Chapter 11: Poisonous Night 1.1

6K 138 3
                                    




CHAPTER 11

Nagsilabasan ang lahat ng babae sa dormitory ng 8th section dahil sa malakas na sigaw at tilian galing sa isang silid. Wala namang kamalay malay ang ibang estudyante marahil may kalayuan na ang ilan. Magkakasama ang babae ng kada seksyon sa limang dormitory, ganoon rin naman sa mga lalaking estudyante.


Nagtungo sina Rose sa pangalawang dormitory kung saan namamalagi sina, Ion, Lussane Kaye, Ylona, Psyche at Huxley.


Nadatnan na lamang nilang namimilipit sa sakit si Ion, nakahawak ito sa tiyan habang umiind, walang tigil ang pagsusuka nito, namumula rin at namamantal ang buong katawan nito.


''Nahihirapan ako, ugh. Please help me!'' nahihirapang sinabi ni Ion, nagsusuka parin ito at lalong lumalalala ang pamamantal ng katawan, pinalibutan ito ng mga nakikiusyosong mga kaklase samantalang ang iba ay nanatili na lamang sa labas.


''Anong nangyayari?'' Samut'saring bulungan at katanungan ang nananaig sa nangyayari, si Lussane naman ay mabilis na nagtungo sa gilid ng bintana kung saan nakadikit sa pader ang intercom para tumawag sa school-nurse na may sarili namang dormitoryo sa loob ng paaralan.



Tinagal ng limang minuto bago sumagot ang school-nurse kay Lussane na ngayon ay hindi mapakali at paulit ulit sinusuklay ang buhok dahil sa halo halong negatibong emosyon.



''Yes, hello? What's the emergency-'' Hindi na natapos ng nurse ang sasabihin dahil mabilis na nagsalita si Lussane.



''There's something wrong with my classmate, please! Come here quick!'' natatarantang sinabi ni Lussane.




''Okay, we'll get there as much as possible. I know you're scared but you have to calm down, panic won't do good. I want you to inhale and exhale.'' Kalmadong sinabi ng babaeng nurse na nagpakalma naman kahit papaano kay Lussane.


''It could be symptoms of arsenic poisoning.'' Sabi ni Huxley matapos obserbahan si Ion. Natigilan ang ilan at napatingin kay Huxley na seryosong nakatingin sa nahihirapan parin na si Ion.





''She badly needs help! Baka hindi na s'ya magtagal kung matatagalan pang malunasan s'ya.'' Sigaw ni Psyche habang hinahawakan ang leeg ni Ion upang alalayan ito.



''I'm afraid she won't last.'' Sabi naman ni Faith at bahagyang inayos ang salamin habang malungkot na inilihis ang tingin sa nahihirapang kaklase.



Apat na minuto at dumating na ang tatlong school-nurse, ang dalawa ay nagtungo kay Ion na suka parin ng suka habang ang isang lalaking nurse ay inilalayo ang mga students.




''Please, help me.'' nahihirapang sinabi ni Ion at hinawakan ang nurse sa braso nito. Dala ng iba pang rumespondeng nurse ang stretcher para dalhin sa infirmary si Ion upang mabigyan ng paunang lunas, habang itinatakbo ito patuungo sa indirmary ay kinakausap nila ito para sa detalye.



''It could be poisoning.'' Sabi ng nurse matapos obserbahan ang nangyayari kay Ion.



''Good thing she's responsive.'' Sagot ng nurse sa kasama nito.



''Please. . .'' pagmamakaawa ni Ion.



''Yes, we're here to help you, what's your name?''



''Ion Montemayor.'' Nahihirapang sagot nito.



''She's still vomiting, turn her head to the side to prevent choking.'' Ani ng nurse sa kasama nitong nurse.



''May kinain ka bang kung ano?'' kalmado paring tanong ng nurse habang hinahawakan ang mga kamay ni Ion upang pakalmahin.




''Leftover miso soup in the refrigerator, there's a note saying it's free to eat.'' Nahihirapan paring sagot ni Ion na ngayon ay may airway supports kagaya ng oxyen dahil nahihirapan na itong huminga.



''What's your age?'' Tanong ng nurse.


''Seventeen.''



''Your weight?''

''Sixty.''



Dahilan ng pagtatanong ng nurse sa mga detalye ay para alamin ang vital signs nito dahil maaaring makaapekto ang edad, timbang sa pwedeng masamang mangyari sa napaghihinalaang nalason, habang minomonitor ang kalagayan nito.




Habang tumatagal ay lumalala ang sitwasyon ng estudyante hanggang sa tuluyan ng nanghina ang katawan nito at hindi na humihinga't gumagalaw. Nawala ang pulso nito ka'ya nagsimulang mag-CPR ang isang nurse, habang ang isa ay tumatawag na sa emergency hotline.



Nasa kalagitnaan sila ng hallway patungo sa infirmary ng tuluyan na itong binawian ng buhay, natigilan ang mga nurse at dismayado sa nangyari.



''Did you make sure all of the rooms safe?'' tanong ng isang nurse sa kasamahan nitong nurse din.



''Oo, wala kaming nakitang lason sa dorm, probably someone killed her from poisoning and tried to hide it somewhere.''





Samantala naman ang mga kababaihan mula sa 8th section ay nagtipon tipon sa hallway ng kanilang dormitory, dahil pinayuhan ng nurse ang lahat na manatili muna marahil sa nangyari. Ang ilan ay nag-iiyakan, nababalot ng lungkot at takot ang mga kaklase ni Ion.




''What could be worser than this.'' Ani ni Jade habang naluluha sa nangyari.





''The fuck! It's taking a toll on me!'' sigaw naman ni Tophyllie, napahilamos ito at napaupo, habang ang ilan ay natutulala at hindi makapaniwala.




Samut'sari ang kanilang mga reaksyon sa nangyari, tila wala namang alam ang mga estudyante sa nangyari maski ang mga lalaki ng 8th section.




Natigilan ang lahat ng mamatay ang ilaw sa hallway kung saan sila nagtipon, napalingon sa paligid at sa ilaw na biglang namamatay bukas.



''Here we go again!'' sigaw ni Milley at tuluyan ng napahagulhol.




Nanlaki ang mga mata ni Rose ng makita ang taong nakasuot ng cloak at nakaputing maskara, ito din ang nakita nila sa sa TV flatscreen ng patayin si Hyacinth, may hawak itong archery bows, nakatutok ito sa gawi nila at tila handa ng mamana. Tinuro ito ni Rose kaya naman ay napalingon silang lahat kung nasaan ito nakatayo, sa puno may kalayuan kung nasaan sila, ang ilaw mula sa puno at poste ang naging dahilan para makita nila ito kaagad.




''What a poisonous night. . .'' Anito at tuluyang binitawan ang arrow matapos bumalik ng liwanag at bago pa tuluyang makaalis ang mga estudyante sa kanilang kinalalagyan.




Dark Secret: Enigma of AdamsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon