Chapter 38 - Missing ( Part 2 )

3M 61.9K 80.6K
                                    

Chapter 38 ( MHIAMB : Missing Part 2 )

Vash's PoV

"I understand" Cai said with a smile pagkatapos nang mahabang paliwanagan na nangyari. Aish. Halos 30 minutes yata akong nagpaliwanag. Buti nalang at naintindihan nya.

We started to walk slowly nang magka holding-hands hanggang sa makarating kami sa dulo ng corridor. Tumigil sya sa paglalakad kaya huminto din ako. Humarap ito sa akin saka nakangiting nagsalita. "I'll be fine by here."

kumunot naman ang noo ko."are you sure?" paninigurado ko.

"Yup, baka may makakita pa sa atin dito" sagot nya. She has a point. Yari ako sa kanila pag nagkataon.

Tumango lang ako and gave her a peck on her cheek. "I love you, babe" I said.

she smiled sweetly "take good care of Aemie-girl" at saka tumalikod at lumakad.

Sinundan ko pa ng tingin si Caileigh hanggang sa makalayo ito.

Nang biglang may magsink-in sa utak ko.

Si Mam Aemie. Sh*t.

Mabilis akong tumakbo pabalik ng parking lot para balikan ang kinaroroonan ni Mam Aemie.

Pagkabalik ko sa parking lot ay naabutan kong pabalik-balik si boss sa tapat ng kotse nya at aligaga sa pagdutdot ng cellphone. Magkahalog kaba at takot ang naramdaman ko. Pero kailangan kong harapin si boss.

Sh*t

Tumakbo na ako papalapit sa kinaroroonan ni boss dahil hindi na rin maganda ang kutob ko. "S-si Mam Aemie boss?" nagpalinga-linga pa ako sa paligid para hanapin si Mam Aemie.

"Damn you dumbass. I should be the one asking that" isang malakas na suntok ang natanggap ko kaya napa-upo ako sa semento ng parking lot. Gustuhin ko mang sumagot ay hindi ko din alam ang isasagot ko dahil ako ang may mali. Kaya napasinghap na lang ako at pinilit na wag indahin ang sakit ng pagkakasuntok sa akin.

Galit na galit na lumapit sa akin si boss. Kinwelyuhan ako nya ako dahilan para mapatayo ako "WHERE THE FVCK IS MY WIFE??!" muli kong naramdaman ang pagtilapon ng katawan ko sa sahig kasunod ang pag-ikot ng paningin ko. Damn. Dalawang suntok pa lang yun ah.

"H-hindi ko p-po alam" sagot ko saka pinunasan ang dugo na tumulo mula sa labi ko at pinilit tumayo mula sa pagkaka-salampak sa sahig.

Narinig ko ang pagkasa ng baril kay napatingin ako sa gawi ni boss.

He's pointing a gun directly to my head. Hindi ako makagalaw sa pagkakasalampak ko sa sahig habang galit na galit na nakatingin si boss sa direksyon ko. Tang*na. Katapusan ko na yata. Aish!! Bakit ko ba kasi iniwan ko si Mam Aemie.

"Tama na yan Mr. Roswell, mabuti pa hanapin na lang natin si Aemie. Baka nainip lang yun, kaya naglibot-libot" Lumingon si boss sa direksyon nung nagsalita. Maging ako ay napalingon din. Si Lamperogue. Minsan talaga may silbi pagiging pakialamero nitong gagong to.

Ibinalik ko ang tingin ko kay boss, pero bago ko pa man magawa yun ay hampas ng baril ang sumalubong sa mukha ko. Tang*ina. Bugbog sarado na ang mukha ko ah. Aish.

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon