Chapter 44 - Date ( Part 3 )

3M 67.5K 120K
                                    

Chapter 44 (MHIAMB : Date ( Part 3 ) )

 

 

Jacob's PoV

Bitbit ko ang madami at makakapal na tela habang paakyat ng rooftop ng Roswell's Company building. Takte! Sa tanang buhay ko, ni hindi ko akalaing gagawin ko to.

"Nasaan ba si Lampe?! Hindi naman pwedeng tayo lang tatlo ang gumagawa dito." Asar na tanong ko kay Boul at Lerwick pagtungtong ko ng rooftop. Kaya lumingon sila sa'ken.

Pagkabagsak ko ng mga tela sa sahig ng rooftop ay sumulpot si Lampe mula sa likuran ko saka pang-asar n' nagsalita. "Awww ang sweet. Na-miss mo naman ang kagwapuhan ko tol? I missed you too" ngumunguso-nguso pa yan habang sinasabi nya yan.

Banatan ko kaya to? Tsk. "Tigilan mo nga ako." asar na sagot ko kaya tumawa lang ang ungas.

"Ilang oras na lang ba ang meron tayo?" tanong ni Lerwick habang nakatingin sa kabuuan ng rooftop.

"Ang sabi ni Boss 6PM dapat ayos na to." sagot naman ni Boul.

I glanced at my wrist watch, 11:00 o'clock AM. Kayanin kaya namin to?

"Umpisahan na pagpa-plano!" ganadong usal ni Lerwick.

Aemie's PoV

 

Yung kanang-kamay ko may hawak na ice cream. Yung kaliwa ko namang kamay hawak-hawak ni Zeke habang naglalakad kami dito sa Divisoria.

"Are you sure you don't want to buy anything, wife?" tanong ni Zeke.

Ang kulit nito. Kanina pa yan eh. Tuwing may titignan akong botique itatanong nya kung bakit ko daw tinitignan. Kung gusto ko daw ba. Hayy. Hindi ba nya alam ang salitang 'window shopping'?

Saka wala pa naman ako nakikitang stickers eh. Hehehe.

Umiling nalang ako bilang sagot. Saka itinuloy ang pag-dila dito sa ice cream na strawberry flavoured.

"Then why the fvck are we here?" muntik ko pa mabitawan ang ice cream ko dahil sa pagkakagulat nung nagtanong si Zeke.

"Wala lang, hehehe. Magtitingin ako ng mga stickers at collectibles ng barbie. Mura kasi dito dong, may mga tig-limang piso nga lang eh" Tinanong kasi ako ni Zeke kung saan ko gusto pumunta. Kaya dito ko sinabi. Hehehe.

"Tss."

Nakakatuwa nga eh. Kasi napapayag ko si Zeke na pumunta dito.

-Flashback-

 

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon