Chapter 21: In The Name of Love

4.8K 126 3
                                    



CHAPTER 21

''Another student from the Grade 11 section Serenity has died.'' Ito ang unang bumungad sa mga estudyante sa bulletin board sa hallway malapit sa silid ng nasabing seksyon. Bagama't tatlong araw na magmula ng namatay si Hanna ay sariwa pa rin ang pangyayari at wala pa ring nagbubura ng balita sa nangyari sa bagong biktima.


''Paniguradong uunti ang enrollees sa susunod na taon.'' Malungkot na sabi ng guro, matapos nitong makita ang nakasaad sa bulletin board na pinagtitinginan at pinag-uusapan pa rin ng mga estudyante.


''Only if this school will still operate next school year, from what's horrifying happening right now, I don't think so.'' Sagot nito sa tabi ng kanyang kapwa guro habang tinatahak nila ang silid patungo sa Grade 9.


''I was kind of contemplating. Only specific section seems to get killed one by one.''


''That's what you called blessing in disguise.''




Samantala sa loob ng silid ng Serenity – 11. Kasalukuyan pa rin ang seryosong pagkatulala ni Blue tila may malalim na iniisip ngunit kalmadong nakaupo sa kanyang arranged seat. Madalang nitong tingnan ang upuan ni Hanna na may puting mga rosas at dalawang kandila hudyat ng pagkawala nito.



Napabuntong hininga na lamang ito at inilihis ang kanyang tingin ng saktong magtama ang mga mata nila ni Trina na kapapasok lamang sa silid.



Seryoso at madilim ang ekspresyon ni Blue habang nakatingin sa kaklase, habang si Trina naman ay bahagyang ngumisi, dahilan para mangunot ang noo ni Blue na tila nagtataka sa ngiting ipinapakita nito bago ipinagpatuloy ang paglalakad patungo sa kanyang upuan.



''I heard you're with Hanna when she died.'' Nabaling na ang atensyon ni Blue kay Sebastian nang magtanong ito. Walang emosyon ang mga mat anito, tila blangko magmula ng mamatay ang kanyang kasintahang si Hanna, tila ito ang kanyang pamamaraan sa pagluluksa sa pagkawala nito.



''Yeah.'' Nagkatinginan naman si Ace at Sebastian na nasa tabi ni Blue, interesado sa anumang sasabihin nito.



''Mind to share what have happened?'' Tanong ni Sebastian, ngunit walang tugon galing kay Blue na nakababa ang tingin sa kanyang ballpen na kanyang pinaglalaruan.



''Huwag mo na pilitin, hindi nga n'ya sinasabi nung araw na namatay si Hanna.'' Bulong ni Ace kay Sebastian matapos nitong magtanong.



Hindi naman sumagot si Blue kaagad. ''Trina's there too.'' Iyon lamang ang seryosong naging sagot n'ya makalipas ang ilang minuto.



''She didn't help, she chose to ditch us.... leaving Hanna dying.'' Aniya habang nanlilisik ang mga matang nakatingin ulit kay Trina. Sumunod namang sabay na nabaling ang tingin ni Sebastian at Ace kay Trina.




''Maybe, Trina killed her, o ang masaklap pa ay baka s'ya ang killer ng section na ito.'' Gatong ni Brylle sa usapan ng tatlo, matapos ay makahulugang pinakatitigan si Trina.



''Siguro dapat kausapin mo s'ya, you know for closure.'' Nag aalangang suhestyon ni Ace.



Patungo sa kanilang kinauupuan si Lussanne habang malaki itong nakangiti. ''Hi, boys. Hi Ace!'' paunang pag-bati nito at binalingan na ng tingin si Ace, napangiti naman ito at si Sebastian, habang tipid na ngumiti lamang si Blue na tila wala pa rin sa mood.



''Still first name basis, eh?'' Nakangising banggit ni Sebastian. Tumayo naman si Ace at tinabihan si Lussanne na malaki pa rin ang pagkakangiti.



''Maybe we two should talk what would be our endearments.'' Aniya sa matamis na pananalita. 


''Yeah, right go away now, lovers.'' Ani Sebastian at tuluyan nang umalis ang dalawa patungo sa ibang upuan na silang dalawa lamang ang mag uusap.



''Bro-'' Magsasalita na sana si Sebastian upang ipagpatuloy ang pakikipag-usap kay Blue nang tumayo ito nang walang pasintabi at diretsong nagtungo sa kung nasaan si Trina kasama si Ylona. Napakamot na lamang si Sebastian sa ulo nito at napailing.


''November's first coming, yet the horror up to this day happening.'' Ani Ylona na narinig naman ni Blue, matapos iyon sabihin ni Ylona ay napansin na nito ang paglapit ni Blue sa kanilang kinatatayuan.




Nagulat si Ylona at Trina nang makita ang mga ngiti ni Blue na diretso ang tingin kay Trina, dahilan para pilit pakalmahin ng dalaga ang kanyang ngiti sa pamamagitan ng pagpipigil ng ngiti.




''Can we talk, Trina?" malambing at malalim ang boses ni Blue ng sabihin iyon.


Nagkatinginan si Ylona at Trina. Umalis naman si Ylona at naiwan ang dalawa sa isang sulok.




Hindi kaagad nakapagsalita si Blue, at tila hindi rin makatingin ng diretso kay Trina.


''Blue? Are you alright?''



Napabalik sa wisyo ang saglit na natulalang si Blue at binigyan ng ngiti ang kaklase.


''Yeah, what just have happened still confuses me.'' ani Blue at tiningnan sa mga mata si Trina.



''I'm sorry for what happened to Hanna.'' Bahagyang nangunot ang noo ni Blue sa pagbanggit nito sa pangalan ni Hanna.


''That's fine,'' nanlaki ang mga mat ani Trina ng sabihin iyon ni Blue.


''Really? I mean how? You're head over heels with her-''

''Shh, I'm not. Actually, you're the girl I lo- like.'' Biglang sumibol ang ngiti at pamumula sa mga pisngi ni Trina.


''If you're down for me, maybe a storage room will do?'' ani Blue matapos ay kumindat, napakagat labi naman si Trina.


''You're really this wild huh, okay. See you later.'' Ani Trina at hinimas ang matipunong dibdib ni Blue, matapos ay umalis upang bumalik sa upuan dahil dumating na ang kanilang guro.




''Got you, killer.'' Bulong ni Blue, nawala ang ngiti sa kanyang mga labi, muling bumalik ang galit at poot sa kanyang mga mata.



Dark Secret: Enigma of AdamsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon