Chapter 12: Poisonous Night 1.2

5.5K 148 3
                                    




CHAPTER 12

Bago pa makatakbo si Jade upang makatakas sa pana ay sumaktong sa dibdib ito tinamaan, nagtilian ang mga nakakita at ang ilan ay gusto s'yang tulungan ngunit hindi nila nagawa. Nakakatabo pa si Jade at naluluha habang iniinda ang sakit ng pana, sinubukan nitong hatakin ang pana na napagtagumpayan naman n'ya ngunit ilang segundo lang ay tuluyan itong nanghina at bumagsak ang katawan sa sahig.




Tinulungan ito ni Rose at Elle at dinala sa tagong parte upang hindi mahuli ng kung sinong namamana.




''Jade, open your eyes please.'' Nag-aalalang sinabi ni Rose habang mahihinang sinasampal ito sa pisngi, habang si Elle naman ay hawak hawak ito sa kamay. Nanlalabo na ang mga paningin ni Jade at pumipikit na ang mga mata.



''Nahihilo ako, Rose.'' Ani ni Jade at tila nasusuka pa hanggang sa tuluyan na itong sumuka at namamantal na ng pula paunti unti ang katawan nito.



Mabilis kinuha ni Elle ang pana at tiningnan ang patulis nito. ''It could be poisoning, kagaya sa nangyari kay Ion, parehas sila ng sintomas.'' Nag-aalalang sinabi ni Elle.



''Paano mo nasabi, Elle?'' nag aalalang tanong ni Rose at tila nininerbyos.



''As far as I remembered, arsenic is colorless but you can see its thick consistency, bright silver-grey and brittle, sinabi rin ni Huxley na possible arsenic poisoning ang nangyari kay Ion.'' Sagot ni Elle at ipinakita kay Rose ang dulo ng pana.




''Odorless ito ka'ya hindi mo kaagad maaamoy o mapapansin, high amount could kill anyone in a minute.''



''Dalhin na natin si Jade sa clinic, baka lalong lumala condition n'ya.'' Sumang-ayon si Elle at sinubukan ito ang nahihirapang si Jade, ngunit bago pa ito makatayo ay tuluyan ng bumagsak ang katawan nito, tuloy tuloy ang pag agos ng dugo sa sugat ni Jade ka'ya naman tuluyan pa itong nanghina.



Ang iba naman ay nagsisitakbuhan na paalis pero sila Rose ay nagtatago parin sa gilid, ngunit si Huxley ay hinanap kung nasaan ang namamana, ng makita n'ya itong nakatayo sa gilid ng puno malapit sa building ay kaagad n'ya itong hinabol ka'ya naman ang naka black cloak ay mabilis na tumakbo hawak parin ang archer at bow dahil napansin nitong nakatingin si Huxley sakanya at nagsimula itong tumakbo patungo sa kinatatayuan nito.



Nakarating ang naghahabulang sila Huxley at naka cloak at naka maskarang itim sa hallway ng college department, unti unti namang namamatay ang mga ilaw ka'ya hindi na masyadong nakita pa ni Huxley ang hinahabol, may kaunting liwanag mula sa buwan ngunit hindi ito sapat para makakita ng maayos si Huxley, kahit ganoon ay nagpatuloy pa rin ito sa pagtakbo at inaalala kung saan tumakbo ang nakaitim.



Tatakbo na sana si Huxley patungo sa right hallway dahil narinig n'ya ang mga hakbang mula doon ng may bumusal na kamay sa bibig n'ya at hinatak s'ya papunta sa pinaka gilid ng poste upang magtago.



''Fvck, Mikko!'' naiinis na sinabi ni Huxley ng makawala sa hawak ni Mikko pero mabilis n'ya itong hinawakan sa bewang nito dahilan para hindi makapalag si Huxley.




''How did you know I'm Mikko? Hindi nga ako nagsasalita kanina.'' mahinang sinabi ni Mikko at hindi parin hinahayaang makawala si Huxley.




''Your fvcking smell.'' Naiinis na sagot ni Huxley.



''So? You remembered my smell when I get closer to you, huh?'' mapang asar na bulong ni Mikko, naramdaman n'yang sisikuhin na s'ya ni Huxley ka'ya mabilis nitong hinuli ang siko ni Huxley.


''Let go or I'll make your whole body crippled?'' banta ni Huxley, pero hindi nagpatinag si Mikko.



''Shh . . . may shotgun 'yung killer.'' Mahinang sinabi ni Mikko at tila naiinis ang boses dahil sa pilit na kumakawalang si Huxley, hindi na nito nagawa pa ang pwersahang makawala sa mahigpit na yakap ni Mikko sakanya dahil sa nalamang armado ang hinahabol n'ya at delikado kung pupuntahan pa n'ya ito.




Napagdesisyunan na ng dalawa ang umalis ngunit sunod sunod na bumukas ang ilaw, nakita nila ang bulto ng naka black masked sampung hakbang mula sa kanilang kinatatayuan, napamura ang dalawa ng palihim dahil ng tumagilid ito ay nakita nila ang hawak nito.



''Mossberg 500.'' Mahinang bulong ni Huxley ka'ya binalingan ito ng tingin ng namamanghang si Mikko dahil sinabi ni Huxley ang pangalan ng shotgun na gamit ng killer ngayon.




''How the hell did you know? Are you playing crossfires? or into it?'' Nakangising tanong ni Mikko, ngunit inirapan lamang ito ni Huxley at dahan dahang umalis ng tumalikod muli sa gawi nila ang killer, sumunod naman si Mikko paalis.




Hindi pa sila nakalalayo sa killer ng bumagsak ang mop sa gilid ng pinto dahilan para bumaling ang armadong killer sa gawi ng magkaklaseng si Mikko at Huxley, nanlaki ang kanilang mga mata at mabilis na tumakbo sa kaliwa na sinundan ng killer.



''Tang!nang mop 'yan!'' naiinis na sinabi ni Mikko.



Naghahabulan sila sa hallway ng dumating si Cleo sa pinakadulo at duon balak magtungo ng dalawa, papunta narin ang killer kung saan sila tumatakbo. ''Go away, Cleo!'' sigaw ni Mikko at nagtatakang mukha ni Cleo ang nakita nila bago ito tuluyang nabaril ng killer, hindi ito nakaaiwas sa bala hindi kagaya ni Mikko at Huxley na mabilis nagtungo sa kabilang hallway para hindi matamaan.



Ilang beses napamura ang dalawa sa pagtalsik ni Cleo ngunit hindi nila ito malapitan sa kadahilanang mamamatay silang dalawa.



May silencer ang shotgun ka'ya naman ay hindi naging maingay ang pagputok nito.



Natigilan ang killer kung saan kanina nakatayo si Cleo at tiningnan ang wala ng buhay na bangkay nito, tiningnan din nito ang gawi kung saan tumakas ang dalawa na wala na sa paningin n'ya dahil tuluyan ng nakatakas.



Nadatnan ni Mikko at Huxley na wala ng katao tao sa hallway ng dorm ng pumunta sila d'on ka'ya minabuti na nitong umalis para hanapin ang mga kaklase.



''Shit, that was so close. I thought we're gonna die but Cleo did.'' Ani Mikko ngunit ay hindi nagsasalita si Huxley na nakatingin lamang sa kung saan at tila nagmamanman.



Samantala naman ay dinala nila Rose at Elle si Jade sa infirmary ngunit ay binawian na'rin ito ng buhay bago pa mabigyan ng paunang lunas habang sa kabilang kama nakalagay ang bangkay ni Ion.


''Bakit? Hindi ko maintindihan bakit nangyayari 'to.'' ani Rose at ilang beses napahilamos, hindi ito makapaniwala at paminsan minsan ay natutulala, nilingon nito ang wala ng buhay na si Jade sa puting kama.



''Hindi ko din alam, bakit ta'yo? Bakit parang ta'yo lang.'' ani naman ni Elle nakapamewang at pabalik balik itong naglalakad sa gilid ng kama, namumugto ang mga mata.


Hindi mapigilang maging emosyonal ni Elle at Rose habang tinitingnan ang bangkay ng dalawang kaklase na pinaghihinalaang nilason, habang ang mga nurse naman ay nakatayo sa gilid at pawang mga nagluluksa sa sinapit ng dalawang estudyante na nasawi ngayong gabi.

Dark Secret: Enigma of AdamsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon