Chapter 17: Bloody Engraved

5.3K 123 4
                                    




CHAPTER 17

''Sino ka?!'' nanginginig ang buong katawan at nauutal ang pananalita ni Rose habang paunti unti at dahan dahang umaatras mula sa taong nakasuot ng itim na kapa. Tanging liwanag lamang mula sa ilaw ng comfort room ang nagbibigay ng liwanag ngunit bigla at tuluyan itong namatay dahilan para dumilim ang paligid.




Mabilis na tinungo ni Rose ang pintuan ngunit huli na dahil tila mag isang nagsarado ang pinto. Nanlaki ang mga mata ni Rose na nangangapa sa dilim, samantalang si Denesis naman mula sa bench hindi kalayuan ay tila naalarma sa malalakas na hampas ni Rose sa pintuan upang makalabas.





Mabilis nitong tinahak ang nakasaradong pinto at pilit iniikot ang seradura upang buksan ngunit ay naka lock na ito mula sa loob.




''Rose! Anong nangyayari?!''




''Denesis! Please, tulungan mo ako! tulungan ninyo ako!'' paulit ulit kinakalampag at isinisigaw ni Rose ang pangalan ng kaklase ngunit pagkaraan ng ilang segundo ay biglang natahimik sa loob ng comfort room, dahilan naman iyon para matigilan si Denesis at ilang beses napapailing marahil sa pinaghahalong negatibong emosyon para sa kaklaseng maaaring sumunod na biktima ng hindi kilalang killer ng kanilang paaralan o mas kilala bilang killer ng kanilang seksyon.




Sa loob naman ay nakahandusay na ang walang malay na si Rose dahil may itinurok ang naka itim na maskara sa likod ni Rose dahilan para mawalan ito ng malay.




Tuluyan na rin na nagbukas ang mga ilaw na tila planado ng kung sinong tao na ngayon ay nakadagan kay Rose, na dahan dahang hinuhubad ang pang taas nitong uniporme, hinimas nito ang braso ng estudyante kung saan may pulang tila birth mark.




''You got this from your granny, huh?'' makahulugang banggit nito sa walang malay na si Rose.




''Ang pangit ng birth mark mo. . .''





''Hayaan mo at papalitan ko.'' Matapos n'ya iyong sabihin ay kinuha n'ya ang maliit na kutsilyo at itinutok iyon sa braso ni Rose, at dahan dahang itinusok sa maputing balat nito dahilan para umagos ang saganang dugo. Naging dahilan ang matinding kirot sa pag kakagising ng diwa ng estudyante, na ngayon ay nakangiwi sa sobrang sakit at pilit sumisigaw ng malakas ngunit hindi n'ya nagawa dahil sa itinurok sa kanyang sistema na makakapagpahina ng kanyang katawan.





Inaabot nito ang buto ng balikat ni Rose dahil mas lalo nitong pinapalalim ang kutsilyo. ''Ahhh! Please, tama na, ano ba ang kasalanan ko?'' Nanlalaki ang mga mata nito marahil sa iniindang sakit, tuluyan na itong namutla dahil sa tuloy tuloy na pag agos ng dugo.




Patuloy pa rin ang ginagawang pag sira ni Denesis sa pintuan upang iligtas ang kaklase, ngunit hindi pa rin nitong napagtatagumpayan.





Pinipilit naman ni Rose makawala ngunit wala s'yang magawa kundi indahin ang kirot ng lalong pagpapalim ng kutsilyo sa kanyang braso na tila may isinusulat sa kanyang braso. Tagaktak ang kanyang pawis sa sobrang kirot, bumibilis naman ang tibok ng puso dahil din sa iniindang pagpapahirap sa kanya.




''Ahhh! Nagmamakaawa ako. . . tama na. . . ang sakit na.'' Nanghihinang pagmamakaawa nito ngunit ay tila hindi s'ya pinapakinggan at patuloy lang sa pagtusok ng kutsilyo sa kaliwang balikat n'ya ng dahan dahan ngunit marahas at mas lalong pinapalalim ang pagtusok sa kanyang laman hanggang sa masagi na nito ang buto.





''Shhh, I'm not gonna kill you, that's not cool with me.'' sagot nito gamit ang device para ma-filtered ang boses nito upang hindi makilala ka'ya naman ay walang nagawa si Rose kung hindi ang indahin ang sakit dahil tila paralisado ang kanyang katawan at hindi din n'ya makilala ang boses nito.






''Hindi lang sa paningin ko dapat kang maghirap hanggang sa mamatay.'' Bulong nito kay Rose.




Napagtagumpayan naman na ni Denesis ang pagbukas ng pinto sa tulong ng paghampas ng malaking bato sa seradura ng pinto, ngunit ang kanya na lamang naabutan ay ang nakahandusay na katawan ni Rose na tila naliligo sa sariling dugo. Hindi na rin nito iniisip ang ilang estudyanteng nakikiusyoso.





Kinakabahan at nag aalalang nilapitan ni Denesis si Rose at mabilis na kinapa ang pulso nito, laking ginhawa n'ya ng makapa ang pulso nito ngunit mahina.





''Please! Call a medic!'' sigaw n'ya sa mga nakikiusyosong mga estudyante habang tinatanggal ang uniporme at pinunit sa gitna para itali sa patuloy na nag durugong balikat ni Rose.





''Rose, please! Wake up.'' Marahan n'yang sinasampal ang kaklase habang nanginginig ang mga kamay at pawang nilalakasan ang loob.





Kalaunan ay dumating ang medic mula sa paaralan at mabilis na tiningnan ang lagay ni Rose na hanggang ngayon ay wala paring malay, ang isa sa mga medic team ay bahagya munang pinaatras ang nag aalalang si Denesis na tila namumugtong ang mga matang nakatingin kay Rose.




Nang makaatras ay kaagad n'yang binalingan ang tingin ang kisame dahil nakuha nito ang atensyon ng estudyante na ngayon ay kanyang pinaghihinalaang pinanggalingan at nilabasan ng maaaring 'killer' ng kanilang paaralan. Tinungo n'ya ito ngunit wala s'yang natagpuang bakas o ano na maaaring naiwan nito bago tuluyang umalis.





Samantala naman sa loob ng silid ng 8th section ay hindi pa rin nagbabago ang mood ng mga estudyante magmula ng dumarami ang namamatay ay tila nagiging malungkot at tahimik na ang silid, at hanggang ngayon ay wala pa rin silang balita sa kung anong nangyari kay Rose na kasalukuyan ng nasa infirmary nagpapahinga at nagpapagaling kasama si Denesis.





''Riiiiing! Riiiiing! Riiiiing!''




Ang pagtunog ng bell ay ang hudyat ng muling pagsisimula ng lahat ng klase sa lahat ng antas, ngunit hindi iyon alintana ni Denesis na ngayon ay nasa tabi na ni Rose na nagsisimula ng imulat ang mata makalipas ang isang oras sa loob ng kanyang recovery time.





''Rose, are you awake? How's your feeling?'' Nag aalala ngunit ay pilit pinapakalma ni Denesis ang kanyang boses upang hindi maantala ang pagpapahinga at pag papagaling nito.





Napangiwi ang namumutlang si Rose ng bahagya itong gumalaw sa kinahihigaan at tuluyang dahan dahang umupo iniinda pa rin ang sugat sa kanyang kaliwang balikat na ngayon ay may makapal na benda.




''Buhay pa ako?! oh God, akala ko mamamatay na ako.'' mariing napapikit si Rose at inihilamos ang kabilang palad sa kanyang mukha, hindi nito napigilan ang mahihinang hikbi.




''Ano ba ang nangyari, Rose? Kumusta na pakiramdam mo?'' sabay sabay na tanong ni Denesis na hindi naman kaagad nasagot dahil ilang segundong mariing napapapikit si Rose at tinatakpan ang mukha ng palad.





''Sobrang lapit n'ya sa akin, dinaganan n'ya ako saka sinira ang uniform ko. . . then it engraved something on my left arm, it hurts so bad. . .Hindi ko alam kung sino s'ya, wala manlang akong nakuhang ebidensya kung sino s'ya.'' Nauutal na sagot ni Rose habang mahina paring napahihikbi, dahan dahang mas lumapit si Denesis at dahan dahan din namang inilalapat ang palad sa likod ni Rose upang pakalmahin ito ngunit bago pa n'ya ito malapitan ay nanlalaki ang mga mata ni Rose at bahagyang napaatras.




Nagulat si Denesis sa ikinilos nito ngunit kalaunan ay napagtanto kung bakit ganoon ang naging reaksyon nito.




''Don't hurt me please.'' Aniya umiiling, punong puno ng takot ang kanyang mga mata. Natigilan si Denesis at bahagyang umaatras para lumayo sa natraumang kaklase.




''I won't harm you, Rose, ako ito si Denesis.'' Malambing na saad nito dahilan para kumalma si Rose paunti unti, ngunit ay hindi na s'ya nagtangka pa na lapitan ito.



''I know it traumatized you, sorry. . . hindi kita natulungan kaagad.'' Kumuyom ang kamao ni Denesis at nagtangis ang mga bagang habang nakatingin kay Rose.



Dark Secret: Enigma of AdamsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon