Chapter 18: Leaving the Hope Behind

2.2K 42 5
                                    


CHAPTER 18 

Nang matapos ang klase ay saka lamang nalaman ng 8th section ang nangyari sa kanilang class president na si Rose na sa ngayon naman ay kasalukuyan parin na nagpapahinga sa infirmary kasama si Denesis.




Naglalabasan na ang lahat patungo sa kanilang mga dormitory upang makapagpahinga, sinamantala naman ni Blue na makatabi si Hanna habang lumalabas at nagsisiksikan, may iniabot namang papel si Hanna kay Blue at nauna ng lumabas habang si Blue ay natigilan para buksan ang sulat, hindi alintana ang mga bumubunggo sa kanya.




Meet me, you know where. – H.




Iyon ang nakasulat sa papel, bahagya namang napangiti ito at hindi namalayan na masyadong tutok na sa liham ka'ya hindi na napansin na sinisilip ang papel, napansin lamang ni Blue si Trina ng may bumunggo dito dahilan para madikit ng husto si Trina kay Blue.




''Tinitingnan mo ba 'tong sulat?'' kunot noong tanong ni Blue.




''I wasn't, you're blocking the way.'' Sagot nito at saglit napakagat sa kanyang labi.




''She is!'' nakangising sigaw ni Tophyllie, bago tuluyang tumakbp palabas ng silid, inirapan naman ito ni Trina.




''Tigilan mo na ako, Trina. I'm sorry, but I don't like you and anything won't change that.'' Ani Blue sa kalmadong boses.





''Maniniwala ka ba sa babaeng 'yon? I've said, I am not!'' hindi makapaniwalang banggit ni Trina.




''I know a person if lying, and I've saw the potential from you.''




''Okay! Fvck you for hurting my feelings, asshole!'' sarkastikong ngumiti si Trina habang sinasabi ang mga salitang iyon, nauna naman na itong lumabas at seryoso ng nilingon si Blue na nakatayo pa rin at tinitingnan ang pag alis ni Trina na hanggang ngayon ay napakasama pa rin ng tingin sa kanya.





''Anong nangyari kay Rose?'' Tanong ni Cedie sa dumaang si Mikko.



''Malay ko, tumabi ka nga!'' sagot nito at binalingan ng tingin si Huxley na papalabas na rin para sundan, ngunit bago pa n'ya ito masundan ay nawala na ito sa paningin n'ya dahil sa pagtatanong ni Cedie.





''The fvck! Why did she leave so sudden,'' Bulong nito at patakbong lumabas.




Mula sa malayo ay nakatingin ang chief security officer ng security ng paaralan sa silid ng 8th section ang dahilan kung bakit ito napilitang umalis dahil sa kasunduan. Dala nito ang itim na bagahe na naglalaman ng kanyang mga paraphernalia para sa pagtatrabaho.





Kasalukuyan itong nakatayo sa gilid ng puno ng narra malapit sa silid ng 8th section, napapikit ito at napabuntong hininga, ilang minute lamang ay tumallikod na ito paalis patungo sa entrada ng paaralan. May dumating namang guard sa tabi nito.





''Sir, I'm security officer Gregorio, I was assigned to escort you to your residence.'' Matikas ang boses nito na at sumaludo tinanguhan lamang ni Sir Alfredo. Hindi na s'ya nag atubiling iabot ang kanyang kagamitan sa loob ng kanyang bagahe sa kadarating lamang na guard.






Sa guardhouse na kanyang dinaanan ay sumaludo ang dalawang guwardya.




''Sir!'' Hinarap ito ni Mr. Alfredo Limson at bahagyang binigyan ng ngiti sa kabila ng nangyari sa kanyang pag alis sa paaralan, lumapit naman ang isang guwardya at ibinigay ang malinis at puting papel.





Dark Secret: Enigma of AdamsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon