundo n'yang tiningnan ang bala matapos ay mabilis nagtungo sa comfort room at mabilis na nagbihis.




Matapos nitong magbihis ay kaagad nitong itinago ang baril sa compartment ng unipormeng pang guwardya at diretsong nagtungo palabas. Mabilis lamang s'yang nakapaglalakad sa hallway dahil hindi na ito mahuhuli sa CCTV, hindi na rin nito alintana ang dalawang guwardyang nag-uusap na makakasalubong n'ya na mabilis naman n'yang nalagpasan, ngunit...


''Teka lang...''



Natigilan si Blue nang magsalita ang isa sa mga guwardya.




''Ngayon ka pa lang ba magha-hapunan, Carlo?'' tanong nito, garalgal ang boses na tila nasa 50s na ang edad.




Napalunok ang seryosong si Blue na napagkalaman at dahan dahang itinagilid ang ulo matapos ay tumango ng dalawang beses ng hindi nagsasalita.




''Mukhang masama pa ang pakiramdam mo ka'ya hindi ka pa nagsasalita, oh s'ya maghapunan ka na, enjoy!'' ani ng guwardya na natatawa, ngumiti lamang si Blue at mabilis na naglakad.




Mabilis nagtungo si Blue sa kabilang abandonadong building kung saan madalas n'yang tambayan, hindi kalayuan sa kanilang dormitoryo.




Nagtungo s'ya sa isang silid at mabilis na hinubad ang uniporme ng guwardya at ibinalik ang kanyang uniporme. Matapos ay kinuha nito ang lighter upang sindihan ang uniporme ngunit natigil ito sa kanyang gagawin ng marinig ang pamilyar na boses.




Dahan dahan n'yang tinahak ang sirang bintana kung saan malapit ang boses. Kaagad nitong inilabas ang kanyang cellphone.




''See? I told you, hindi maiiwasan ni Blue ang karisma mo,'' nakangiting banggit ni Elle kay Trina na ngayon ay malaki ang ngiti habang nakakagat sa kanyang pang-ibabang labi.




''Still kind of mad, Hanna gets to sleep with him the day she died. I have this burning feeling for Blue na obsessed with him.'' Nanlaki ang mata ni Elle at Ylona sa narinig kay Trina.


''What?!''




''They slep together? And... and how did you know?'' nakakunot noong tanong ni Ylona.




''Oh my, that's too tragic.'' Ani Elle at napasapo sa kanyang noo. Patuloy paring nakikinig si Blue sa pinag-uusapan ng tatlo nitong kaklase.



''Magsabi ka nga, Trina, did you killed, Hanna for that weird guy, Blue?'' Kunot noo paring tanong ni Ylona, sumilay ang kakaibang ngisi sa labi ni Trina.




''What if I did... killed her? Would you surrender the powerful Trina Alicia Nierras your best friend to everyone?'' Tigilan parehas si Ylona at Elle na nakatingin sa seryosong si Trina, tila hindi makagalaw ang dalawa sa nalaman.





Dark Secret: Enigma of AdamsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon