Chapter 59 - Mafia War ( Part 2 )

2.4M 60.5K 85.4K
                                    

Chapter 59 ( MHIAMB : MAFIA WAR - PART 2 )

Kate's PoV

"Ako na ang bahala kay Alyana while Eiji's busy with the Roswells." Hindi ako mapakali dito sa loob ng sasakyan habang katabi si Ms. Violet Swansea. Sa kabila nya ay ang anak nyang si Sabrina Swansea.

Kasunod namin ang sasakyan nila Ms. Fiona at Mr. Lionhart. At hindi lang yon. Sunod-sunod din ang sasakyan nung mga lalaking armado ng mga baril. Lumingon ako sa likuran para tignan ang mga nakasunod na kotse. Kung susumahin, siguro higit-kumulang na tatlumpung sasakyan ang kasunod pa namin.

Nung tumigil ang sasakyan ay ako lang ang bumaba ng kotse. May iniutos sa akin si Ms. Violet Swansea na iabot kay Mr. Roswell kaya ako nandito. Supporting documents to ng annulment papers nila ni Aemie.

"Good evening Ma'm" Bati nung guard. Mabilis akong lumingon sa kanya dahil pamilyar ang boses nya. But I can't see his face, dahil bahagya syang nakatungo at nakaharang ang sumbrerong suot nya.

Dumiretso na ako ng lakad kasunod ng iba pa naming kasama. I don't know kung bakit hindi man lang sinita nung dalawang guards itong mga kasama ko. They have guns and such. Prohibited ang pagdadala ng mga ganito sa public places.

"Excuse me" That's Ms. Fiona. Nung makarating na kami sa front desk ng hospital lobby. Sya ang kumausap sa isang nurse na naroon. "We're looking for Mr. Vash Boulstridge room."

Humarap ang nurse na nakatalikod. She's wearing a surgical mask. Ako lang ba? Or everyone in this hospital really acting weird? "Room 504. It's on the 5th Floor."

"Thank you." Nagkatinginan ang mga kasama ko, "May dadaanan lang ako dito" Paalam ni Mr. Kevin Alferez, kasama ng iba pang lalaki.

"I will be waiting at the lobby" Sabi naman ni Mr. Ferrer. He's surrounded with his bodyguards. Nung maghiwa-hiwalay sila ay sumunod kanila Ms. Fiona.

Tatlong elevator ang nasa harap namin, pero mukhang may laman yung dalawa dahil isa lang ang nakabukas.

"Up?" Tanong ng isang doktora na may tulak-tulak na pasyente na nakasakay sa wheelchair while waiting for us to enter the elevator.'Bakit lahat may suot na mask?' tanong ko sa sarili ko. May I am just over-reacting, ganito naman yata talaga sa mga hospitals kasi mukhang wala namang napapansing kakaiba ang mga kasama ko.

I'm now with Ms. Fiona and Mr. Wallace Lionhart kasama ang iba pang mga lalaki.

I shifted my stare on the patient at saka napangiwi. He has bandages at mukhang walang malay dahil nakatungo lang at hindi nagsasalita. Uggh How I hate hospitals, from the smell of the chemicals, up to the weird doctors and nurses and the groggy patients.

As we enter the elevator, bigla akong kinabahan. I don't know why.

What if pagbukas ng elevator may bigla na lang bumaril samin? What if biglang sumabog itong elevator?

What if--- "Kate, are you okay? Namumutla at nanginginig ka."

Tinignan ko ang mga kamay kong nanginginig nga. "Let me see" Singit bigla nung doktora. Humarap sya sa akin at hinawakan ang noo ko. I am now looking straight into her eyes, nung ibaling nya ang tingin nya sa akin ay hindi ko maiwasang kabahan. Lalo pa at pakiramdam ko na she's smirking, kahit natatakpan ng surgical mask ang half ng face nya.

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon