Chapter 14: 8th Section are Banned

3.6K 105 0
                                    


Comments and votes are highly appreciated! Thank you.

****

CHAPTER 14


''The club organizations we're about to open to this day. Mamaya maya lamang ay tatanggap na ang bawat leaders ng clubs sa kahit anong antas ng baitang at inaasahan kong marami sainyo ang gustong sumali.'' Anunsyo ni Ma'am Alonte nang patapos na ang pagtuturo nito ng lesson. Wala naman ang nagsalita at tahimik lamang ang lahat.





Tila hindi na kasing ingay ng dati ang silid ng 8th section marahil sa kanilang pinagdadaanan.





''After lunchtime ay bibigyan ko ka'yo ng oras at papayagang lumabas para magtungo sa mga nainis o sa interesado ka'yong salihan. There are variety of clubs anywhere inside this school for you to have fun as well, to grow and of course to learn new things.'' Malumanay ngunit taas noong dagdag ng guro sakanyang sinasabi, wala paring nagsasalita o magtangkang magtanong ka'ya naman ay napabuntong hininga ito marahil sa lungkot at mababang enerhiya ng kanyang mga estudyante.





''Any questions?'' aniya at dahan dahang naglakad upang magtungo sa nagsisilbing aisle ng silid, napagigitnaan ng upuan ang nilalakaran ng kanilang guro, nakalagay ang dalawang palad sa bulsa ng kanyang unipormeng pang guro.





''Totoo po ba na ang former principal ay gumawa ng unlawful business practices? Kung totoo man po ano ang mga iyon?'' nabaling ang tingin ng guro kay Nicole at napangiti ng hilaw, wala naman ng umimik matapos magtanong ni Nicole.





''What if I tell you, Ms. Aurelio? Will you make an article out of it and then pass the manuscript for approval? I heard you're one of the journalists.'' Nakangiti paring sinabi ni Ms. Alonte, seryosong umiling naman si Nicole.





''Hindi po, Ma'am. Tinanggal na po ako as officer, I wasn't attending lately reason why,'' malungkot na saad ni Nicole, naningkit naman ang mga mata ng guro dahil sa sinabi nito dahil sa malungkot na balita.





''Kailangan namin ng sagot, Ma'am Alonte. Hanggang kailan pa po ba may mamamatay? Akala ko ba may tutulong saamin?'' mabilis namang tanong naman ni Renzo.





''I'm afraid, I can't answer your questions regarding that issue yet.'' Malungkot na pagpapaliwanag ng kanilang guro at lumakad na patungo sa harapan upang ayusin ang kanyang mga gamit para umalis dahil tapos na ang kanilang klase. ''Hindi ka'ya ay kasabwat ka sa patayang nagaganap, Ma'am Alonte?'' seryosong wika naman ni Enricko dahilan para masama itong tingnan ng kanilang guro.





''Mr. Clifford! Mag-iingat ka sa iyong mga tinatanong, wala akong kinalaman sa patayang nangyayari. I'll never be involved to such things.'' Mariing tungon naman ng guro at pinagpatuloy ang pag aayos ng kanyang mga gamit. Wala na ulit ang gustong magsalita o magtanong. 





''I am deeply dissapointed for what you have said Mr. Clifford, that was a serious accusation! This serves as your first offense and if you would like to add your offenses, you will spend your whole day at the detention room.'' aniya at seryosong binalingan ng tingin si Enricko sumunod naman ay naiinis nitong ginala ang tingin sa lahat ng estudyante.





''Wala na sana ang balak tularan si Mr. Clifford dahil maaring mas malala ang parusang ipapataw ko. . . Class dismissed.'' Ani ng kanilang guro at taas noong nagtungo na paalis ng silid.




Matapos ang mga klase ay nagtungo na ang mga estudyante upang sumali sa iba't ibang klase ng clubs kung saan sila maaring sumali ayon sa kanilang interest. Ang ilan ay walang balak na lumabas at nanatili na lamang sa kanilang silid aralan hanggang sa matapos ang kanilang vacant time.





Dark Secret: Enigma of AdamsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon