Chapter 16: Arnaqueuse et Manipulatrice

4.9K 120 3
                                    

Votes and comments are highly appreciated! Thank you.

***

CHAPTER 16

Tila hindi namamalayan ni Rose na may sumusunod sakanya ka'ya naman ay nagpatuloy lamang ito sa kanyang paglalakad patungo sa patutunguhan nito na siyang ipinagtataka ng huli. Tinatahak nito ang daan patungo sa ICT room kung saan nakalagi ang mga computers at iba't iba pang mahahalagang bagay patungkol sa pag aaral.




Nasa hallway na si Rose malapit sa kanyang patutunguhan ng matigilan ito ka'ya naman ay natigilan din si Denesis at mabilis na nagtango sa poste, ilang segundong pinakatitigan ni Rose ang hallway sa kanyang gawing likod. Bahagya pa itong nagulat ng may kumpol ng estudyante ang dumaan sa kung saan nagtatago si Denesis na ngayon ay pinagtitinginan ng ilang kababaihang estudyante bago umalis. Napansin ito ni Rose ka'ya naman ay dahan dahan s'yang naglakad sa poste kung saan tila may tinitingnan ang mga dumaang estudyante. Wala s'yang nadatnan ng sandaling usisain n'ya ang likod ng poste.




Naglakad na muli ito.



Mabilis nagtago si Denesis sa isa pang hugis kahon na poste dahilan upang hindi s'ya mahuli ng kanyang sinusundan.




Nagtungo si Rose sa entrance at ini-scan ang ICT access card upang makagamit ng isa sa mga bakanteng computer. Ganoon din ang ginawa ni Denesis na nakasunod pa rin sa likod ni Rose apat o limang hakbang ang layo upang hindi nito malaman na sinusundan n'ya ito.




''Damn, she might hold grudge against mine for following her.'' Ani Denesis sa sarili at tila walang balak na ipaalam kay Rose na sinusundan n'ya ito ka'ya naman ay umupo na lamang s'ya sa kabilang computer table upang hindi ito mahalata ng huli.



Kaunti lamang ang mga estudyante na gumagamit ng computer na may kanya kanyang ginagawa.


''I knew you're following me, Denesis.'' Mahinang banggit ni Rose dahilan para saglit matauhan si Denesis at matulala sa monitor kung saan nagrereflect ang pigura ni Rose na nakatingin sakanya.



''Hindi ko namalayan, nakatayo ka na pala sa likod ko.'' Nauutal at mahinang sinabi ni Denesis, seryoso ang mukha ni Rose ng kanya itong nilingon ngunit bandang huli ay nagkibit balikat na lamang at bumalik sa kanyang inuupuan.




Dahan dahang tumayo si Denesis at kumuha ng bakanteng upuan para itabi sa inuupuan ng kaklase.


''I would not mind if you ask me.'' Seryosong sinabi ni Rose habang diretso pa rin ang tingin.



''I'm sorry for following you, I was so curious where you're going to and why.''



''Hahanap ako ng impormasyon tungkol sa dating principal ng school na ito.'' Ani Rose na kasalukuyan ng nagtitipa sa keyboard.


''I don't have much info regarding my grandmother.'' Saglit na nilingon ng dalawa ang isa't isa sumunod ay ibinalik na ulit nila ang paningin sa monitor.




Antonia Mariz Felipe Natividad – ito ang itinipa ni Rose, matapos ang ilang segundong loading ay tumambad ang formal na litrato nito. Mapapansin ang seryosong mga mata, bahagyang nakataas ang kaliwang kilay at may pilit na ngiti.


''You're really are spitting image of your grandmother.'' Banggit ni Denesis matapos pakatitigan saglit ang imahe nito at tumingin kay Rose na seryosong nag iiscroll down para tingnan ang mga articles tungkol dito.



''She wasn't dead.''


''Yeah, there's no indicating she's dead.'' Ani Rose sa sinabi ni Denesis.



Tutok na tutok ang dalawa sa screen sa pagkakalap ng impormasyon at may isa namang dalawang artikulo ang pumukaw ng kanilang atensyon na kanilang binasa ang nilalaman.




Soledad Natividad allegedly illegitimate daughter of Don Antonio Natividad died. – 1999 ''Year of 1998 Soledad Natividad became the talk of the town when the news about her being the illegitimate daughter of Don Antonio Natividad, (the prominent businessman in the province of Cagayan) came to light due to death cause suffocation of the sudden fire on 17th of February, 1999.''


Secret business enterprises of Antonia Mariz F. Natividad accused of bad practices including corruptions and bribery inside her established school. – 2005 ''The former principal Antonia Mariz F. Natividad her established school in the year of 1999 and was then on sold in the year of 2006 and was reported that the land of the school is sold illegally to a spanish-french businessman Hugo Toussaint.

''C'est une arnaqueuse et manipulatrice. (She's a scammer and manipulative)'' says Mr. Hugo Toussaint to former principal Antonia Mariz F. Natividad.

Year after the land issues were resolve and is currently owned by Dr. William Ruiz and is also the current principal of Adamson Colleges Boarding school.




''I never thought of looking for this kind of articles for my grandmother.'' Malungkot na saad ni Rose habang kinakagat ang labi tila pinipigilan ang pag iyak.




''Isn't it even credible or true? Maybe it was only false claim.''



''Thanks for your concern, Denesis. Pero totoo ang article na ito, it has valid and credible sources to verify it.'' Napayuko si Rose habang hawak ang kanyang magkabilaang ulo dahilan para himasin ni Denesis ang kanyang likod upang pakalmahin ito.




Dahan dahan namang itinaas ni Rose ang kanyang ulo at namumugtong itinuon ang tingin kay Denesis matapos nitong hawakan ng mahigpit ang dalawang palad ng kanyang kaklase. ''Please, tulungan mo akong hanapin ang katotohanan. Gusto kong malaman kung talaga ba na may kinalaman ang lola ko sa patayang nangyayari.''



Ilang segundong natahimik si Denesis. ''Oo, Rose. Tutulungan kita.'' Aniya at pinunasan ang pisngi nito dahil sa luhang patuloy na umaagos.



Nang matapos ang dalawa sa paghahanap sa impormasyon ay umalis na ang mga ito sa ICT room upang magtungo sa kanilang silid aralan. Ilang minute na lamang at matatapos na ang kanilang vacant time.



''Den, gusto ko munang pumunta sa comfort room.''



''Alright.''


Nang makarating ang dalawa sa banyo ay nagtungo si Denesis sa school bench upang hintayin ang kaklaseng si Rose, hindi kalayuan sa comfort room.




Samantala naman sa loob ng comfort room, nagtungo muna si Rose sa salamin at saglit na tiningnan ang sarili, inaayos pa nito ang kanyang buhok at tila iginigilid ang ilang hiblang nakalihis sa kanyang pisngi.




Habang tinitingnan ang sarili sa salamin ay napansin n'ya ang napakaraming bandalismo sa pinto kung saan may namatay na dalawang babaeng estudyante at ang ilan naman ay sa dingding. Tinalikuran n'ya ang salamin upang basahin ang mga nakasulat.




8th section – cursed

Two poor girls died

8th section students deserved to die!!

Go to hell, psyche!!

rose Natividad as new beginnings after her grandmother!

NO MORE SERENITY!!!



Ilan lamang ito sa mga hate speech graffiti na ginawa ng ilang mga estudyante.



Habang binabasa ang mga nasa dingding ay hindi namamalayan ni Rose ang dahan dahang pagbukas ng pinto sa pinaka dulong cubicle. Nang tuluyan ng bumukas ang pinto ay saka lamang n'ya napansin na nakabukas na pala ito.



Napansin n'ya ang tila itim na tela sa ibaba ng pinto dahilan para matigilan si Rose at panlakihan ng mga mata.


Dahan dahan itong napapaatras at nanginginig na ang katawan sa takot.

Dark Secret: Enigma of AdamsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon