Chapter 60 - Ferrer-Roswell Nuptial

3.5M 77.9K 207K
                                    

Chapter 60 (MHIAMB : Ferrer-Roswell Nuptial)

Amesyl's PoV

Abot tenga ang ngiti ko habang pinapanood si Aemie na inaayos ang gown nya. Kakadating lang kanina nitong natitirang tatlong gown.

Oo hindi kayo nagkakamali. Natitirang tatlong gown dahil dumating na yung unang lima, nung nakaraang linggo pa.

Si tita Alyana ang may ideya na walong iba't-ibang gowns ang isuot ni insan sa araw ng kasal nya. Ayaw pa ngang pumayag nung una ni insan dahil bakit daw ang dami, e nag-iisa lang naman daw syang magsusuot.

"Ayoko po nito ateng mananahi, pangiti-ngiti yung pinsan ko. Nakakatawa yata itsura ko dito e. Pwede po bang papalitan na lang? Hehe"

"Ano ka ba insan Aemie. Bagay na bagay sa'yo yung wedding dress na yon." Kontra nung baklang betty boop.

Siniko ko agad ng malakas at sinamaan ng tingin si Louie na kumakain sa tabi ko. Ang kapal nga ng mukhang kumain dito sa loob mismo ng kwarto ni insan. "Isa pang tawag mo ng insan kay Aemie, ibibili din kita ng barong"

"Talaga momo? Papakasalan mo na din ba ako?" Ngumiti pa sya ng malapad kahit punung-puno ng pagkain ang bibig nya. Kadiri talaga 'tong baklang betty boop na 'to.

"Hindi. Para sa burol mo yon. Psh"

"Ayii. Kunwari ka pa momo alam ko namang kinikilig ka din sa'kin. Pfft." Wow ha! Ang kapal-kapal talaga ng mukha nitong baklang to.

"Ito naman pong isa ang isukat nyo Ms. Ferrer" Sabi nung isa sa mga babaeng nagdala ng gown kaya pumasok na ulit si insan sa loob ng walk-in closet nya para magbihis.

-Flashback-

Mag-iisang linggo na din simula ng bumalik si insan. Ang totoo nyan ay wala kaming alam dalawa ni Louie Birkins kung anu-ano ang mga nangyari sa kanila. Basta ang alam lang naming ay sabay-sabay silang bumalik.

Daig pa nga nila ang sumabak sa gyera sa mga itsura nila nung pumunta silang lahat dito last week, lahat may dalang baril, may mga daplis ng bala. Ang weird lang kasi parang masaya pa silang lahat sa nangyari. Hindi ko din namang ugaling mangialam kaya hindi na ako nagtanong pa.

Dumating ang asawa. I mean dating asawa ni insan sa mansion nila tito Eiji at tita Alyana, kasama ang mga iba pang myembro ng Roswells. Malugod naman silang sinalubong ng buong mansion.

“Welcome home young man” Nakangiting bati sa kanya ni tito Eiji. Maging si tita ay nakangiti din. “Maupo kayo. Please feel at home, hwag kayong mahihiya” Dugtong pa ni tita. At saka sila nagkanya-kanyang lakad papunta sa living room at naupo.

Nanatili lang akong nakatayo sa isang tabi at nanunuod.

Welcome na welcome ang mga Roswells dito sa mansion. Hindi tulad noon na nakakarinig pa ako ng mga usapan na gusto silang patayin. Minsan tuloy naiintriga ko kung ano ba talagang nangyari.

Pero kung ano man ang nangyari, hayaan na natin yon, ang importante masaya si insan at tita.

Lumingon ako nung makadinig ako ng ingay. Malamang si insan na to. Tinignan ko syana kaka-baba lang galing sa kwarto nya. “Waaaa Zeke! Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni insan habang nagmamadaling bumaba.

Lumapit agad sya at tumabi kay Ezekiel Roswell. “ I missed you” Sabi ni Ezekiel Roswell sa kanya.

Gusto kong ngumiti kasi kahit hindi ko aminin. Kinikilig ako sa kanilang dalawa. Aba! Ni hindi ko inakalang may magkakagusto kay insan. Hindi tipo ni Ezekiel Roswell ang inisip kong magkakagusto kay insan. Mas bagay pa nga sila ni Louie eh. Minsan nga naiimagine ko kung sila ang mag-boyfriend. Siguradong sabog ang mundo sa kakulitan nilang dalawa.

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon